Chapter Nine : STASHA

27.2K 575 82
                                    

STASHA

"SUCCESSFUL ANG PARTY, Ella," natutuwa kong sabi habang nililibot ng tingin ang buong gym na venue ng acquaintance party.

Marami kasing mga estudyante mula sa first year hanggang fourth year ang um-attend. Halos lahat din ng mga professors and deans ng iba't-ibang colleges ay present din sa party.

"Oo nga," sang-ayon ni Ella na itinaas ang isang kamay para makipag-high five sa akin. "Hindi nasayang ang effort natin," nakangiting sabi nito.

Kaming dalawa kasi ni Ella ang naging in-charge sa pag-aayos ng party. Katulad iyon ng ipinangako ko kay Lucas.

Although, tinulungan naman kami ng It Girls, maliban kay Ashley, na bigla na lang akong inilaglag sa paghahanda sa party na ito samantalang ideya nito ang party.

Nariyan rin ang iba pang council members ni Lucas na tumulong din. Ang basketball team na kinabibilangan ni Jacob at syempre mawawala ba sa eksena si Tres? Pati na rin ang mga professors ay tumulong din.

Siguro ay excited din sila na magkaroon ng party dahil matagal-tagal din ang panahong hindi nagkaroon ng acquaintance party.

Nakakatuwa namang makita na naghahalubilo ang mga estudyante sa kapwa estudyante kahit na magkaiba ng kurso at level.

Lana was flirting with a cute engineering student. Si Cyrstal ay kasayaw ang isang varsity player ng swimming team.

Wala si Ashley sa party. Ewan ko kung bakit b-in-oycott ni Ashley ang party gayong ito naman ang promotor sa una pa lang.

Ilang beses ko siyang tinext at tinatawagan pero hindi nito sinasagot ang mga text messages at tawag ko.

At si Lucas? Hindi na kailangang hanapin ng paningin ko si Lucas dahil hindi ko naman ito hinihiwalayan ng tingin simula nang pumasok ito sa gym.

He looked more handsome and dapper in his checkered long sleeves polo na itinupi hanggang siko. Naka-denim pants pa rin ito at sneakers. Casual lang naman ang tema ng kasuotan sa party.

"Tingnan mo si Tres, Stasha," pukaw ni Ella sa atensiyon ko. Medyo naging malapit kami sa isa't-isa ni Ella dahil lagi kaming magkasama nito sa loob ng dalawang linggong pagpi-prepare namin ng acquaintance party, bagay na ikinataas ng kilay ng mga It Girls.

Maikling panahon na kelangan naming gawin nang madalian dahil iyon lamang ang ibinigay na oras sa amin ng school management.

"Isinasayaw si Dean Diaz. Ang kulit talaga ni Tres," dagdag pa ni Ella.

Dumako ang tingin ko kina Tres at Dean Diaz. Tawa ng tawa ang huli habang isinasayaw ni Tres.

Pagkatapos ay palihim ko ulit sinulyapan si Lucas. He was sitting beside Miranda dela Cruz sa mini-bar.

Kahit wala namang ginagawang masama sa akin si Miranda ay nakakaramdam ako ng ngitingit dito. Hindi na ito humiwalay kay Lucas.

Lalong hindi ko na naintindihan ang sinasabi ni Ella nang marinig ko ang malakas na halakhak ni Miranda. Nilingon ko silang dalawa at nakita kong hinampas ni Miranda sa braso si Lucas.

Napasimagot ako at naiinis na ibinalik ang atensiyon kay Ella. Maya-maya ay may lumapit para makipagsayaw sa akin ngunit tumanggi ako.

Gusto mo kasing si Lucas ang makipagsayaw sa 'yo, sabi ng isang parte ng utak ko.

Well, aaminin kong hinihintay ko nga na isayaw niya ako.

Napatingin ako ulit sa direksiyon nina Lucas. He was looking at me. Nagtama ang paningin namin and then he smiled.

I'm In Love With You : College Hottie # 1 - Lucas AgoncilloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon