Waiting Area

7 0 0
                                    

One-Shot Story

Title: Waiting Area
Rated: PG
Genre: Drama, Romance
Written by: Reissexy
//this story was written on October 16, 2016. Yeah sobrang tagal na amp. This was a fanfiction of Kim Taehyung pero binago ko na ang name hahaha. Yeah ang jeje ko pa gumawa ng story pero share ko lang to para masaya.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

"Sir! Bili na ho kayo! Mura lang po!"

"Sir ito po! Presko pa po at murang mura lang itong mga bulaklak ko"

Sigaw ng mga nagbebenta ng mga bulaklak sa divisorya.

Bibili sana siya ng bouquet para sa 3rd Anniversary ng kaniyang girlfriend ngunit kulang pa ang pera niyang pambili dahil sa katapusan pa ang kaniyang sahod. Naubos ang kaniyang pera sa kakagastos sa pangdate ng girlfriend niya.

Nakabili na siya ng isang tsokolate at human-sized teadybear. Bulaklak na lang ang kulang dahil alam niya kung ano ang gusto ng kaniyang girlfriend.

"Ale, magkano po yang bouquet niyo?" Tanong ng binata.

"300 lang po Sir" Sagot ng nagtitinda ng bulaklak.

"Wala po bang tawad?" Sabi ng binata.

"Ay naku hijo nagmamahal na kasi ang mga bulaklak ngayon kaya walang tawad, malulugi kami diyan eh" paliwanag ng ale.

"Ay ganun ho ba? Sige po bibilhin ko na lang po yan" sabi ng binata tapos kumuha siya ng pera niya sa bulsa.

"Heto po bayad ko" sabi ng binata tapos kinuha na niya yung bouquet.

Nang tiningnan niya ulit yung pitaka niya ay 50php na lang ang meron.

Pero hindi niya ito inintindi dahil ang importante sakanya ay mapasaya niya ang kaniyang girlfriend.

Pagkatapos niyang bumili ay umuwi agad siya at nagbihis para sa date ng girlfriend niya mamaya.

Pagpatak ng alas siyete ay umalis agad siya sa bahay niya at dala-dala ang mga regalo para sa kaniyang girlfriend.

Pumunta siya ng restaurant kung saan nagpapareserve siya ng isang table. Iniwan niya dun sa table ang mga regalo pagkatapos ay pumunta siya ng Waiting Shed kung saan medyo malayo-layo sa restaurant na pinuntahan niya.

Tamang-tama ay nakarating na siya ng Waiting Shed ng alas otso kung saan doon sila magkikita ng girlfriend niya at sa alas otso ang usapan nila.

Umupo siya doon at inaayos ang kaniyang buhok. Nakakaramdam siya ng kaba pero mas nangingibabaw ang saya dahil hindi niya inaakala na aabot sila ng tatlong taon.

Patingin-tingin siya sa relo niya habang naghihintay.

Nagmamasid sa paligid nang may babaeng papunta rin sa waiting shed.

Tiningnan niya ang babae na naglalakad patungong waiting shed pagkatapos ay umupo sa bandang gilid.

Pinutol agad ng binata ang kanyang tingin sa babae pagkatapos ay tumingin sa relo niya na nasa alas 8:30pm na.

Nang mag-aalas nuwebe na ay hindi pa rin dumadating ang kaniyang girlfriend kaya sinubukan niya itong tawagan.

"Babe?" Tawag ng binata

"Yes babe?" Sagot ng girlfriend niya.

"Nasaan kana?" Tanong ng binata na nag-alala.

"Malapit na babe, hintayin mo ko diyan ok? Byebye I love you" sabi ng girlfriend nya tapos inend call binigla.

Wala siyang magagawa kundi ang maghintay.

9:30pm na pero hindi pa rin dumating ang kaniyang girlfriend. Tinawagan niya ito ulit pero ang sabi raw ay natraffic raw siya kaya matagal-tagalan siya kaya inintindi na lang ito ng binata.

One-Shot Stories (Kpop Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon