Chapter 3

80 3 0
                                    

IRISH'S POV

Katatapos lang ng klase namin kaya papunta na kami sa cafeteria ng biglang naghiyawan ang mga babae.

"Kyaaaah!"

"My God! Kyaaaaaah!"

"OMG!"

"Nandito na sila!"

Meron din kaming nadinig na mga babaeng kinikilig na nagbulungan sa aming paligid.

"Ang gwapo talaga nila hindi nakakasawang tignan."

"Oo nga bagay na bagay sa kanila ang suot nilang damit."

"Tama ka girl maslalo silang gumagwapo."

"Kaya nga kahit kaylan hindi ako magsasawang titigan sila kasi ang kagwapuhan nila ay hindi nakakasawa."

"Correct ka girl! Nakakainlove tuloy."

Lumingon ako para tignan kung sino ang kanilang hinihiyawan. Nakita ko sa di kalalayuan sila Jace na naglalakad at pinapaligiran ng mga babae.

Nagpatuloy lang kami sa paglalakad hanggang makaupo na kami sa cafeteria. Nauna ng pumunta sila Natalie sa may counter para makabili na ng pagkain at ako naman ay umupo muna habang kinukuha ang pitaka ko na nasa bag.

Susunod na sana ako sa kanila ng mapansin ko ang isang grupo ng mga babae na naka tingin sa akin na kakaorder lang at pumwesto sa table na malapit sa counter. Isa sa kanila ay ngumisi sa akin bago sila umupo.

Kinutuban na naman ako na may hindi magandang mangyayari kaya inalerto ko na ang aking sarili sa posibling mangyari dahil alam kung may gagawin silang masama sa akin.

"Irish come here para makaorder kana at sabay tayong makakain."tawag nila Lexi sa akin dahilan upang mapabalik ako sa aking sarili.

Agad akong tumayo at pinuntahan sila. Inalerto ko nalang ang aking sarili sa posible nalang gagawin o mangyari.

Pagkalapag ko ng inorder ko sa mesa namin naalala ko na wala pa pala akong kutsara kaya bumalik ako sa counter para kumuha.

Nang pabalik na ako sa table namin naramdaman kong may mabilis na papalapit sa akin mula sa likod at tatama ito sa akin kung hindi ako makakaiwas.

Kaya nagkunwari akong yumuko para ayosin ang sintas ng sapatos ko.

Sakto namang pumasok sila Jace at nasa harapan ko kaya ang nangyari siya ang natamaan sa mukha ng isang plato ng spaghetti.

Hindi agad siya nakagalaw at pinunasan muna niya ang kanyang mukha bago ito pagalit na nagsalita.

"What the hell! Sino ang may gawa nito?" tanong nito habang hinanap niya ang may gawa at tumigil ang kanyang tingin sa may likuran ko.

Agad ko namang sinundan ang kanyang tingin.

Pagtingin ko nakita ko ang babae sa may malapit sa counter kanina na ngumisi sa akin na agad na namutla na lumapit kay Jace na humuhingi ng tawad.

"Sorry po hindi po namin sinasadya."

"Oo nga po hindi po namin sinasadya. Siya po ang dapat na matamaan kong hindi lang po siya yumuko."

"Kaya siya po ang may kasalanan!" sabay turo nila sa akin

Tumayo ako ng maayos at humarap sa kanila. Nagsmirk muna ako bago magsalita.

"Wow ha! Ako pa talaga ang may kasalanan eh kayo nga ang bumato sa akin at kasalanan ko pa tagang nakaiwas ako? Para sabihin ko sa inyo hindi ko yun kasalanan sadyang malas lang kayo at hindi kayo nakashamba sakin."asar ko sa kanila bago ako humarap kay Jace at nagsalita ulit.

I Found My Gangster Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon