Chapter 8

21 2 0
                                    

                     "Tip si Nim!" narinig niya mula sa likuran. Paglingon niya nakita na niyang may kasama si Kiya na isang babae na may dalang cake na may tatlong kandila. Pagkakita sa babaeng ito, nakaramdam siya ng isang pakiramdam na ngayon niya lang naramdaman. Halos tumigil ang mundo niya. Napakaganda nito. Napansin niya ang pagbilis ng tibok ng puso niya. Naputol lang ang pag iimahinasyon niya ng maramdaman niya ang pagsiko sa kaniya ni Grey.

                      "Huy! Tip! Parang nakakita ka ng multo ah!" natatawang biro ni Grey.

                      "HUH?" iyon lang ang tangi niyang naisagot rito. Dahil nanatili parin ang pagbago ng pakiramdam niya.

                      "Sabi ni Kiya si Nim!" sabi ulit ni Grey. Tumingin siyang muli kay Nim.

                      "H-hi Nim!" bati niya rito. Nanatili ang mabilis na tibok ng puso niya.

                      "Hello Tip!" bagay ang mahinahon nitong boses sa maganda nitong mukha. Sinundan niya ito ng tingin ng lumapit ito sa mesa nila. Ipinatong nito roon ang dala-dalang cake. Hindi parin niya magawang ialis ang tingin niya sa magandang mukha ng dalaga. Masarap itong titigan habang kumakanta ito ng "Happy birthday". Ang mga mata nito. Ang mga ngiti nito, lahat ng makita niya rito ay ang nagpapangiti sa kaniya.

                       Nang matapos na ang kantahan ay umalis sa tabi niya si Grey. Nakita niya itong lumapit sa tabi ni Pong na nakatayo parin sa tabi ng bintana. Muli niyang binalikan ng tingin si Nim. Nang balingan niya ito napansin niyang tila may hinahanap ito. Hanggang sa napatingin ito sa gawi niya. Nabasa niya ang nasa isip ng babae. Naghahanap ito ng mauupuan. Walang anong tumayo siya at itinuro ang kinauupuan kanina ni Grey. Nginitian siya nito tsaka kumilos palapit sa kinatatayuan niya.

                        "Nim! Saan ka pupunta?" narinig niyang tanong ni Pong. Sabay pa sila ni Nim na napalingon sa kinaroroonan nito.

                           "Ah...uupo sa tabi ni Tip. B-bakit? sagot naman ni Nim.

                           "Wala naman naitanong ko lang" sabi ni Pong habang nakatingin sa kaniya. Mga tingin na nagbabadya. Sa isip-isip niya ang gusto nitong iparating sa kaniya ay kung may masama siyang balak na gawin kay Nim ay mabuti pang huwag na nitong ituloy. Pilit niya itong nginitian bago niya muling balingan si Nim. Nadatnan niya itong naka upo na sa tabi niya.

                             "Salamat..." nakangiting sabi ni Nim sa kaniya.

                             "Para saan?" tanong niya rito.

                             "Sa pagpapaupo sa akin rito...sa pagpaparaya" mahinahon nitong sagot.

                             "Eh...wala naman talaga kaninang nakaupo diyan" sabi niya.

                             "Pero nakatayo ka ngayon. Ibigsabihin lang niyan ay nagparaya ka." napapaisip na ito.

                           "Nakatayo akp para...mag unat-unat" sabay unatn nga sa harap nito. Pero palusot niya lang talaga iyon.

                             "Ah pasensya na" pahinging paumanhin nito. Kahit alam niyang wala itong dapat ipag paumanhin.

                             "Hindi biro lang iyon" pag hahayag niya.

                             Tumawa ito. Kahit siya ay sinabayan niya ito sa pagtawa.

                           "Yes!!!" Sigaw ni Spir. Halos lahat ng naroon sa bahay ay sabaysabay na napatingin kay Spir. Nasa harap ito ng TV at DVD. Nag operate ito ng videoke.

                            "Bakit kayo lahat nakatingin saakin?" tanong nito ng mapansin na nasakaniya ang lahat ng atensyon. "GUmagana na kasi iyong videoke." paliwanag nito. Lumapit rito si Mhey.

                             "Paano, makasigaw ka kasi akala mo nanalo na sa loto" sabi ni Mhey sabay hablot sa mikropono na nasa kamay ni Spir.

                             "Mag uumpisa na naman silang mag away." narinig niyang sabi ni Mhey. Nilingon niya ito. Nakangiti lang ito habang pinagmamasdan sina Spir at Mhey. Hanggang sa marinig niyang mag umpisang tumugtog ang speaker ng videoke. Pero wala paring nakakapag umpisang kumanta sa dalawa. Patuloy sa sigawan at agawan ng mikropono ang mga ito.

                             "Ganiyan ba talaga sila?" natatawa niyang tanong sa katabi.

                             "Parati, as in sa tuwing magkasma kaming lahat. Sila ang nagbibigay ingay sa samahan naming lahat" sagot nito nang hindi inaalis ang tingin kanila Spir at Mhey.

                         "Kapag pinag dikit ang dalawang iyan. Parati na lang may world war. Pero na niniwala kami na sa simbahan rin ang bagsak ng dalawang iyan" dagdag pa nito. Napangiti na lang siya rito.

                            "Akin na!!!" sigaw ni Mhey sa mikropono. Sabay-sabay silang lahat nagtakip ng mga tenga nila sa lakas ng boses na dumaan sa speaker sa mga harap nila. Nakita na lang niya na tumayo si Tom. Lumapit ito sa may DVD, may pinulot ito mula roon. Isang mikropono rin.

                                "Bago pa kayo mag patayan kayong dalawa!" inabot nito ang kinuhang mikropono sa mga ito. Sabay na napatingin sina Spir at Mhey sa kamay ni Tom. Sabay rin nilang inabot iyon. Nahulog na lang ang kaninang mikropono na pinag aawayan ng mga ito. Parehas ang mga ito na nagtitigan ng masama. Ngumisi si Mhey.

                                   "Aray ko!" sigaw ni Spir. Tinapakan ni Mhey ang kaliwang paa ni Spir. Kaya ito napasigaw sa pagkabigla. Kaya naman napabitaw ito sa mikropono na inaabot ni Tom.

                                  "Ayan tig isa na kayo ng mikropono!" sigaw ni Tom. Nakikipag kompetensya sa lakas ng tugtog ng speaker.

                                      Mag uumpisa na sana ang dalawa sa pagkanta. Kaso ay natapos na ang tugtog sa speaker. Naubos ang oras ng mga ito sa pagtatalo. Lihim sina Grey sa pagtawa sa mga ito. Si Mhey naman ay lumapit sa may DVD para mamili muli ng kanta.

Unraveling SecretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon