Chapter 2

37 5 1
                                    


Chloe Shiniez's POV

"Tingininginingting tingininginingting!!!" d>___<b yes alarm clock ko yun. Astig kaya nung tunog nun heheheh.

"Ahhhhhhhh" stretch stretch. Nag inat muna ko bago ko bumangon at dumeretso sa C.R. at tsaka nagsipilyo.

Naligo nadin ako at nagbihis ng uniporme ko. First day of school pa naman ngayon kaya dapat maging maganda ang araw ko. d^__^b

Nagluto ako ng bacon and ham tsaka nag saing narin. Pagkatapos ay pinuntahan ko na ang bestfriend ko sa kwarto nya na sa tingin ko ay hanggang ngayon ay naghihilik pa yun.

"Aiyan Kristel!!!" sigaw ko habang kumakatok sa pintuan ng kwarto nya dahil malupit tong katulog eh. Yung tipong parang ayaw ng gumising kaya kailangan talagang ihanda ang bunganga sa umaga palagi.

"Kainis naman dre aga aga ayan nanaman ang bunganga mo eh." sabay kamot pa ng ulo nya.

"Eh kasi naman po pag hindi ganun ang ginawa ko eh kahit magdugo nay kamay ko sa kakakatok sa pintuan ng kwarto mo eh hindi ka padin magigising!" pagpapaliwanag ko.

"Oo na! Oo na! Ang sarap kayang matulog." pangangatwiran nya pa d-.-b

Ganyan ang routine namin sa bahay araw araw bago pumasok sa school. Pero ngayon palang magsisimula dahil nga first day of school palang.

Minsan naman salitan kaming magluto ng umagahan. Si Aiyan Kristel Glinogo ang bestfriend ko. Simula bata pa lang ay magkakilala na kami ngunit habang tumatagal ay mas lalong tumatatag ang friendship namin.

Ang mga namin ay business partners kaya naman dati pa kami magkakakilala at magkaibigan. Puro nasa Korea ang mga negosyo namin at kung meron man dito sa Pilipinas ay madalang lang.

Mga restaurants ang business ng family namin ni Aiyan. Simula 15 years old palang ay nanirahan na kami ng kaming dalawa lang dito sa Bulacan dahil nga nasa Korea ang pamilya namin.

~School~

"Ayan na si Theon bilis!"

"Kyahhhhhhhhh!"

"Theon koooooo!!!"

"Awts naman kasama pala si Angel."

Bulungan at hiyawan ng mga babae sa palagid. I'm now wondering kung sino ba yung Angel at Theon na yun kaya naman humarap ako sa kung saan nakatingin ang mga ito ngayon.

"Ang gwa---" hindi naituloy ni Aiyan ang sasabihin nya at...

"Blaaaaggggh!" biglang ako nabunggo saktong pagkaharap ko at natapon pala ang libro ng babaeng nakabungguan ko.

"Ay sorry miss di ko sinasadya sorry talaga." pang hihingi ko ng paumanhin habang pinupulot isa isa isa ang mga librong nahulog nya at tinulungan naman ako ni Aiyan.

"OMG nabunggo nya si Angel."

"Mygawd lagot sya kay Theon nako possessive pa naman yan pagdating kay Angel."

"Hala kawawa naman si Angel."

Bulungan nanaman. So eto pala ang Angel na sinasabi nyo? Pwede na mukha nga namang Anghel sa ganda. Tss napaka oOA naman pala ng mga tao dito.

"Hay nako sa susunod kasi wag kang haharang harang sa dinadaana ko!" sigaw nya sa mismong harapan ko habang nakatahimik naman ang lalaking katabi nya na sa tingin ko ay ang sinasabi nilang Theon.

"Aba aba baka naman kaya ikaw ang hindi tumitingin sa dinadaanan mo miss? Ang luwag luwag naman kasi ng daan dito pa talaga sa may makakbungguan kailangang dumaan?" sabat naman ni Aiyan.

Siniko ko naman sya.

"Miss pasensya na talaga sa susunod po mag iingat na ako." sabi ko nalang.

"Tss kapangit pangit mo eh binubunggo mo pa talaga ang Anghel ko ah?" inis na sigaw nung Theon ata.

"Aba'y talagang----" hindi ko na pinatapos pa si Aiyan at hinila ko na sya palayo doon. At nagtawanan naman ang mga nakakadinig samin. Tss. Anong konek ng itsura ko dun?

From Judging To Proposing Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon