Neph's POV"Tutti Frutti?" Galit na sabi ko sa hangin."Niligtas ko ang buhay nya tapos eto lang ang bigay? Buwisit naman oh akala ko mayaman yung babaeng yun kaasar talaga gipit pa naman ako ngayon" Naglakad na ako patungo sa bahay ng aking kaibigan na si Freed. Hindi kalayuan ang agwat ng bahay namin mga 15 minuto na lakad lang.
Unang araw palang kasi sa Frosted Puff Collage ang dami nang binigay na homework kaya magpapatulong ako sa kanya. Absent ako ngayon kasi may emergency sa aking part time.
"Ang bagal naman ng taong to" habang nagdodoorbell ako sa harapan ng magarbo nilang bahay.
"Tuloy ka Neph naliligo pa kasi si Freed eh umupo ka muna dyan sa sofa, gusto mo bang kumain dito?" Tanong niya saken.
"Ahh maraming salamat po tita pero kumain na po ako kanina sa bahay" tugon ko sa maamong mama ni Freed kabaliktaran naman sya ng aking ina.
Naaninag ako agad sa kagandahan ng kanilang bahay: two stories, mamahaling gamit, makintab na sahig at napakaayos sa loob.
"Neph!" sigaw sakin ng lalaking bumababa sa hagdan, may mga dala pang mga kwaderno, at pinupunasan pa ang kanyang eyeglasses.
"Freed kanina pa ako dito bat ang bagal mo!" sambit ko sa kanya."Wow calm down bro" tugon niya.
"Why didn't you come yesterday, unang araw pa naman kahapon". taas kilay nyang dagdag.
"Wait lang ha bat ka nag eenglish na nonosebleed ako sayo, well kahapon kasi may pinagawa sa office absent kasi yung assistant ni Sir Sylph kaya ako ang pumalit". May part time kasi ako sa isang kompanya bilang tagalinis ng office. Kaso kahapon first day of school nagkasakit yung assistant ng manager ng office kaya ako muna ang pumalit.
At today ang day off ko every evening kasi ako pumupunta doon from 8:00 pm to 10:pm during weekdays at whole day ako sa sabado. Kaya hindi siya nakaka abala sa aking lessons.
"Eto nga pala mga assignments naten this week medyo marami rami pero don't worry I'll help you." ani Freed.
Siya ang aking kaibigan mula pa noong bata kami. Mas matanda ako ng isang taon kaya tinuturing niya akong parang kuya pero bro ang tawagan namin. Walang lihim ang nakatago sa aming dalawa. Isang batang napakatalino na laging una sa klase at laging panalo sa kahit anumang paligsahan sa FPC(Frosted Puff Collage). Bukas ay papasok na ako sa FPC sa unang pagkakataon at salamat sa pamilya ni Freed na sila lahat ang tumustos sa gastusin para lang makapasok ako kasi nga hindi kaya ng aking pamilya na tustusan ang gastusin sa isang pribadong iskwelahan at bilang kapalit nag tatrabaho ako sa isang kompanya nila bilang tagalinis o tagatulong.
"Salamat bro uwi na ako bukas nalang ulit sa school, sige po tita salamat po ulit una na po ako". Kumaway ako at lumabas na.
Kinabukasan~
Nicky's POV
8:00 am
"Bat ang lalim ng iniisip mo Nicky kanina ka pa hindi umiimik ah, Hoy!!" hindi ko namalayang sinisigawan na pala ako ni Lucy ang aking matalik na kaibigan habang naglalakad kami sa koridor papunta sa loob ng classroom.
BINABASA MO ANG
Alitaptap
General FictionAng sabi nila ang mga alitaptap daw sa gabi lang nagpapakita para mag bigay liwanag. Pero paano pag isang araw lahat ng liwanag na iyon ay maglaho? Ipagpapatuloy mo pa ba ang iyong lakbay sa buhay? P.S. Take time to read Thank you.