Ika-unang kabanata

16 0 0
                                    

       Andito ako ngayon sa kama nakahiga,  halos mag tatatlong buwan na ako dito, wala akong makita, kausap ko lagi ang dilim. Wala akong magawa matagal ko nang hindi nakakausap ang aking pamilya. Ang hirap pala ng ganito. Tulungan niyo akong makawala dito sa bangungot na aking pinagdadaanan.Namimiss ko na sila.

PROLOUGE
     
Ako si Nicky Valdez labing walong taong gulang, nakatira sa syudad ng Cebu kasama ang aking ina at aking ama. Si Sierra naman ang aking nakababatang kapatid na babae, siya ay anim na taong gulang. Lagi ko siyang kasama at prinoprotektahan sa anong bagay na nakakasakit sa kanya. Mabait siya at masunurin pero minsan inaaway ko siya kasi ang kulit at matigas ang ulo. Inuubos niya ang mga pagkain na dapat ang kalahati ay akin. Napaka sensitibong bata at iyakin siya. Si mama naman ay isang maalaga, mapagmahal na ina at hindi kami pababayaan, bali lahat ng katangian ay nasa kanya na. Kabaliktaran siya ng aking ama, siya naman ay strikto,may pagka bossy kasi siya ang haligi ng aming tahanan pero masipag siya syempre. Kahit minsan hindi kami mag kasundo at lagi siyang wala sa bahay dahil sa trabaho niya bilang isang abogado, mahal na mahal ko parin siya at lagi niya kaming poprotektehan. Sa weekend lang siya umuuwi sa bahay kaya madalas hindi namin siya nakikita at wala siyang gaanong oras para sa amin kaya sa sabado lang kami lumalabas ng bahay.

Tumingin ako sa salamin: mahabang buhok, malaking mata, hugis bilog na mukha,maliit na labi at totoo nga sabi ng mga tao kasing ganda ko daw ang aking ina.

~Lunes, Ika- 12 ng Agosto~

Unang Araw ng Iskwela [3rd Year Collage]

8:00 pm

Naglalakad ako patungong bahay nang may nakita akong pusang itim "Bat ang malas malas ko ngayong araw, hays kakaumpisa palang ng iskwela andami dami ng mga siga kala mo naman ang gaganda eh, buwisit talaga!" Sigaw ko sa kawalan buti nalang ako lang mag isa at medyo madilim noon kaya wala akong makita. May sumusunod pala sa aking lalaki at may isa ding papunta malapit sa akin,mukhang mamamatay tao at may pagka siga itong mga lalaking to, may balak atang masama kaya hindi ko na lamang pinansin. Sobrang bilis ng tibok ng aking puso sa sobrang kaba at biglaang...

"HOLD UP TO!!!!"

Nagulat ako at sumigaw, tinutok ang matalim na bagay sa aking leeg ng isang lalaki sa harap ko.

"WAG KANG LALAPIT KUNG AYAW MONG SAKSAKIN KO TONG GIRLFRIEND MO" sigaw ng magnanakaw.

Nasa likod ko naman ang lalaking walang pakialam sa pangyayari. Bigla siyang lumingon sa akin at saka tinitigan ang magnanakaw.

"Alam mo ba una sa lahat hindi ko siya girlfriend, at pangalawa hindi mo dapat sinasaktan at inaabuso ang mga babae." sabi ng lalaking galit na galit sa magnanakaw kaya naman hinugot niya ang kutsilyo na hawak at saka inikot nito ang kamay hanggang sa nahulog ang kutsilyo.

"Sorry boss hindi ko na po uulitin!" sabay takbo ang gunggong na halos madadapa na ito sa kakatakbo.

"Takootttt HAHAHA" ang sabi ng siga sa tabi ko.

"Maraming salamat kuya! Ikaw talaga ang aking KISA ko!!" hindi ako makapaniwala na may nagligtas saakin na akala ko ay masamang tao kaya lesson learned hindi dapat jinujudge ang isang tao sa pisikal na anyo.
"KISA?" Yun ang unang narinig ko sa kanyang bibig nong kausap ko sya.
"Ahhh ehh sorry KISA means Knight In Shining Armor hehe"sambit ko sa kanya na may halong hiya.

"Ahh ganun ba ang corny mo naman pero walang anuman basta sa susunod huwag ka nang gagala ng ganitong oras lalo na dito sa daan na ito maraming mangloloko dito" ang payo niya saakin.

"Nakakainis sarap nyang sampalin sa mukha ,pero totoo kahit madilim na umaaninag parin ang makinis nyang mukha" sabi ko sa aking isip, isang weird na smile nalang ang ibinigay ko sa kanya.

Kinapkap ko ang akong bulsa para maghanap ng bagay na maibibigay ko bilang pagtulong nya sakin. "Walang wala po ako ngayon eh eto lang po meron ako..." sabay bigay ko sa loob ng kanyang kamao ang isang gum na kulay dilaw.


"Salamat ulit kuya balang araw susuklian ko ang iyong kabutihan!!!" Sigaw ko sa kanya habang naglalakad palayo patungo sa bahay na isang kanto nalang ang layo.

AlitaptapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon