Chapter Five: Annoying Neighbor (Part 2)

13.3K 178 34
                                    

Chapter Five: Annoying Neighbor Part 2

November 22, Monday

Dumating ako sa eksatong oras at lugar at nakilala ko ang nagpadala ng sulat. Ang pangalan niya ay Dina Whernik, maganda siya and she's a very cunning woman but for me she is a bitch. Ayon sa kaniya, she was a big fan of mine and that she really likes me. Hawak-hawak niya ang alas para sumunod ako sa gusto niya. Pakiramdam ko ng mga oras na iyon ay wala akong kalaban-laban sa kanya. Hindi ko alam kung paano niya nalaman ang sekreto ko ngunit isa lang ang pakay ko ang alamin kung sino pa ang iba niyang kasama na may alam at ang patahimikin sila habang buhay.

Habang tinutukso ako ng kaniyang mga salita, meron siyang sinabi ukol kay Eliza na aking ikinagalit. Sa galit ko, nakalimutan ko na ang dapat kong gawin at hinayaan ko ang sarili ko na magwala. Hindi ako makakapayag na insultuhin niya ang aking Eliza. Malayong-malayo siya kay Eliza kumpara sa kanya. Sinaksak ko siya ng paulit-ulit sa kanyang mukha hanggang sa tuluyang nabura ang ganda niyang iyon.

Alam ko na isang pagkakamali ang patayin siya. Siguradong pag-nalaman ito ng iba niyang kasama ay ikakalat nila ang tungkol sa akin at mahuhuli ako ng mga pulis. Malalagot ako nito pagnagkataon.

Agad ako naghanap sa silid na pwedeng magturo kung sino pa ang ibang pinagsabihan niya. Pumasok ako sa kanyang kuwarto at nakita ang mga litrato ko na nakadikit sa pader. Malala na talaga ang babaeng ito. Halos lahat yata ng litrato dito ay araw-araw ang kuha. Mayroong naglalakad ako palabas ng eskwelahan noong nasa highschool ako at meron din sa college, ganun din sa pinagtratrabahuan ko. Baliw na baliw talaga siya sa akin pero kahit anong gawin niya si Eliza lang ang mamahalin ko.

Tumungo naman ako sa kanyang banyo at nakita ko sa salamin ang aking anyo. Puro mantsa ng dugo ang aking damit at may bahid pa ng lipstick ang aking labi. Naalala ko, hinalikan niya ako kanina. Halos nilalayo niya ako sa kalungkutan at paghahangad ko kay Eliza. Nakakainis dahil dun hindi na maalis sa alaala ko ang paghalik niya sa akin. Gusto ko na tuloy bumalik sa aking Eliza. Gusto ko humingi ng tawad sa kanya dahil sa nagawa ko kasama ang babaeng si Dina at burahin ang mga alaala ito.

Bumalik ako sa silid at pinagpupunit ang mga litrato. Kinuha ko ang mga damit sa aparador at inipon iyon sa kama. Kumuha ako ng pansindi at sinunog ang kama saka ko binuksan ang bintana upang lalong sumiklab ang apoy. Lumabas ako ng apartment at madaling tumungo sa paradahan ng kotse. Saglit ko pinanonood ang maiitim na usok na lumalabas sa Werrisdom Apartment at saka ko pinaandar ang kotse at umalis.

Inabot ako ng dalawang oras bago ako nakauwi dahil sa trapik. Ngunit sa aking pagdating wala sa loob si Eliza at umiiyak si Ethan. Kinuha ko ang bata at pinatahan. Inakala ko na nagtatago lang si Eliza at gusto niya akong supresahin, pero ng makailang ulit ako ng tawag ay hindi siya sumasagot. Agad ako nangamba na baka...

Na baka iniwan na niya ako.

No!

Eliza, nasaan ka?

Di ako mapakali, nag-iisip ako kung saan pwede siyang pumunta. Maya-maya'y narining ko ang boses niya sa labas at merong kausap. Nakilala ko kung kanino ang boses at galing iyon sa bwisit na lalaking iyon.

Magkasama nanaman sila ni Mike. Ginagalit talaga nila ako. Ito pala ang ginagawa nila habang wala ako at nagtratrabaho. Hanggang saan na kaya umabot ang dalawa? Ang malala pa mas masaya pa si Eliza kasama siya. Hindi ko na talaga maintindihan. Ano ba talaga ang wala ko? Bakit ganito parin si Eliza sa akin? Binabalewala parin niya ako kahit na naibigay ko na ang lahat.

Eliza, you lied to me.

You lied to me!

Hinintay ko bumukas ang pintoan at pumasok si Eliza. Kahit punong-puno ako ng galit pinatili ko na kumalma sa harap niya. Nakaupo ako sa sofa.  "Eliza." Tawag ko na may kasamang pilit na ngiti. "Saan ka galing?"

Obsessive HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon