Chapter 14

568 13 2
                                    

Pasensya na sa mga typo sa mga chapter MWAHAHA ngayon ko lang nabasa ulit ung mga past chapters eh.

___________________________________

(Lawrence's POV)

Maaga akong bumangon ngayon pero hindi ibig sabihin nun maaga kong papasok sa school.

Mabilis akong nagbihis at umalis.

Hindi ko na inantay pa o ginising si Sandy. Wala rin akong balak isabay siya ngayon. 

Dumiretso ko sa isang lugar na may dalang bulaklak...

Pinark ko lang yung sasakyan ko saka bumaba..

Lumapit ako sa kung nasaan siya

 saka ko inilapag ang hawak kong bulaklak...

Napangiti naman ako. Kahit papaano naman ngumingiti rin ako lalo na sa taong nagturo sakin kung pano ngumiti.

"pasensya na... Matagal kitang hindi nadalaw" huminga ako ng malalim.

"pero... May balita ako sayo......."

"Nahanap ko na siya..... Gaya nga ng pangako ko......"

_

(Sandy's POV)

*unat unat*

*higab*

bumangon ako sa kama ko ng nakangiti.

ANG GANDA NG GISING KO!! ^O^

bakit kaya?? ^_^

ahhhhhh~ 

siguro kasi hindi ako puyat!!!

Teka... Buti walang lawrence na nanggugulo ng tulog ko ...

Alam ko friday ngayon eh? May pasok....

Maaga pa ba? At hindi niya pa ko ginugulo ng alarm clock.

Tumingin ako sa orasan....

O_O

LATE NA KOOOOOO!!!!!

Nagmamadali akong tumakbo ng banyo saka naligo.

Nung makaligo ako at makapagbihis tumakbo na ko pababa.

"waaaa waaaa!!" -ako

"oh? Bakit ka tumatakbo? Okay naba ulo mo? Ahh teka ipagtitimpla kita ng kape.." -Tita

"ahh! Wag na po... Okay naman po ako eh saka po malalate na kasi ako T,T asan po pala si lawrence?"

"ayy umalis ng maaga kanina eh. Akala ko nga babalik din.. Eh kaso mukhang dumiretso na sa school" -tita

"ahh... Ganun po ba? Oh sige po mauna na ako.. Byebye po!! :D" 

"ay teka pala mam sandy! Ay este sandy... Yung mga nasukahan mo pala kagabi nalaban ko na kung sakaling gagamitin mo" 

napatigil naman ako.

O,O

"Nasukahan?????" sabi ko sabay harap kay tita kaso wala na pala siya, nakapasok na ng kwarto.

Jeeeez!!! Anong nasukahan ko?? 

Pumikit ako pero wala akong maalala...

Hala anu un!! TT^TT

nag-umpisa na kong maglakad papuntang school.

Tsk tsk....

Ano bang nangyari?? Ang alam ko lang... Nagdinner kami nila lawrence kasama si ate laureen... 

Am I really MARRYING this GANGSTER!?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon