Chapter 5

54 2 0
                                    

IRISH'S POV

Nandito ako ngayon sa kama nakahiga. Actually kanina pa ako dito nakahiga at kanina ko pa pinipilit ang sarili kong makatulog.

Hindi ko kasi matangal sa isip ko ang nangyari kanina. Hindi ako makapaniwala na kami na ni Jace for real.

Ito na siguro ang pinakamasayang araw ko mula ng makabalik ako sa Pilipinas. In the same time naguguilty ako kasi hindi ko pa nasasabi sa kanya na gangster din ako katulad niya.

Kailangan kasi namin itong itago sa lahat para hindi namin madisappoint ang mga parents namin dahil iyon ang napag usapan namin na walang ibang makakaalam para makapamuhay kami ng normal dito.

Pero maghahanap pa rin ako ng tamang timing para masabi ko sa kanya ang totoo dahil boyfriend ko na siya.

Pinikit ko na ulit ang mga mata ko at pinilit makatulog hanggang sa hindi ko namalayan na nakatulog ako.

KINABUKASAN ng tumunog ang alarm clock ko ay agad akong bumangon at pinatay ang ito.

It's already 6:30 AM kaya nagmadali akong pumunta sa banyo para magshower.

Pagkatapos kung maligo at magbihis bumaba na ako papunta sa kusina para kumain.

Naabotan ko sila Lexi, Janine, Natalie, at Ashley na kumakain ng makalapit ay binati ko sila kaagad.

"Good morning!"

"Morning! " bati din nila pabalik sa akin.

"Wow! Good mood ka ata ngayon ah. " Lexi

"Himala ang aga mo na rin ata ngayon gumising. " Janine

"Irish sabihin mo nga sa amin ang dahilan kung bakit ka good mood. Ayeeeeeh!" sabi ni Natalie na kinikilig.

"Dahil ba kay Jace?" Panunukso ni Ashley sa akin.

"Hindi ha! Dapat ba kapag good mood ako siya agad ang dahilan? "Tanggi ko naman at tumalikod para hindi nila makita na nagblush ako pero huli na.

"Eh bakit ka nagblublush? "Lexi

"Ewan ko sa inyo tigilan niyo nga ako." sabi ko na maslalong nagblush dahilan upang magtawanan sila.

Tss... Mga baliw talaga.

Naglakad nalang ako papuntang ref para kumuha ng cereal and fresh milk for my breakfast.

Nang natapos na kaming kumain agad na kaming dumaretso sa garahe para sumakay sa aming kanya kanyang motor..

"Girls! Unahan tayo papuntang school." Suggest ni Janine

"Sige ba! Basta ang mahuli ang manglilibre ng lunch natin ngayon.Ano Deal? " Sang ayon ni Natalie

"Deal! " sabi namin lahat at umangkas na kami sa aming motor.

Nagbilang kami ng sabay pagkatapos ay sabay kaming nagpaharurot ng mabilis.

Halos pantay pantay na kami kaya masbinilisan ko pa ang pagpatakbo sa motor ko.

Tinignan ko ang nasa likod ko gamit ang side mirror ng motor at napailing dahil ako na naman ang nauna ng makarating na ako sa REU agad kung pinark ang motor ko sa parking area.

Naghintay lang ako ng ilang minuto bago sila sunod sunod na dumating. Ang unang dumating ay si Lexi kasunod niya si Janine tapos si Natalie at ang huli ay si Ashley

"Ang daya niyo naman eh ako palagi ang huli." Parang batang reklamo ni Ashley

"Better luck next time nalang Ashley. " Asar ni Natalie kaya sinimangutan siya ni Ashley.

I Found My Gangster Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon