Tatlong araw pa lang nakakasama ni Tip ang groupo ni Grey. Pero komportable na siya sa mga ito sa tuwing kasama niya. Tinuturing siya ng mga ito na isang kaibigan. Kaya naman ganon rin siya sa mga ito. Papasok na siya sa eskwelahan ng oras na iyon, pero bago dumeretsyo ay huminto muna siya sa tambayan nila sa bakanteng lote. Naroon na sila Tom,Riyu at Spir ng makarating siya roon. Nilapitan niya ang mga ito.
"Ang astig ng band aid mo sa ilong mo" puna niya sa ilong ni Spir. Umupo siya sa tabi ng mga ito.
"Mabuti nga at nagising pa itong si Spir sa sobrang kalasingan kagabi!" biro ni Riyu.
"Oh! tara na. Kompleto na tayong lahat" yaya ni Spir.
Patayo pa lang siya ng may dumating na mga lalaki na nakasakay sa motor. Masasamang tingin ang nakita niya sa mga ito sa kanila. Kaya naman nakadama kaagad siya ng takot.
"Kaibigan ninyo lang ang mga iyan hindi ba.?" utal na sabi niya. Sinundan na lang niya si tom ng lumapit ito sa mga kararating lang. Pati ang dalawa ay sumunod rito.
"Hindi mga kaaway namin ang mga iyan" narinig na lang niyang sabi ni Tom.
Lalong tumindi ang takot na nararamdaman niya ng marinig ang sinabi ni Tom. Alam na niya ang mangyayari sa mga ito. Tumayo siya mula sa kinatatayuan upang makalayo ng ilang hakbang sa mga ito.
Nakalapit na ang mga kaaway nila Tom sa mga ito. Sa tansiya niya ay binubuo ang grupo ng mga ito ng walong kalalakihan. Nang maobserbahan ang bawat isa sa mga ito. May nakakuha ng atensyon niya. Ang isa rito ay ang kaibigan ni Sed. Pero ang alam niya ay hindi kaibigan ni Sed ang iba pa.
"Kamusta na Tom hindi pa tayo tapos ng mga kaibigan mo" maangas na sabi ng nangu nguna sa mga ito. Sa tingin niya ito ang namumuno sa mga ito.
"Gusto mong tapusin na natin rito!" sigaw ni Tom. Sabay tulak sa lalaking nangungu na rito. Nataranta siya sa ginawa ng kaibigan niya na pagtulak sa kaharap nito. Kaya naman ang kaunting hakbang na inatras niya kanina ay nadagdagan pa. Napahinto pa siya sa paghakbang ng makitang nasapak ng malakas si Spir sa mukha nito, kaya naman natumba ito. Susugod ba siya para rulungan ang kaibigan na ngayon ay naka upo sa sahig? Habang tinatanong ang sarili. Hindi na niya nagawa pang mag isip ng makita ang kaibigan ni Sed na palapit sa kaniya.
"Ikaw naman ang susunod sa kaibigan mo!" sabi nito sabay sapak sa kaniya.
Hindi niya nagawang salagin ang kamao nito. Kaya naman kagaya ni Spir natumba siya. Nakita pa niya itong humakbang palapit sa kaniya. Kaya naman hinanda na niya ang gagawin nito. Hinarang niya ang kaniyang braso sa ulo niya at bumaluktot. Pinagsisipa siya nito. Wala siyang nagawa kundi ang manatili sa ganong puwesto ng sa gayon ay hindi gaanong masakit ang matanggap niya rito.
Paglingon ni Spir mula sa kaniyang pinagtumbahan. Nakita niya si Tip na ginugulpi na walang kalaban-laban. Pinilit niyang makatayo mula sa pagkaka upo. Buong tapang niyang nilapitan ang lalaking sumisipa kay Tip. Wala walang salita niya itong sinipa sa likuran para mapalayo ito kay Tip. Gumulong ito sa sahig, pagkakataon niya para sugurin itong muli.
"Takbo na!" napalingon si Spir sa lalaking sumigaw. Nang lingonin ang dahilan kung bakit ang mga ito ay tatakas. Nakita niya ang sasakyan ni grey na huminto sa di kalayuan.
"Babalikan kita! Hindi pa tayo tapos!" banta ng lalaki na kaninang nang gugulpi kay Tip. Napangisi na lang siya sa lalaki habang sinusundan ito ng tingin palayo.
"Pinainit mo ang isang iyon masiyado ah!" sabi niya kay Tip habang nakangisi. Nang muling tingnan si Grey. Noon niya lang nalaman ang tunay na dahilan. Kasama ni Grey si Pong.
"Ayos lang ba kayo?" nag aalalang tanong ni Grey sa kanila habang tumatakbo palapit sa kanila.
"Ayos lang kami" sagot ni Spir "Itong si TIp ang hindi, napuruhan!" tinuro pa niya ito.
"Sinabi ko na nga ba at mangyayari ito" nagkakamot na sabi ni Grey.
"Sira ulo ang mga iyon! Bumalik sila ngayon ulit rito! Mga bakla naman iyon e!" maya bang na sigaw ni Riyu. Noon niya lang naalala na naroon si Pong. Nakataas ang isang kilay ni Pong na nakatingin kay Riyu.
"Hee...Pong sila ang tinutukoy ko" nakangiti sabi ni Riyu kay Pong.
Hindi na pumasok sila Tip. Sinamahan siya ng mga kaibigan sa bahay nila ng sa ga- yon ay malunasan ang pasang natamo niya kanina. Nilapatan niya ng Ice bag ang kaniyang braso kung saan nag karoon ng pasa. Ang tinamaan naman ng suntok sa panga niya ay namula lamang.
"Tip, may bisita ka pang dumating" si lola Dah ang nagsalita. Kasunod ng matanda sina Nim at Kiya. Lumapit ang dalawa sa kaniya.
"Ayos ka lang ba Tip?" nag aalalang tanong ni Nim "Ano ba ang nangyati at napa away ka?"
"Sinugod kami ng mga mararahas na halimaw sa daan" sabat ni Riyu.
Sa sobrang tuwa ni Tip na muli niyang nasilayan si Nim. Hindi niya magawang paka walan ito ng tingin. Lalo na ng makita niyang nag aalala ito para sa kaniya.
"Nim! Lumapit ka nga rito" tawag ni Pong kay Nim. Hinatid niya ng tingin si Nim habang palapit ito kay Pong.
"OO nga pala may dala ako ritong bandage at gamot rito!" hayag ni Kiya. Inaabot pa nito kay Grey ang dalang bag.
"Isa kang hamak na tanga!" sigaw ni Spir sabay bato ng unan rito. Mabilis naman na nasangga iyon ni Kiya.
"Anong akala mo ang nangyari? Aksidente! Bugak! Pasa lang ang natamo ni Tip!" dagdag pa nito na nakakunot ang noo.
"Lakas ng tama mo sa akin ah! Mabuti nga at nagdala ako nito e! Dagdagan ko iyang sugat mo e!" sabi ni Kiya na may kasamang pag babanata.
"Hoy! Kayong dalawa pwede ba kaunting respeto lang. Wala tayo sa bahay ninyo. Nasa ibang bahay tayo" disiplina ni Pong sa dalawa.
BINABASA MO ANG
Unraveling Secrets
Misteri / Thrillerlahat ng tao ay may itinuturing na kaibigan. lahat ng may mga kaibigan ay nagkakaroon ng mga problema. may mga problema na mahirap i resolba, mayroon namang problema na madaling iresolba mas mahirap ay ang maliit na problema ang sisira sa isang sama...