Chapter Seven: Memory

18.7K 261 129
                                    

CHAPTER SEVEN: MEMORY 

November 24, Wednesday

Dahil sa takot ko na mawala si Eliza, hindi ako natulog at binantayan siya buong gabi. Ngunit sa tindi ng pagod ko hindi ko namalayang nakatulog pala ako. Tanghali na ng ako'y gumising at natagpuan na wala na siya sa aking tabi. Takot at pangamba ang bumalot sa dibdib ko. Agad ako lumabas ng kuwarto at siya'y hinanap.

"Firo, Bakit?" tanong ni Eliza sa akin mula sa kusina. Nakahinga ako ng maluwag. Buti nalang hindi nagkatotoo ang panaginip ko. 

Nilapitan ko siya at nilambing sabay binati ng magandang umaga. Pinaghanda ako ni Eliza ng instant noodles (Iyon lang ang kaya niyang lutuin) at kumain siya kasabay ko. Habang kami ay kumakain, pinagmamasdan ko si Eliza. Sana walang naging epekto ang sinabi sa kanya ng bwisit na detektib na iyon tungkol sa kasal namin. Ilang araw narin akong naghirap para matupad lang ang gusto ko at ayaw ko na masira lang ang lahat dahil sa kanila.

Magsasalita na sana ako nang biglang umiyak si Ethan. Dali-dali namang pinuntahan ni Eliza ang bata at ibinigay ang kailangan nito. Muli pinanood ko siya habang inaaruga niya si Ethan. Hindi maalis ang tuwang nararamdaman ko sa tuwing ganito siya. Unti-unti na siyang sumusunod sa gusto. Nagagawa na niya ang gusto ko mangyari, ang maging asawa ko at maging ina ng magiging anak namin.

Pero may isa pa akong pinoproblema, pinaghihinalaan ako ng detektib na iyon. Kailangan may gawin ako para makalayo kami at maprotektahan ko si Eliza.

"Eliza." tawag ko sa kanya.

Lumingon sa akin si Eliza.

"Lilipat tayo." wika ko, "Ngayon."

Bago ako lumabas ng bahay, sinabihan ko si Eliza na wag lalabas at i-lock ang bahay. Na wag siyang magpapasok ng kung sino-sino at pagkatapos ay lumabas na ako. Sumakay ako sa aking kotse at pumunta sa malapit na convenience store. Bumili ako ng mga pwede naming makain sa aming pag-alis mamaya. Habang nagbabayad ako sa counter, napansin ko ang isang lalaki na nakablue na jacket at nakasuot ng baseball cap na pilit itinatago ang mukha. Pakiramdam ko kanina pa niya ako sinusundan.

Matapos akong magbayad, agad ako nagmadaling lumabas dala ang aking pinamili at inilagay iyon sa likod ng kotse.  Agad ko pinaandar ang sasakyan at bumalik sa apartment. Kailangan ko ng padaliin ang plano ko. Dahil sigurado ako na nahanap na nila ako.

Matapos ko iparada ang sasakyan sa harap ng apartment, lumingon-lingon muna ako sa paligid saka ako pumasok ng apartment. Dala ang hawak na magazine na binili ko kanina sa tindahan, binuklat ko iyon at naghanap ng pwede naming lipatan. Naisipan ko ang lumipat sa mas malayong lugar o di kaya sa mga probinsya, ung tagong-tago, yung walang nakakakilala sa amin.

Nang malapit na akong makarating sa susunod na hagdan patungong third floor, naabutan ko si Eliza pababa ng hagdan dala si Ethan. Nagtaka ako pagkat nakabihis siya. Iniisip ko na baka naihanda na niya ang mga gamit namin sa paglilipat pero...

Nakatingin si Eliza sa akin. Tila gulat na gulat siya ng makita ako. Hinakbang niya ang kanyang isang paa pabalik.

"Eliza?" tawag ko.

Bigla nalang siya tumakbo pabalik ng third floor. Nagulat ako dahil tumakbo siya na may halong takot sa akin. Iniisip ko na panaginip lang ang lahat pero totoo ito.

Totoo ito.

Ang aking Eliza...

Alam ko na yata ang nangyayari. Simula ngayon hindi na ito tulad ng kagustuhan kong mangyari. Hindi na ito si Eliza.

Siya na ang dating Eliza nakilala ko.

Bumalik na ang mga alaala niya.

Binilisan ko aking ang takbo para sundan siya. Nakita ko na pumasok siya sa kuwartong inuupahan namin. Pagkadating ko sa pintoan, binuksan ko ang pinto ngunit nakakandado. Sinubukan ko rin gamitan ng dala kong susi pero kahit anong tulak ko ayaw bumukas na tila may nakaharang sa likod ng pinto.

Obsessive HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon