Chapter 13.9

476 6 2
                                    

(Lawrence’s POV)

O____O

Nagulat ako ng biglang bumagsak yung ulo ni sandy sa lamesa

“hoi...”  inuga ko ng konti tong si sandy pero parang hindi nagigising.

Nakakahiya tuloy yung ibang tao na malapit sa table namin nagtitinginan na.

“gumising ka nga dyan pinagtitinginan ka ng mga tao..” inuga ko siya ng malakas pero walang epekto.

Lasing naba talaga tong babaeng to? -.-“

Ang bilis naman? Tsk.. weak talaga...

Kumuha ko ng pera sa wallet ko saka ko nilapag sa table.

“kung naglalasing-lasingan ka dyan iiwan na kita bahala ka...”

Tumayo ako saka naglakad paalis. Yung kamay ko nasa pocket ko habang naglalakad.

Napatigil ako ng may waiter na lumapit kay sandy. Lumingon ako agad sa table namin kaya nakita kong ginigising siya ng isang waiter.

Hayyyyy ....

Napahawak ako sa noo ko sa hiya kaya nilapitan ko agad siya tapos binuhat palabas.

 kahit kelan talaga tong babaeng to pabigat sa buhay ko -___-

Sinakay ko na siya sa sasakyan para makauwi na at baka dito pa to mag-eskandalo.

Nung makarating sa bahay wala parin siyang malay kaya binuhat ko ulit siya para iakyat sa kwarto niya.

Habang binababa ko siya hindi ko napansin na tumama yung ulo niya sa headboard ng kama.

“ARAY!” bigla siyang nagsalita.

Ayan instant gising tuloy to.

Tumayo na ko pero napaupo ako ulit nung bigla ako hatakin ni Sandy.

O____O

“HOY ANU BA!!” bigla naman niya kong pinaluputan ng binti niya tapos niyakap ng mahigpit.

“Teddy bear!! WAHAHAHA” –Sandy

Sabi na nga ba wala na sa katinuan tong babaeng to eh -__- ayy teka... wala naman nga pala to lagi sa katinuan.. ano pa bang bago?

“Hindi ako teddy bear!!”

“Huh??” inalis niya yung pagkakayakap niya sakin tapos hinawakan ako sa dalawang pisnge, yung tipong napipisil na niya ng sobra yung pisnge ko tapos nilapit pa niya sa mukha niya yung mukha ko.

O____O

“ayy hindi ka nga teddy bear!” nagsmile siya sakin. Halata sa mata niya na lasing na siya.

“ANO BA!” tinanggal ko yung kamay niya sa pisnge ko.

Ano bang ginagawa niya!!??

Lumapit yung mukha niya sakin saka ako tinitigan ng todo.

'AHHHHHH!" pumitik siya.

"Ikaw pala yung gangster na asawa ko WAHAHAHAHA yung asawa kong paiba-iba yung kulay ng buhok.. kulang nalang gawin mo ng rainbow HAHA!! akala mo naman kinagwapo mo eh noh?" 

nababaliw na tong isang to -___-"

kumawala na ko sakanya saka tumayo pero hinawakan niya yung kamay ko.

"Teka san ka pupunta? iiwan mo na ko?? diba hindi mo ko pababayaan? HAHA" -sandy

napailing nalang ako.

"Alam ko pag nagpakasal isa yun sa pinakamasayang bagay na mangyayari sa buhay ng isang tao...."

ang daldal niya naiirita na ko....

"Pero bakit sakin parang ito yung simula ng pinakamagulo kong buhay? HINDI ako masaya!" nagpout naman siya.

"bakit ba kasi sa isang katulad mo pa ko napunta! tsk tsk tsk... lagi nalang ang init ng ulo mo sakin! bakit ha!? ano bang ginawa kong masama sayo??" tumayo naman siya pero muntik ng matumba kaya napakapit ako sakanya.

"Pero alam mo.... gwapo ka naman talaga eh..lalo na siguro kung magiging normal yang porma mo.. yung buhok mo.. atsaka yung hikaw mo. " nagsmile siya ng parang tanga.

"hindi ko lang inaamin kasi lalaki ang ulo mo at magfefeeling ka.. haha! alam mo ba yun!?"

I smirked.

"Tagal na..." sagot ko.

"tententenen~~tententenen~" naghum naman siya ng wedding song.

"do you.... sandy.... take him as your wedded husband?" -sandy

nakangiti parin siya.

"I do....."

O____O nagulat ako nung biglang lumapit yung mukha niya sakin...

she suddenly closed her eyes and kissed me straight on the lips.

( ̄* ̄)----> sandy

( O_______O ) -----> ako

t-that... was my second kiss.....

________________________________

Am I really MARRYING this GANGSTER!?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon