Chapter 19

86 5 0
                                    

"Kuya pwede ka bang lumuhod," sabi ni Chris kaya naman sinunod ko siya at lumuhod ng hindi inaalis ang tingin kay Kaithlyn na sobrang ganda. She look like an angel with her smile.

Naramdaman ko na lang na hinawakan ni Chris ang baba ko. "Kuya laway mo," saad ni Chris na agad naman akong nahiya kaya tumayo ako at binatukan ng mahina si Chris.


"Ikaw talagang bata ka," iyan na lang ang lumabas na mga salita mula sa bibig ko saka bumati kay Kaithlyn.



"Hello Kaithlyn, you look beautiful today," panimula ko nang makaharap siya at nginitian siya, ganoon din siya sa akin.


"Today lang, hindi po ba pwedeng everyday?" singit ni Chris.


"By the way, saan ang libing?" pagbibiro kong tanong. Paano ba naman kasi naka all white siya pero seriously, she's so beautiful.



"Wala pa naman. Bakit gusto mong malibing?" pabirong tanong naman ni Kaithlyn.



"Eto naman, pero saan punta niyo?"



"Sa Jupiter, sama ka?" sarkastikong aniya.


"Ayoko doon Ate, mabaho doon," sabi naman ng kapatid niya.



"Mamamasyal kami," maayos na sagot na ni Kaithlyn sa akin.



"Pwedeng sumama? Mag-isa lang kasi ako," at tsaka nag-puppy eyes pa ako. Sana tumalab sa kanila ang pagpapaawa ko.





"Sige Kuya, basta libre mo po ako, huh?" ani Chris.


"Hoy Chris! Masyado kang demanding," pangbabara naman ng ate niya. Hindi ko talaga masundan ang mood swings nito. Hirap sakyan.


"Hindi. No problem. Tara saan tayo?"

"Kuya ,sa Mcdo pwede?" sabi naman ni Chris.



Pinasakay ko na sila sa motor para no pamasahe na. Bale ang pwesto namin, sa harap si Chris at sa likod ko naman si Kaithlyn. Binilisan ko ang pagpapaandar para kumapit siya sa akin pero kahit anong bilis ko ag takot na ako, hindi pa rin siya kumapit kaya binagalan ko nalang.



Humanap na ako ng mapagpaparkingan at yung dalawa naman ay hinihintay ako sa entrance.

----

Pagkatapos naming kumain,naglibot-libot lang kami sa mall.

"Ate pagod na ako, pwede na ba tayong umuwi?" tanong ni Chris.

"Oh sige.KI, una na kami. Magko-commute na lang kami. Salamat sa libre."

"Kuya Ki,thank you po!" sabi ni Chris.


"Welcome. Pero sabay na kayo sa akin, parehas lang naman ang kantong uuwian natin."

"Naku Ki, huwag na. Nakakahiya na. Pero salamat talaga," sabi niya at ngumiti nang sobrang lapad.


"No. Huwag kayong mahiya. We're friends, right?Tsaka gabi na rin," pagpupumilit ko.


"Sige na ate.Sabay na tayo kay Kuya Ki. Natatakot ako na tayong dalawa lang, baka kasi hindi kita maipagtanggol sa mga masasamang loob. Sige na po ate," pamimilit naman ni Chris at kinampihn ko  naman siya dahil totoo naman ang sinbu niya. Delikado na ang panahon ngayon.



"Sige na nga. Mulhang pagod ka na rin," at sa wakas pumayag na siya!



Magsi-six na nang maihatid ko sila sa kanila. Nagpasalamat ulit sila sa akin. Pagkahatid ko sa kanila, wala pa ring tao doon sa malaking bahay sa harap nila.



Nang makauwi ako ay sinabi ko na kay Mom na huwag na nila akong tawagin sa hapunan dahil busog na ako at dumeretso na ako paakyat sa room ko.

Kakatapos ko lang ngayon na naligo at nakasandal ako sa headboard ng kama ko at inaalala ang msasayang nangyari kanina.


"Kaithlyn! you made my day. You made me happy," bulong ko sa sarili ko.




Nag log in din ako sa account ko, then BOOM! andaming nag-message sa akin.Kesyo, sino raw iyong kasama ko, bakit daw kami magkasama ni Kaithlyn, Bakit daw nambababae ako, bakit pinagpalit ko na daw sila chuchuchuchu. Excuses, hindi pa nga ako nagkakagirlfriend, pinalitan ko sila? The eff?

Blinock ko lahat ng nagmessage sa akin about sa kanina. Hard ba?Nakakainis kasi. Feeling ko nasasakal na ako.Mga asumera! Pinagpapalit?Andami nilang alam. Nakita kong online si Kaithlyn at sinimulan kong magmessage.


"Anong ginagawa mo?" Naku erase,erase.Parang si Isabela ng Phineas and Ferb.


"Kamusta kayo?" Bura,bura,bura.Magkasama lang kami kanina ehh malamang okay lang sila.

Ito na lang kaya "Hello!"Maayos na siguro yan.

Sent. 7:11 p.m

Ilang minuto na ang nakakalipas, hindi pa rin niya nise-seen.

7:23, Wala pa rin. 'Di pa rin niya nise-seen. Sabi ko sa inyo, ang hirap maghintay diba. Tumambay muna ako sa facebook at bigla akong napaisip sa nabasa ko.


'Napapagod din ako.' Iyan ang nabasa ko na ni-posted ng ex-childhood bestfriend ko.

Nag-aalala ako kung anong ibig niyang sabihin diyan. Nagdadalawang-isip ako kung icha-chat ko ba siya pero dahil mabait at gwapo ako, icha-chat ko na rin lang siya.


"What's your problem, Sam?" umpisa ko.

Sent. 7:42. Seen.

Siya: "Huh? Bakit?"

Ako: "Yung pinost mo, anong meron doon?"


Siya: "Eh kasi si Glyke Niall (boyfriend ni Sam) nasasakal na ako sa kanya. Sasabihin ko na lahat ng gusto kong sabihin. Mahal ko kasi siya na dahil sa pagmamahal na iyan, kinalimutan ko ang bestfriend ko na laging andiyan sa akin. Sorry Ñigo dahil mula nang makilala ko siya, nakalimutan na kita, nawala ang closeness natin. Pero kung alam mo lang, hindi ko ginusto iyon. Because of that fucking love, I think I lost my bestfriend. Yes, I know that you're angry with me, pero dahil sa pagmamahal ko kay Glyke, mas pinili kong mawala ang matagal ko ng kasama kapalit ng panandaliang nakilala. I'm so sorry Ñigo. Ayaw na ayaw kasi ni Glyke na mapalapit ako sa other boys. Feeling ko nga, hindi ko na kilala ang tunay na ako, ang sarili ko dahil sa love. Pero desperada na kung desperada, pero hindi ko talaga kaya na mawala siya. Sorry Ñigo. I hope you will understand it."


Ako: "Iintindihin kita. Pero kung pakiramdam mo na hindi mo na kilala ang sarili mo, don't worry ipapakilala ko ang nawalang Sammy.Si Sammy, siya ang naging pinakamatalik kong kaibigan. Mabait, palangiti, matalino, palaban na kahit alam niyang hindi na tama ang ginagawa sa kaniya, hindi siya papayag na gawin sa kanya iyon pero tingin ko ang pagiging palaban niya, naglaho na, because of that fucking love. Alam kong alam mo sa sarili mo na mali na iyan dahil alam mong nasasaktan ka na pero hindi mo ito pinigilan. Siya din ang matalino, magaling sa classroom pero medyo lang ahh, medyo nabawasan nga.Pero naiintindihan ko naman iyon dahil wala ngang permanente.Ang hindi lang ata nagbago ang pagiging maganda mo. Pero sana ma-realize mo na sa love, you should change for the better mot bitter or for worst. Huwag kang mag-alala, hindi na ako galit sayo, walang permanente eh. But I wish we could go back what we are or who we are. We can go back on the past, but unforntunately, we can't. Ang Samming at Kurting ni Tita Eliss kahit nakakatawa man ang tawag niya sa atin."






Siya: "Hindi talaga ako nagkamali mag-reply. Dahil sayo mas gumaan ang pakiramdam ko at napasaya mo ako. Sana bumalik ang dati. Salamat Kurting. Huwag kang mag-alala, nagbago man ang pakikitungo ko sayo, I promise, nothing has change in my heart. Ikaw pa rin ang love kong bestfriend na si Kurting. Sige na. Bye. Ingat ka lagi. At hinihiling ko na sana mahanap mo na ang para sayo. Tanda mo na kaya Kurting! Hahaha! Bye, Love you!"



Grabe! Wala man lang I ang love you niya. Pero sige na nga, Kaithlyn made my day better, but Sam made my day best!

Hanggang ngayon,di pa rin nise-seen ni Kaithlyn ang message ko pero dahil sa pag-uusap namin ni Sammy naging masaya ang gabi ko at nakatulog ako ng mahimbing.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 30, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Silent LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon