chapter 14

11 1 0
                                    

            Kasama ni Tip sila Tom, Riyu at Spir habang kumakain. Pasimple niyang pinagmamasdan ang lalaking nanuntok sa kaniya na kaibigan rin ni Sed. Hindi parin kasi nagpapakita sa kaniya ang kaibigan. Kaya naman isang malaking katanungan parin sa kaniya at sa papa ni Sed kung nasaang lugar ito. Kaya naman gumawa siya ng paraan para malaman ang kinaroroonan ng kaibigan. Inumpisahan niya iyon sa pag sunod-sunod sa lalaking alam niyang kaibigan rin ni Sed. Pero hindi pa niya alam ang pangalan nito.

           Nang makitang tumayo ito mula sa mesang kinakainan. Agad siyang nag paalam sa mga kaibigan. Susundan niya ito. Nag babakasakali na may makita siyang kahit na ano na makakapag turo sa kinaroroonan ng kaibigan. Patayo palang siya sa kinauupuan ng pigilan siya ni Riyu.

            "Teka! Saan ka pupunta?"  agad na nag isip siya ng maidadalhilan sa kasama.

            "Uhm...kasi...kasi pupunta lang ako sa banyo" dahilan niya. Iyon lang ang naisip niyang dahilan. Nang bitawan nito ang manggas ng polo niya. Wala na siyang sinayang na segundo. Maingat niyang sinundan ang lalaki. Sa pag sunod niya sa lalaki. Dinala siya nito sa C.R. Kaya kahit papaano ay nawala ang nararamdaman niyang konsensya sa pag sisinungaling. Nagtago siya sa isang poste malapit sa C.R ng mga lalaki. Nang makita niyang lumabas na ang sinusundan, nagpatuloy na muli siya sa pag sunod-sunod rito. 

            Nakarating siya sa pag sunod-sunod rito sa likod ng isang gusali. Sa lugar kung saan niya nakita mula sa room niya na muntikang mag away ang groupo ng kaibigan ni Sed at nila Tom.

             May ibang mga lalaki rin roon. Ano naman kaya ang gagawin nila roon. May nakita siyang may inabot ang kaibigan ni Sed sa isa sa mga kaharap nito na lalaki. Mula sa puno na pinag tataguan niya. Nasilip niya ang kaharap ng kaibigan ni Sed. May kinuha ito na kung ano sa bulsa ng pants nito. Inabot nito iyon sa kaibigan ni Sed. Nakita niya na isang maliit na plastik iyon. Pero hindi siya lubos na nakaka siguro sa mga nakita. Hindi niya rin alam ang laman ng munting plastik na iyon. 

            Nag kaniya-kaniyang alisan ang mga ito. Pero hindi siya tumigil sa pag sunod-sunod sa lalaki. Bumalik ito sa C.R ng mga lalaki. Pumasok ito sa isang cubicle. Kaya naman nag karoon siya ng lakas na loob na maka pasok sa loob ng C.R. Pinasok niya ang katabi nitong cubicle. Nang maka pasok na sa loob. Pumatong siya sa ibabaw ng bowl ng sa gayon ay masilip niya ang ginagawa ng lalaki. Nang makita niya ito mula sa itaas ng cubicle. May hawak itong parang sigarilyo. Kumuha rin ito ng isang lighter. Nang makita na ang mga iyon hindi na niya pa hinintay ang mga susunod nitong gagawin. Lumabas na siya kaagad ng cubicle.

             Bumalik siya sa mesa kung saan niya kasama ang mga kaibigan. Naroon parin sila Tom at tapos ng kumain. 

             "Ang tagal mo namang nag banyo?" tanong ni Tom. 

             "Nag paraos ka pa yata eh. Nakailan ka?" si Spir sabay lapit sa kaniya para sa kaniyang sagot. HIndi pa man siya nakaka sagot ng sumingit si Tom.

            "Pulos ka talaga kalibugan" si Tom sabay batok kay Spir.

            Nagtawanan ang tatlo. Kaya naman nakitawa na lang rin siya kahit hindi alam ang dahilan.

            Nag uwian na. Magkakasabay silang umuwing apat. Nasa isip parin ni Tip ang hawak ng kaibigan ni Sed kanina. Sa pag iisip naisipan niyang tanungin ang mga kasamahan.

             "Uhm...Riyu" tawag niya sa katabi. Lumingon ito sa kaniya.

            "Bakit Tip?"

            "Anong tawag doon sa sigarilyo. Pero hindi yung gaya ng sa inyo? Iyong nakabalot sa isang papel tapos sinisindihan ng lighter?" paglalrawan niya. 

             Biglang huminto ang tatlo niyang kasama. Kaya naman huminto rin siya.

             "Bakit? Gusto mong sumubok ng ganon?" si Tom habang papalapit sa kaniya. Napailing siya rito.

            "Shabu iyon Tol!"si Spir na hindi makapaniwala ang mukha.

            Napanganga siya sa sinabi ni Spir. Ibig sabihin shabu ang kaninag ginagamit ng kaibigan ni Sed. Pero ipinag babawal na gamot iyon. Paano nagkaroon ng ganon sa loob ng school. 

             Nagulat na lang siya ng bigla siyang batukan ni Riyu.

            "Tol! ano ka ba! Huwag kang gagamit niyon. Masisira ang buhay mo. Huwag mong hayaan na mangyari yon sa iyo. Mang babae ka na lang. Madadamayan ka pa namin sa pangba babae" litanya ni Riyu sa kaniya. Napa iling na lang siya rito.

            "Hindi naman ako gagamit niyon. May nakita lang ako na ganon kanina" Paliwanag niya sa mga ito.

             "Mabuti dahil pagnalaman iyan ni Grey na gumagamit ka ng mga ganong bagay. Sinasabi ko sa iyo. Siya ang makakalaban mo" si Tom.

               "tara na nga! Baka kung saan pa mapunta ang bagay na ito e" sabay akbay sa kaniya at kay Tom.

              Nag umpisa na muli silang mag lakad. Hanggang sa magsalita muli si Tom.

             "OO nga pala may gimik kami nila Kiya mamaya. Gusto mong sumama?" tanong ni Tom sa kaniya. nag-isip siya sa tanong nito. 

             "Tingnan ko muna. Andiyan yata kasi sila mama mamaya. Pero kapag wala sila diyan sasama ako" sagot niya ng makapag isip.

              "Pero kapag ayaw talaga ng mga magulang mo o bawal ka talaga. Huwag ka na lang sumama. Baka kasi isipin mo na pinipilit ka namin" paliwanag ni Tom.

                 Tumango na lang siya rito.

             

     

Unraveling SecretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon