Chapter 2

248 24 2
                                    

Nginitian ko si ate pero di man lang ngumiti pabalik at yumuko na lang siya.Ayy grabe si ate,snobber pero I should understand her.Mahirap talaga mag-adjust.Lalo nasa Augustus Octaviate Academy.Maraming mga malokong classmates,pero kahit ganoon,masayang kasama.

Nagpakilala yung teacher at dahil kilala ko na siya hindi na ako nakinig.Hindi naman sa pambabastos pero kilalang kilala ko na siya dahil sa loob ng two years,syempre kilala ko na siya.

At eto ako ngayon parang kumakausap ng hangin.Alam niyo ba kung bakit?Dahil kinakausap ko yung babae na transferee at tinatanong kung anong pangalan niya.Kahit alam ko na talaga na pangalan niya ay Kaithlyn,syempre gusto ko pa ring makilala at makipagkaibigan sa kanya.

Pero alam niyo kung anong ginawa niya?

She only stared at me.Jusko.Kayamanan ba sa kanya ang laway niya at ayaw niyang sayangin.Di bale.Di siya kawalan at ako kaya ang heartthrob dito,for sure marami ang gustong makipagkaibigan sa akin.

--------

Break time namin ngayon at nasa likod ako ng school sa favorite spot ko.Sa malaking puno ng acasia.Ako lang ang pumupunta dito at ako mismo ang nagpaganda sa lugar na to.Nilagyan ko ng duyan ang sanga ng puno.Tinanggal ko o binunot yung mahahabang damo at baka mamaya may ahas pa dito matuklaw at mamatay pa ako edi sayang ang kagwapuhan ko.

Andito ako pag break time or lunch basta pag may free time.Gusto ko kasi peaceful ang paligid ko.Yung tahimik basta walang maingay.Huni lang siguro ng kuliglig at ibon ang maririnig mo.Naisama ko na rin si JJay dito pero mas gusto niya kasama ung dabarkads niya kasi nong andon daw kami parang may sarili daw kaming mundo kaya ako na lang mag-isa pumupunta dito.

Hindi naman ako galit sa kanya kasi in the first place,he can manage his own life.Oh subukan niyo lang na pag-isipan ako na bakla ako,malalagot kayo.

Mag 10:00 am na ng bumalik ako sa room.Narefresh na yung utak ko.Pagkaupo ko nakita ko si girl na nagbabasa ng book.Hindi ko lang alam ang title kasi nakatupi.
At mukhang focus siya sa binabasa niya.Hindi niya nga ata ako napansin na umupo sa upuan ko.So parehas pala kami ng hobby na mahilig magbasa.Pansin ko nga rin sa kanya na hindi siya lumabas kaninang break.Siguro anti-social to.

Haay.Bat ba lagi ko siyang napapansin.

"I'm not anti-social,I'm anti Idiot."

May biglang nagsalita pero di ko alam kung sino.Alangan naman yung katabi ko ahh,diba nga kayamanan niya ang laway niya ayaw niyang sayangin.

"Kaya hwag mo na sayangin yang laway mo dahil hindi ako nakikipag-usap sa mga di ko kilala."

So siya pala ang nagsalita kanina.Ano ba to mind reader at alam niya na sinabihan ko siya ng anti-social.

"Ahh sige para kausapin mo ako,magpapakilala na ako sayo.I'm Kurt Iñigo Guttierez."

"Oh ayan kilala mo na ako,baka pwede na kitang makausap sabay ngiti ko sa kanya."

Pero as usual tumingin lang siya sa akin at di man lang umimik.

Bahala nga siya hindi siya kawalan, kay gwapo ko para maghabol para lang mapansin.

Dumaan ang ilang mga oras at dumating na ang lunch.At ano nga ba ang ginagawa kapag first day,edi syempre nagpapakilala lang.

At gaya nga ng sinabi ko sa inyo kanina,gusto kong tumambay sa likod ng school pag may free time at eto ako ngayon nagiisang kumakain.

Pagkatapos ko namang kumain sinubukan kung aliwin ang sarili ko para maantok at makatulog.

At nagtagumpay nga ako.
Siguro mga kalahating oras din ako nakatulog kaya marami pang oras at nagmuni muni muna ako sa duyan na gulong na nilagay ko sa sanga ng acasia.

Naisip ko pa rin yung babae,bat kaya ayaw niya makipag-usap?Ang labo talaga ng mga babae kaya ayoko pa magka-girlfriend.

Bumalik na ako sa classroom namin.Five minutes bago dumating yung teacher namin.

Bakit wala pa kaya yung piping babaeng katabi ko sabi ko sa isip ko.Pero joke lang yung pipi,nagsasalita naman kasi siya kahit paunti-unti.

Bakit naman kaya absent yun ahh kahit first day na first day of school?Anlabo talaga nun.

Isang subject nalang at uwian na.Hay bakit kaya ganon?Pag bakasyon parang ang bilis ng oras,pero pag may pasok ang bagal ng oras?Naiintindihan niyo ba ang feelings ko.

"JJay!"tawag ko kay JJay.

"Oh eto pasalubong mo sa akin.Pasensya yan lang nakayanan ng ipon ko.Sabay abot sa kanya ng paper bag."

"Ano ka ba naman Ugo,kahit ano tatanggapin ko basta galing sayo sabi ni JJay."

"Ano ba yan JJay.Nababakla ka na naman.Atsaka tigilan muna rin akong tawaging Ugo,nakakainis kaya" paliwanag ko sa kanya.

"Oo sige na.Salamat nga pala dito ahh.May date este lakad pa kasi ako" sumbat ni JJay.

"Oo na.Pero asan ang pasalubong ko?"

"Hihihi.Hahaha.Sorry Ugo nakalimutan ko ehh.Promise babawi ako."

"Oo alam ko naman ehh.Nakalimutan mo ako sa dami ng chicks na binilhan mo ng pasalubong.Basta hwag mo na akong tatawaging Ugo" sabi ko.

"Oo promise talaga babawi ako.Sige tol ahh may lakad pa ako."

Tumango na lang ako.

Siguro nagtataka kayo kung san galing ang Ugo.Galing ang U sa Kurt tapos Go naman sa Iñigo.
Ayoko non kasi dagdagan mo lang ng K,ugok na.Diba,ang pangit namang pangaln para sakatulad kong gwapo.

Ngayon naglalakad ako papunta sa paradahan ng jeep namin.Sinalpak ko ang headset at nakinig ng music.

Bigla namang may tumabi sa aking babae.Hindi ko makita ang mukha niya kasi natatakpan ng buhok niya.Tapos bigla siyang nag-abot ng bayad kaya nakita ko na.Siya yung babaeng tahimik.

Syempre di ko kinuha,siya yung ayaw pumansin diba?Pero dahil umatake ang pagiging chismosa ko,natanong ko kung bakit siya absent.Pero umiling lang siya.At pansin ko na mapula ang mukha niya at maga ang mga magagandang mata niya.

Ano bang nangyayari sa akin at nasabihan ko yun ng maganda.Pero sa totoo lang maganda talaga siya.Mata,ilong labi lahat maganda sa kanya ugali niya lang hindi.

Nagpara na ako nang nasa tapat na ako ng kanto namin at sumunod naman sa akin yung babae.

Oh bat ka nakasunod sa akin?

Yumuko lang siya at binilisan at inunahan ako sa paglalakad.

"Ayy grabe ka ate.Maganda ka sana eh kaya lang yang ugali mo baguhin mo pwede.Araw araw ka bang dinadatnan?" sabi ko sa kanya.

At hindi man lang lumingon kaya hinabol ko siya.Hindi ko alam kung bakit ko ginagawa to.Yung pagsasabi ko sa kanya ng maganda siya at eto yung paghabol ko sa kanya.

Silent LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon