Chapter Thirty-Seven : STASHA

19K 430 52
                                    

STASHA

PAGDATING NG LUNES ay hindi ko na hinintay si Lucas sa parking lot. Masama ang loob ko dahil sa Xuxa-issue noong Sabado.

Gusto ko itong komprontahin pero paano? At may karapatan pa ba ako?

Baka ako lang ang mapahiya kung komprontahin ko ito.

Pero iniabot ko kay Miranda ang sandwich na ginawa ko para rito. Sinabi kong ito na lamang ang mag-abot kay Lucas kapag nagkita sila sa student council office.

SA LOOB NG isang buong linggo na iyon, Lunes hanggang Biyernes ay hindi ko ito hinintay sa parking lot pero nagpapabigay ako ng sandwich kay Miranda para kay Lucas.

Hindi rin kami nagkikita sa buong campus. We were deliberately avoiding each other.

Pero noong Wednesday ng hapon ay hindi naiwasang nagkasalubong kami. Galing ako noon sa klase ko at siya naman ay pasalubong sa akin.

Gusto ko sanang bumalik ng classroom at hintaying makalampas siya pero nagtama na ang mga paningin namin.

I smiled at him. Tinanguan lang ako nito at ipinagpatuloy ang paglalakad.

Friday, pagkatapos ng huling subject ko at pauwi na ako nang madatnan ko ito sa parking lot.

Nakaupo ito sa hood ng kotse nito habang ang bag ay nakasukbit pa rin sa balikat.

Biglang hindi ko malaman ang gagawin ko nang makita kong papalapit ito sa direksyon ko nang makita ako.

Ako ay kunwaring hindi ito napansin at nagmamadaling binuksan ang pinto ng kotse ko.

Naunahan ko nga si Mang Kanor sa pagbukas dahil sa pagkataranta at kagustuhang makapasok na sa loob ng kotse.

Hindi ko maintindihan ang sarili ko pero parang bigla akong naduwag. Wala kasi akong ideya kung ano ang gusto nito.

At biglang naisip ko na baka pagbawalan na nito maski ang pagbibigay ko ng sandwich.

Pero bago pa ako nakapasok sa loob ng kotse ko ay nakalapit na agad ito sa akin.

"Stasha," tawag nito sa akin.

"Oh, hi," bati ko na kunwari ay noon ko lang ito napansin. Gusto kong matawa sa sarili ko.

Alam ko naman kasi na ang tulad ni Lucas Jaime Agoncillo ay hindi pwedeng hindi mapansin.

Inipit ko ang buhok ko sa tenga patunay na tensyonada ako.

Pero may parte sa puso ko ang natutuwa sa pagkikita namin iyon.

I really missed him a lot. At itong pagkakataon na ito ay nagdudulot talaga ng kasiyahan sa akin.

"Can I have a minute with you?" tanong nito.

Napadako ang tingin ko sa bag nito at bigla akong nanlumo nang makitang wala na roon ang "wedding ring" namin na ginawa nitong chain tag.

Tinanggal na ba nito iyon dahil naka-moved on na ito?

Isa kasi iyon sa link ko kay Lucas dahil alam kong mahalaga ang singsing na iyon rito.

Pero ngayon ay wala na.

Parang gusto kong magpapadyak at mag-iiyak nang mga oras na iyon kundi lang nakakahiya.

Ang sakit sakit ng nararamdaman ko na parang gusto ko ng tumakbo palayo at humagulgol.

I swallowed the lump in my throat. At para pigilan na rin ang pamumuo ng luha sa gilid ng mga mata ko.

I'm In Love With You : College Hottie # 1 - Lucas AgoncilloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon