Chapter 3

30 5 1
                                    

Chloe Shiniez's POV

Dumeretso kami ni Aiyan sa canteen para bumili ng snacks pagkatapos ng pangyayari kanina. Hayys kung ako tatanungin nyo eh inis na inis ako sa Theon nayun. Makasabi ng pangit eh di naman gwapo. d-__-b (gwapo kaya ni Theon d^____^b)

"Nakakainis yung lalaki nayun. Kilala mo ba yun?" inis na ani Aiyan habang kumakain kami ng snacks.

"Inis na inis din ako kanina pero di ko lang pinapahalata kasi baka lumala lang eh. Hindi ko kilala yun." tugon ko sakanya.

"Sayang naman yung kagwapuhan nya." nanghihinayang na sabi ni Aiyan at may pa sad face sad face pang nalalaman.

"Tss. Pangit pangit eh." bulong ko sa sarili ko.

"Makapanghusga sya eh. Nakakainis!" inis nanamang sabi ko kay Aiyan.

"Teka nga, hindi ka naman pangit ah. Maaring di tayo kasing puti at tangkad nung girlfriend nya eh maganda parin naman tayo. Lalo kana na pinanglalaban pa dati ng beauty contest." ani Aiyan at napabuntong hininga naman ako.

Hindi naman kasi talaga ganyo yung kulay namin eh. Nung bakasyon kasi dito sa Pilipinas ay wala kaming ginawa kundi mag pa tan sa beach. Halos lahat nga ata ng beach dito sa Pilipinas ay napuntahan namin eh.

Ewan ko ba dun sa lalaking yun kung bakit maka pangit eh wagas. Pababayaan ko nalang sya.

First day na first day eh ganto agad ka badtrip?

"Dre libot nalang tayo. Libutin natin ang BSU." aya ko kay Aiyan na agad naman ay pumayag.

Pagkatapos namin libutin ni Aiyan ang BSU ay pumasok na kami sa section namin t mabuti naman dahil magkaklase pala kami.

Grade 11 palang kami, SHS. Simula Grade 7-10 ay sa Manila kami nag aral. Lumipat lang kami sa Bulacan na tirahan naman talaga namin nung mga bata pa.

Inshort bumalik lang kami dito after ng Grade 10 sa Manila.

Naabutan pa kami ng K-12 kaya eto kami, imbis na 1st year college namin ngayon eh naging SHS pa.

Pagkapasok namin sa room ay umupo na kami agad sa pinakadulong upuan ng classrom. Malapit naring mag bell kaya inayos muna namin ang mga gamit namin pati narin ang sarili namin.

Dumating ang isang matandang babae na sa tingin ko ay ang magiging adviser namin.

"Good morning class!" bungad niya saamin.

Napatayo naman kaming lahat dahil mukhang matpang ang isang toh."Good morning mam!" masiglang bati namin sakanya na mahahalataan mo ng excitement.

"Ok take your sit. I am Mrs. Margarita Ramos and I will be your adviser for the whole school year." pagpapakilala ni Mrs. Ramos.

Nasa kalagitnaan na ng klase ng biglang bumukas ang pinto ng pakalabog at napatingin kaming lahat sa pumasok na lalaki.

"Good morning Mr. Schutz." halatang medyo galit na na sabi ng adviser namin."

Grabe naman ang lalaking to ah. Napakagalang! d-____-b

Di ko pa nakikita ang mukha ng lalaking pumasok dahil nasa likuran ako at wala naman akong pake sa kung sino sya ngunit ng makita ko ang mukha nya ay.....

dO___Ob

Si Mr. Judgemental naman pala.

Grabe sa kanya bagay ang tinatawag nya saking pangit.

"Good morning mam. Sorry for being late." tugon naman ni Mr. Gwapo. d-___-b

Grabe gwapo nga NAPAKABAIT naman.

"Sorry?" buntong hininga ni Mrs. Ramos at tsaka hinarap si Mr. Gwapo.

"Hanggang Grade 11 ba naman eh palagi ka paring late pumasok eh halos dito lang naman sa tabi ng school ang bahay nyo. Mr. Schutz paalala ko lang, ipinapabantayan ka ng lolo mo saamin sa eskwelahang ito kaya wag na wag mong mababanggit na kayo ang may ari nito."

dO___0b

"Sila ang may ari ng school nato?" bulong ko sa sarili ko at bahagyang natawa.

Tss. Kaya naman pala napaka hambog nung lalaking yan eh. Makapang lait eh. At kaya rin pala sya sikat dito. Heheheh.

"Sorry Mrs. Ramos please wag nyo po akong isusumbong kay lolo. Hindi napo talaga mauulit." nagmamakaawa pang ani nito.

"Hayy sige nanga last nato ah. Take your sit Mr Schutz."

Napalingon ako sa kanan ko dahil sa kaliwa ko ay si Aiyan. At nakita kong bakante ito at pati narin yung nasa unahan ko.

Palapit sya ng palapit.

"Please dun ka nalang sa unahan ko umupo." nagmamakaawang bulong ko sa sarili ko habang naglalakad sya papalapit.

Lakad.

Lakad.

Lakad.

Lakad.

Ng huminto sya sa upuan sa harap ko ay para kong nakahinga ngunit ng humakbang sya ulit papalapit sa upuan sa tabi ko ay napa....

"Shit!" ako kaya naman napatingin sakin si Aiyan at nag bigay ng 'bakit look'

Umiling nalang ako sakanya at tuluyan na ngang dito umupo sa tabi ko ang Theon nato.

d-___-b

"Hala swerte nya naman dapat ako nalang ang tinabihan ni Theon eh." sabi ng babaeng katapat ni Aiyan na dapat eh makakatabi kanina ni Theon kung dito sya umupo sa harap ko.

"Swerte nya!!!" impit na sabi ng mga babae na tumutukoy sakin.

"Kyahhhhhh dapat ako nalang sya!"

"Kung ako sya eh nangigisay nako ngayon jan."

Tss. Eh hindi nga kayo ako eh anong magagawa ko?

"Silence!" sigaw ng teacher namin.

Malas naman ng araw nato. First day of school paman din. At lahat yun ay nagsimula ng makita ko sya kaninang umaga pagkapasok ko palang.

Whushu! Bakit pa kasi sa lahat ng makakasalubong ko kanina eh ikaw pa.

Natapos ang klase at sabay naming inaayos ngayon ni Aiyan ang gamit namin habang ang katabi ko namang isa ay mukhang paalis na.

"Dre san tayo?" tanong ni Aiyan.

"Canteen nalang dre gutom nako eh tsaka lunch nanaman." tugon ko sakanya.

Tumango lang sya at lumabas na kami ng room at dumiretso sa canteen.

From Judging To Proposing Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon