Pagkatapos naming mamili. Oh ha nakabili rin lang naman ako ng sampung libro. Okay na sakin yon. PInapadagdagan pa nga niya sakin eh pero sabi ko okay na noh. Ayokong abusuhin masyado yong pagiging mabait niya.
Iniwan muna namin sa may baggage counter yong libro para naman wala kaming dala-dala kung anu-ano habang naglilibot-libot kami.
Pumunta kami sa may jewelry store.
Tumingin-tingin din ako. Nakita ko yong isang necklace na may pendant na heartshape naka-engrave ang infinity sign tas may nakabaon na tatlong diamond roon. White gold yong necklace eh.
Ang ganda.
“You like that?” tanong ni TOP sakin.
Di ko alam na nasa tabi ko na siya.
“Ha? hindi” sabi ko at saka ko na siya hinila palabas ng jewelry shop.
Pumunta naman kami sa may World of Fun.
Hinila ko siya sa bilihan ng token at ticket at saka bumili kami ng maraming token hahhaa. Courtesy ni boss eh hahaha.
Hinila ko ulit siya sa may basketball arcade.
“Laro tayo” aya ko kay TOP.
Nang tignan ko siya ay nakahalukipkip lang siya at nakatingin sa may basketball arcade.
“TOP nilalaro yan hindi tinitignan” sabi ko sakanya.
He gave me a death glare.
Woah. Grabe katakot talaga ang tingin nito.
“Sige na basketball tayo” sabi ko sakanya.
Tinignan lang niya ako na parang nagtatanong na mga mata.
“Fine. Ayaw mo di wag. Ako na nga lang. Tabi” sabi ko sakanya at saka pumwesto na at hinulog ang token at saka pinindot ang start button.
Umpisa na ng game kaya tinary ko talagang maishoot ang bola sa ring kahit hindi ako ganon kagaling sa pagshoot. Pag-cheer siguro Oo.
Nag-time na kaya nalungkot ako ng makita yong score ko. 30pts lang?! tsk!
“Tss. Give me one” utos ni TOP sakin at saka nilahad ang kamay niya.
Binigyan ko siya ng token at saka hinulog iyon at pinindot ang start button.
Habang naglalaro siya ay padami ng padami ang nanunood na audience. Sino ba namang hindi?
Gwapo, matangkad at hot ang lalaking kasama ko ngayon at sobrang cool habang naglalaro ng basketball.
Napapanga-nga ang mga babae kapag nakakashoot siya. Geez.
Nang magtime na ay tinignan ko yong score niya. 200 walang-wala sa score kong 30. Sige di siya na magaling.
He gave me a smirk. Inirapan ko lang siya.
“Oh maglaro ka lang dyan. Bili lang ako” sabi ko at saka nilagay yong token sa may basketball machine.
Di naman siya tumutol eh kaya umalis na ako.
Pagdating ko ay mas dumami pa yong taong nanonood.
Dala ko sa kaliwang kamay ang bottle water niya at sa kanan naman ay ang pepsi cola ko.
Nagsumiksik ako para makalapit kay TOP.
Nang makalapit ako ay naglalaro parin siya.
“Ang gwapo gwapo niya ano?” narinig kong sabi ng mga babae.