PART THREE -The Jealous TOP-

27 1 0
                                    

Nagising ako ng maaga ngayon dahil linggo at kelangan ko pang mag-simba. Pagkapunta ko ng sala ay nakita ko si TOP tulog na tulog at yong isang kamay niya ay nasa noo niya.

Hindi nga siya magkasya sa sofa dahil sa sobrang tangkad at laking tao ni TOP. Tuloy naawa ako sakanya.

Napaka-gwapo niya lalo na pag tulog mukha syang anghel na hindi mo aakalaing hindi nagmumura at hindi nanghahawak ng dibdib.

Nang maalala ko yong ginawa niya ay nanginit na naman ang ulo ko.

Agad akong pumunta ng kusina para magluto ng almusal dahil maya-maya ay gigisingin ko na siya para kumain. Isasama ko siya mamaya sa simbahan eh.

Tapos na akong magluto kaya heto at ginigising ko na siya.

“TOP, uy gising na” sabi ko sabay yugyog sakanya.

Kaso wala eh di umepekto. Grabe tulog mantika talaga to.

“TOP” tawag ko sakanya.

Niyugyog ko ulit siya eh. wala parin.

Tinitigan ko mabuti yong mukha niya. Grabe bakit sobrang gwapo niya?

Ang haba ng pilikmata niya, ang kinis kinis ng mukha at yong  labi niya ang pula.

Namula yong mukha ko ng maalala na hinalikan niya ako kagabi.

Waaaa. Di ko makapaniwalang siya ang first kiss ko.

“Don’t stare at me like that wifey”

“Ay baklang kabayo” bulaslas ko ng magsalita si TOP.

Naimulat na niya ang mata niya kaya nagkatitigan kami.

“G-gising ka na pala eh. K-kakain na” sabi ko sakanya at saka na sana ako aalis pero pinigilan niya ako sa paghila sa braso ko.

Humarap ako sakanya. Nakatayo na pala siya.

Mas matangkad siya sakin kaya yumuko siya.

Ang lapit lapit ng mukha niya sa mukha as in.

Halos di na nga ako makahinga eh.

His pecked a kiss on my lips.

“Good morning my lovely wife” bati niya sabay smirk sakin.

Inirapan ko lang siya. “Kakain na. magsisimba tayo ngayon” sabi ko sabay talikod na sakanya.

Ang lakas parin ng tibok ng puso ko. Sobra.

***

Nang magsimba kami ay halos lahat ng tingin ay napunta kay TOP.

Nagtatanong sa mga katabi kung sino siya at mukhang ngayon lang nila nakita.

Umupo kami sa may paborito kong upuan sa simbahan.

Pagkatapos ng misa ay agad kaming pumunta sa mini-mall ng bayan kung saan naroon ang grocery store.

Mag-gro-grocery kasi ako ngayon eh. para sa darating na pasko.

Si TOP ang taga-tulak ng cart namin.

At syempre hindi parin maiiwasang pagtinginan siya ng maraming tao lalo na sa babae.

Habang namimili kami ay nakita ako ng kaklase ko dati na si James.

“Lala” tawag niya sakin at saka lumapit samin.

“James ikaw pala” sabi ko naman.

My Christmas Wish [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon