The Missing Ghost

7 1 0
                                    

One-Shot Story

Main Chartacters: Jimin and Yonyon
Rated: PG
Genre: Paranormal, Romance, Comedy

"Hey bitch!"

"Hey too bitch!" Bati ng dalawang magbestfriend na sina Jonna at Yonyon.

"How was it?" Tanong ni Jonna habang patuloy parin sila sa paglalakad patungong classroom nila.

"As usual" sagot naman ni Yonyon.

"Whaaat?! Really girl?" Hindi makapaniwalang sigaw niya kay Yonyon.

"Anong tingin mo sakin? Weak? Sa ganda kong ito?" Sabi niya na may halong bilib.

"Masarap ba? Ano? Chika ka naman diyan bitch" sabi ni Jonna habang niyugyog niya si Yonyon sa balikat.

"Ano ba? Ano ba sa tingin mo aber?" Pameywang niyang sabi

"Oh my gosh! Oh my gosh! Sana vinivideo mo yung halikan niyong dalawa para naman mapanood ko" pout na sabi ni Jonna.

"Tanga kaba? Ayoko ng sex scandal noh tanga! Wag mo nga ako itulad sayo" taray na sabi ni Yonyon nang makarating na sila sa kanilang classroom habang si Jonna naman ay namimilit kay Yonyon na ikwento sakaniya ang mga pangyayari kahapon kung saan yung halikan nina Yonyon at ang hearthrob ng school nila na si Brent.

"Ang kulit ng lahi nito, makapagCR na nga lang" sabi niya kay Jonna na nakanguso dahil hindi parin sinasabi ni Yonyon ang mga pangyayari.

Pumunta naman agad si Yonyon sa CR dahil naiihi na talaga siya.

Pagkapasok niya ng cubicle ay agad siya kumaripas sa paghubad ng palda at panty niya pagkatapos ay nailabas na rin niya ang kanina pa niya gustong ilabas.

"If I was you I wanna be me too, I wanna be me too, I wanna be me too" kanta niya nang makalabas na siya ng cubicle.

Naghugas agad siya ng kamay niya at lumabas na rin ng CR.

Habang papalakad siya papuntang classroom niya ay bigla na lang siya napahinto dahil may nakita siyang isang lalaki na nakapag-agaw ng atensyon niya.

Gwapo ang lalaki, matipuno, yung almost perfect man na maihahambing mo sakanya tapos makinis ang balat at ang pinakahuli ay makalaglag panty kapag titingnan mo ito.

Sinundan ito ng tingin ni Yonyon ang lalaking naglalakad papuntang hagdan kung saan doon ang daan ng rooftop nila.

Balak na sana niya itong sundin nang biglang tumunog ang bell nila na senyales ng unang simula ng kanilang klase.

Lunchbreak...

"Hoy bitch! Nakakatakot kana ha" pag-alalang sabi ni Jonna kay Yonyon na kanina pa nakatulala.

"Huh?" Takang tanong ni Yonyon.

"Kanina kapa tulala eh ngayon lang kitang nakitang ganyan, san ka ba galing kanina? Talaga bang nagccr ka? Napatagal ka ata eh" tanong ni Jonna nang maka-upo na sila sa nirereserbahan nilang table.

"Wala never mind" sagot naman ni Yonyon.

"Tsk bahala ka nga diyan, oh sya bibili muna ako ng pagkain natin" sabi ni Jonna pagkatapos ay umalis.

Si Yonyon ay patuloy parin nakatulala. Hindi pa rin siya makapaniwala na may mag-eexist pa lang ganong tao na napakahot, sa isip niya ay parang gusto niya itong angkinin at ikulong sa kwarto niya.

Biglang tumayo si Yonyon at umalis sa table nila nang hindi namamalayan ni Jonna.

Kumaripas ng takbo si Yonyon patungong rooftop nagbabakasakali na nandun pa rin yung lalaki na nakita niya kanina.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 15, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

One-Shot Stories (Kpop Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon