Hug
Alexander's POV
"Back out na 'ko mga pre, ayoko na nga kase-- HOY!!" Sigaw ko sakanila. Hinihila nila ako papunta sa bahay nila Michaella. "Bakla ka ba? Parang pupunta lang naman!"
Pinipilit parin kasi nila ako. Bakla na kung bakla, ayoko talagang makita siya!
Zach: Handa na ba kayo?
Hindi, hindi ako handa! I really, don't want to see her.
Tumango naman silang tatlo at ako?
Poker face lang. Nakakaurat.
Kumatok na si Zach sa gate atsaka may guard na sumalubong samin.
"Sino kayo?" Mayabang na sabi nito. Medyo familiar 'yong mukha niya pero baka kalokalike lang niya. Hahaha!
"Zach po."
"Daniel po."
"Jay po."
"Alex po."Sabay naming apat na sabi. "Aaah sino hinahanap niyo?" Ngisi niyang tanong. "Michaella po," Walang hiyang sagot ni Jay.
Hindi nalang kasi kami papasukin ng guard! Pabebe!
"Sige pasok kayo," Sabi ni manong guard. Pumasok naman kami at pumunta sa sala nila.
Laki talaga ng bahay nila, napapa-elebs ako eh.
"Ano ba kasi gagawin natin dito? Daig mo pa si Google sa dami mong alam." Iritado kong sabi. Wala naman pala kaming gagawin dito, tss.
"Hintayin lang natin si Michaella tungengets! Laro nalang tayo ng translate." Pag-change topic ni Daniel. Siguro mas maganda na 'tong laro kasi si Jay lang naman yung laptrip! Hahaha!
"Oh tara game, sino unang tatanungin?" Tanong ni Zach. "Ikaw!" Sabay naming sabi.
Kasi matalino din si Zach sa English. Yun nga lang, mas matalino ako. Pogi pa.
"Sisiw naman! Game!" Ready na sabi ni Zach.
Nagbulong-bulong naman kami nila Jay tungkol sa itatranslate ni Zach.
"So, ano na itatranslate?" Tanong ni Daniel. I shrugged. Hindi ko naman kasi alam. "English nalang ng Bakla!" Singit ni Jay. "Shhh! Ang ingay mong impakto ka. Ang dali naman niyan!" Pabulong ko na sigaw.
Bakla ba naman? Sabagay ang masasagot kasi ni Jay diyan, BAYOT! Hahaha!
"Basta ikaw na bahala Jay! Tinatamad na 'ko magisip!" Pairap na sabi ni Daniel. "Oo nga, tinatamad na din ako magisip." Sabi ko.
"Sige ba, trusted me always. I'm very very good in english." Ani Jay at humarap na kami kay Zach. "O, tapos na kayo?" Tanong niya saka tumango kami.
"Eto na!" Sabi ni Jay. Nakinood nalang kami ni Daniel. "Oh ano nga? Sisiwss." Sabi ni Zach st bumelat pa sakanya. "Ano english ng bakla?" Ngising sabi ni Jay.
"Gay malamang!" Sigaw ni Zach. Maya't maya'y tumatawa lang si Jay. "Tanga ka? Bayot kasi 'yon!" Sabi niya habang tumatawa.
Inupakan naman ni Zach si Jay. "Search mo sa google ng malaman mo!" Sabi ni Zach at binatukan uli si Jay. "Pake ko-- Aray!!" Reklamo niya.
"Hoy hangin ba kami? Ikaw na sunod, Jay gay!" Sabi ni Daniel at ngumisi.
That's what I'm talking about.
Alam ko na yung mga da-moves na gagawin ni Daniel.
Paano ba naman kasi, boploks sa English. English ng candy, snowbear!? Hahahaha!
YOU ARE READING
When She Returned (ON-GOING)
HumorHinahanap mo noon, pinapaalis mo ngayon. Mamahalin ka pa ba n'on?