[19]

1.6K 39 1
                                    

Jho

*clap! Clap!*

"BACK TO TRAINING!" Beastmode na sabi ni ate Ly.

Grabe! Isang patak pa nga lang ng tubig yung nainom ko tapos back to training agad? Anong klaseng water break to?

"Besh... chill ka muna, wala pa akong naiino-" di natuloy ni ate Ells yung sinabi niya kasi naunahan siya ni ate Ly.

"I SAID BACK TO TRAINING." Galit na galit talaga si ate Ly.

Mga.. 10 seconds lang niya ata kami pina water break! Ano kayang nangyare kay ate Ly? Napatingin ako kay ate Den na naka yuko at bumalik sa loob ng court.

Napabulong ako kila ate Ells at Jia naka-simangot.

"Anyare kay ate Ly? Ba't galit na galit yan?" Bulong ko habang nakatingin kay ate Ly na palapit kay Coach.

"Love life." Meaningful na bigkas ni Jia, habang nakatingin din kay ate Ly na kinakausap ni Coach.

"Tungkol kay Dennise yung pagiging galit niya ngayon." Napatingin kami kay ate Den na nag tetraining. Habang sumasalo siya ng spikes, di niya nasasalo. Onti lang ata nasasalo niya ngayon eh.

"Well, tingin ko pati si ate Den may problema eh." Singit ko.

"Wats happening to u, Dennise?!" Galit na pinag sabihan ni Coach si ate Den. Tapos na palang kausapin ni Coach si ate Ly.

"S-Sorry, coach. Isa pa, Ponggay." Malungkot na sabi ni ate Den. Si Ponggay naman malungkot din.

"Bakit ang lungkot niyong lahat?!" Unexpected na sabay sabay naming sinigaw yun nila Jia at ate Ells.

"Pake niyo?" Pag tataray ni Ponggay. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Sabi ko nga may pake kayo." Nag spike ulit si Ponggay.

"Back to training." Matamlay na sabi ni ate Ly.

Tapos na namin gawin yung mga court drills. Play na sunod.

Team A and Team B. Team A ulit ako.

Sila Ponggay, Jia, ate Den, Gizelle, at ate Amy yung first 6 sa Team A. Syempre kasama ako.

Sa team B naman, sila ate Ly, Ate Ells, Bea, Deanna, ate Mich at ate Mae.

"FIRST SERVE, TEAM A." Sigaw ni ate Ly. Lumabas ng court si Jia at kinuha yung. Nung nag pito na nag serve na siya.

"Kuha!!" Sigaw ni ate Ly.

Nakuha ni ate Ells yung bola at sinet ni Deanna  kay ate Mich sa tres. Inispike ni ate Mich,pumasok sa block namin ni ate Mae pero ramdam ko yung daplis ng bola sa hinliliit ko. Na-dig ni ate Ells yung spike ni ate Mich, binigay kay Deanna tapos sinet niya kay ate Ly, tapos pumalo siya.

"DENNISE!"

Hayuf na. KADA TRAINING NALANG BA MAY NAA-AKSIDENTE? Yoko na men.

"Shit." Bulong ni ate Ly habang nakahawak sa mukha niya. Naispikan niya kasi si ate Den sa mukha. Sobrang lakas pa.

Nakahiga lang si ate Den habang naka nakatakip sa mukha niya. Sabay may umaagos na dugo sa kamay ni ate Den. Tinanggal ni ate Den yung pag takip niya sa mukha niya at yeh. Nagdudugo yung ilong niya. Tumakbo palapit si ate Ly kay ate Den.

"Den! Ayos ka lang?" Aba tanga din to si ate Ly eh.

"Wala na."
"Tanga eh."
"Bobo! Ayos lang ba si Den sa lagay na yan?"
"Hayuf."

Secretly Inlove (JhoBea)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon