Chapter Forty-Three : STASHA

24.3K 436 24
                                    

STASHA

KINABUKASAN PAGPASOK KO ay nahagip agad ng mga mata ko si Lucas na naghihintay sa akin sa parking lot.

Nakaupo ito sa hood ng BMW nito habang sinusundan nito ng tingin ang kotse ko na ipinark sa hindi kalayuan sa kotse nito.

Pagkababa ko ng kotse ay halos patakbo akong lumapit dito. I missed him already. It sounded OA pero totoo.

Tumayo ito nang makalapit ako. Niyakap ako nito sa beywang at hinalikan ako,hindi sa pisngi kundi sa ilalim ng tenga ko.

"I love you..." bulong nito matapos akong halikan.

Napangiti ako ng maluwang. "I love you more," nakangiting sabi ko. Kinilig ako sa gesture na iyon.

Umiling ito. "No. I love you more, Wifey. Period. End of discussion."

I giggled. Lagi naman itong ganoon. Ayaw patatalo kung sino ang mas nagmamahal kanino.

Umupo ulit ito sa hood ng sasakyan nito. Habang nakayakap pa rin sa likod ng beywang ko ang magkasalikop nitong mga kamay.

Nakatayo ako sa pagitan ng mga hita nito at amoy na amoy ko ang panlalaking cologne nito.

God, he is really mabango.

Iniyakap ko ang magkasalikop kong kamay sa batok nito.

"Did you dream of me?" malambing nitong tanong.

"I did," nakangiting kong sagot.

He gave me a handsome grin. "Good."

"How about you?" malambing kong tanong. "Did you see me in your dream?"

He looked straight into my eyes. "Always."

Natatawang hinawakan ko ito sa pisngi. "You're so mushy, Lucas Jaime."

Hinalikan naman nito ang kamay kong nakahawak sa pisngi nito. "It's your fault that I am now."

Bumitiw ito sa pagkakayakap sa beywang ko. Binuksan nito ang bag. Hindi naka-chain tag ang singsing dahil nakita kong suot nito.

Mula sa bag ay inilabas nito ang ang isang sandwich na naka-Ziploc. "For you. Gawa ni Mom."

Nakangiting kinuha ko iyon. "Say thanks to her for me."

"I will."

Masayang-masaya ang mommy ni Lucas kagabi nang dalhin ako nito sa bahay nila at sabihing nagkabati na kami.

She was teary-eyed dahil sa kasiyahan. Nakita raw kasi nito na lubhang naapektuhan si Lucas sa break up namin kaya masayang-masaya ito nang malaman na nagkabalikan na kami.

"And this," sabi ni Lucas at may dinukot sa bulsa ng polo nito.

Isang maliit na red gumamela flower.

"--Is from me from that Gumamela plant," nakangiting sabi nito sabay turo sa malagong halaman ng Gumamela.

Kinuha ko ang Gumamela mula rito. Masuyo akong tumingin dito at inayos ng isang kamay ko ang buhok nito na bumabagsak sa noo. "I am happy."

"I am happier," sabi nito at tumayo na. Kinuha ang bag at isinukbit sa balikat. "I'll walk you to your classroom."

Pagpasok pa lang namin sa building ay ang dami ng bumabati sa amin ng 'congratulations'. Na
kahit nagtataka kami ay sumasagot naman kaming dalawa ng 'thank you'.

At nalaman namin kung bakit nang makita namin ang litrato ng 'kasal' namin sa bulletin board.

Sa picture ay nakayakap si Lucas sa beywang ko habang masuyo akong hinahalikan sa buhok. Samantalang ako ay nakahilig sa balikat nito habang ang mga kamay ko ay nakayakap sa likod nito.

I'm In Love With You : College Hottie # 1 - Lucas AgoncilloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon