Chapter Four: Annoying Neighbor (Part 1)

14.9K 169 10
                                    

Chapter Four: Annoying Neighbors (Part 1)

I hate them!

I really hate people who tried to impede my love with Eliza.

Those hindrance...

Those little piece of shit!

Those bastards, I'll kill them all!

Eliza is mine, only mine.

Gamit ang ginawa ko na lockpick, binuksan ko ang kuwarto ng kapitbahay ko na si Mike. Nakabukas ang mga ilaw at naririnig ko ang ingay na nagmumula sa telebisyon. Lumakad ako papasok na hindi nag-aalala na marinig ako ng may-ari. Nang makarating ako sa kusina, nakita ko si Mike na nakatayo mula sa dulo at may hawak na kutsilyo. 

"F-firo, i-ikaw pala," wika ni Mike. Napansin ko na may panginginig at takot sa boses niya. "Tinakot mo ako. Akala ko kung sino na ang pumasok. Oo nga pala, anong ginagawa mo dito?"

Hindi ako sumagot. Tiningnan ko lang siya ng mabuti. Ano kaya ang nakita ni Eliza sa lalaking ito?

"May kailangan ka ba?"

"You like Eliza, don't you?"


November 21, Sunday

Unang nakilala ko si Mike ng mga nakaraang biyernes. Galing ako sa trabaho at umuwi ako ng maaga ng araw na iyon. Inaasahan ko na si Eliza ang sasalubong sa akin ngunit ang bastardong lalaking iyon ang nagpakita.

Handa na sana akong sugurin siya kung di lang sumulpot si Eliza. Pinakilala sa akin ni Eliza si Mike. Isa siya sa mga bagong lipat sa third floor ng apartment. Ngayon lang kami nagkaroon ng kapitbahay dahil sa limang kuwarto na nasa third floor kami lang ni Eliza ang nakatira doon noon.

Masasabi kong may-itsura si Mike. Parehas lang kami ng tangkad ngunit ang kinaiinisan ko ang madilaw niyang buhok. Tulad na tulad sa kulay na buhok ni Luke. Simula ng patayin ko si Luke malaki na ang inis at galit ko sa tuwing nakakakita ako ng madilaw na buhok.

Kinamayan ko si Mike. Mahigpit ang paghawak ko at tiningnan siya ng masama upang maunawaan niya ang gusto ko ipahiwatig. Madali siyang umalis matapos kaming mag-usap.

"Hindi ko alam na uuwi ka ngayon ng maaga," ang sabi sa akin ni Eliza. Tinawag ko siya bago pa siya makaalis sa harap ko.

"Eliza, may nakakalimutan ka ba?" tanong ko sa kanya. Nagpaawa ako ng mukha para maunawaan niya ang gusto kong sabihin.

Tiningnan lang niya ako na may pagtataka.

Eliza, ano ba? Asawa mo ako. Batiin mo naman ako ng halik.

Nagkibit-balikat lang si Eliza at umalis papunta sa kusina.

No way! Nakalimutan na ba niya na asawa niya ako?

Tatlong araw na akong naghihintay na gawin sa akin ni Eliza ang ginagawa ng ibang mag-asawa. Pag-umuuwi galing sa trabaho, hindi ba dapat batiin man lang ng babae ang asawa niya. Bakit di man niya ako batiin?  Halik man ay walang sumalubong sa akin. Dahil ba sa lalaking iyon kaya hindi niya magawa? Sino ba talaga siya? May nangyari ba sa kanila habang wala ako? Niloloko ba nila ako?

Gusto ko magalit.

Gusto ko mag-wala.

Pero pinilit ko agad ang sarili ko na huminahon.

Sinundan ko si Eliza sa kusina. Nakita ko na may niluluto siya. Kumuha siya sa kanyang niluluto at inilagay sa bowl. Nilagay niya ito sa mesa at inanyayahan niya ako kumain.

"Tinuruan ako ni Mike kanina lutuin ito." Wika niya na may kasamang ngiti.

Tumingin muna ako sa bowl bago kay Eliza. Nakangiti parin siya. Parang akong tinutunaw ng mga ngiting iyon pero di parin maalis sa isip ko si Mike.

Lumunok ako. Paano kung bumalik na ang alaala niya at nilagyan ito ng lason? Tiningnan ko siya muli. Hindi. Hindi magagawa ni Eliza na pumatay. Mabait si Eliza. Mabait.

Kinuha ko ang kutsara at isinubo ang pagkain.

"M-masarap ba?" tanong niya sa akin.

Hindi ko alam kung dapat ko ba sagutin ang tanong niya. Kilala ko si Eliza, hindi siya marunong mag-luto. Lumaking siyang umaasa sa iba tulad ng isang prinsesa. Kaya naman ako ang nagluluto araw-araw bago ako umalis patungo sa trabaho. At tulad ng inaasahan ko palplak ang gawa niya. "Eliza, tinuruan ka ba talaga ng lalaking iyon?"

Tumango siya. "Pero ako ang nagluto tinulungan lang niya ako sa paghiwa ng mga gulay. Bakit Firo di-di ba masarap?" Kinuha niya ang kutsara sa aking kamay at sinubukang tumikim. Biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha niya at sumimangot.

Kinuha ko ang kanyang dalawang kamay at tiningnan. Ngayon ko lang napansin na maraming bandage and nakadikit sa kamay niya. Ngumiti ako. Akala ko kinalimutan na niya na mag-asawa kami. Ngayon alam ko na ginagawa niya ito para sa akin. Siya parin ang asawa ko, ang aking Eliza.

"Thank you." wika ko sabay halik sa kaniyang kamay. "Pero gusto ko sa susunod ako na ang magtuturo sa iyo."

Bago pa tuluyang lumalim ang gabi, nagluto na ako ng hapunan. Sinamahan ko si Eliza sa panonood ng TV. Hawak-hawak niya ang baby namin dahil pinapainom niya ito ng gatas sa bote.

Tumingin ako sa TV at sakto na isang balita tungkol sa nawawalang bata. Binigay ng reporter ang description na may balat ang bata sa likod.

"Ah. Firo tingnan mo. May balat din sa likod si Ethan."

Kinabahan ako. Paano nga kung si Ethan nga ang tinutukoy sa balita. Tumayo ako sa aking kinauupuan at agad pinatay ang TV. Hindi pwedeng malaman ni Eliza na peke ang bata dinala ko.

Sumimangot siya sa akin, "Firo, bakit mo pinatay?" 

"Kakain na tayo."


November 22, Monday

Bago ako nakaalis ng bahay, nakatanggap ako ng isang sulat. Walang nakalagay na pangalan o address ng nagpadala. Simulang nakalabas si Eliza sa hospital at nakalipat kami sa apartment na ito, walang nakakaalam kahit ang kaibigan ko na si Matthew.

Binuksan ko ang sobre. Lumantad sa akin ang bango ng papel. Hula ko isang babae ang nagpadala nito. Ngunit lalo akong nagulat ng makita ko ang mga litrato sa loob ng sobre.

                Kamusta ka na Firo? Namiss mo ba ako? Ako? Oo, miss na nga kita. Kung ayaw mong ipagkalat ko sa media kung sino ka talaga. Magkita tayo. Werrisdom apartment, 10:00 AM. Maghihintay ako.Muwah!

Nakakainis. Sino siya? Paano niya nalaman? Sino ang bastardong ito alam ang lihim ko?

Bumalik ako sa kuwarto kung saan mahimbing parin natutulog si Eliza at ang baby. Kinuha ko ang baril at nilagyan ito ng bala. Kailangang may gawin ako. Ayaw kong maglaho ang lahat dahil lang sa taong yun.

Paglabas ko ng apartment. Nakasalubong ko si Mike. Nakasuot siya ng sweatshirt at pawis na pawis siya. Kakatapos lang siguro niya mag-jogging. Nagbatian kami.

Kailangan may gawin din ako sa taong ito.

Obsessive HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon