AYI POV
"Aaantteee!!!!!!!!!" ay potek! bwiset na bakla to, ganda na ng panaginip ko eh kung makaistorbo.
"oh problema mo?" siguraduhin nya lang maganda yung rason nya at inistorbo nya ko pag tulog ko \-_-!\
"ante si papa aki kanina ka pa hinahanap, kaw na may poging boyfriend... yiii " with matching sundot sundot pa sa tagiliran ko. Pinektusan ko nga!
"aray ha! ang saket lang nun! *pout*"
"ang panget mong bakla ka! mukha kang palaka wag ka ngang gumanyan! hmp. oh baket nya daw ba ko hinahanap?"
"eh ewan ko b---------" hindi nya na naituloy dahil biglang may umakbay saken at sabing... "hi babe? kanina pa kita hinahanap eh sobrang miss na kita babe" medyo malakas yung pagkakasabi ni akiro. Grabe nagblush naman ako dun, kaya nginitian ko na sya pero nabura na yung ngiti ko nung mapadako yung tingin ko dun sa babaeng katabi ng bench na inuupuan namen. kaya naman pala, andito si cheska kasama yung mark ata yun. hmp! pero agad kong binalik yung ngiti ko ^_______^sabay yakap sa braso nya...
"talaga babe? sorry ha... hindi ako nakapagpaalam sayo kanina na magpapahangin lng ako dito sa may garden ng school, alam mo naman sobrang init sa room, namiss din kita agad babe" sabe ko medyo malakas para marinig ni cheska sabay patong ng ulo ko sa balikat nya.
"ok lang babe atleast alam kong ako lang ang mahal mo hindi mo ko iiwan para sa ibang lalaki, diba babe? iloveyou babe..." parinig nya kila cheska. -____- obvious naman netong lalaki na to. tsk!
"oo naman no babe. ikaw lang po ang mahal ko. I Love you too babe" hays how I wish na totoo yung sinabi nya kanina pero alam ko naman na hindi eh. Isang malaking ASA pa ko. Kaya nga nagpapatulong sya eh.
"Babe di ka pa ba babalik sa room? malapit nang magtime ah?" tanong nya saken. Break time nga pala namen nang isang oras kaya andito kame nakatambay.
"Oo nga no. Ikaw ba Babe?"
"Tara na babe sabay na tayo" sabay tayo niya at hila sa kamay ko.
"Babe wait lang po, masakit kase yung paa ko namamanhid eh" sabi ko sabay tingin sa nakamasid na si charoterang si cheska..
"sige babe pasan ka nalang saken :)" sabay luhod nya at ako naman ay sumampa na sa likod niya at sabay iningusan sila cheska na ang samang makatingin.. Naglalakad lang si aki hanggang sa tantya ko eh hindi na kame kita nila cheska.
"uy Aki ibaba mo na ko, hindi naman masakit yung paa ko talaga ginawa ko lang yun para mainggit si cheska" sabi ko sabay baba sa likod nya.
"ikaw talaga ayi, salamat ayi ha?"
"ano ka ba ok lang. Ano pa at naging classmate kita diba?" at crush at mahal dugtong ko sa isip ko. Hays One week na din simula ng pagpapanggap namen. Noong una medyo naiilang ako kase kakabreak lang nila tapos biglang may girlfriend na naman sya diba? anokaya yun buti nalang wala naman akong naririnig na rumors na kumakalat na malandi ako o nanulot lang. Isa kase si Aki sa mga hinahangaan na istudyante sa paaralan namen so expected na marami talagang may gusto sa kanya pero salamat na din at wala namang naninira saken, sabagay bagay din naman kame ni aki eh maganda naman daw akk sabi ng nanay ko hahahaha so balik na tayo andito na kame sa room at lahat ng classmate namen ay nakatingin samen. Maya-maya eh bigla silang nagsigawan..
"Woooo!! Ang lupet mo to aki!!" - classmate 1
"Ay ano ba yan dapat ako yung pasan pasan ni papa aki eh" sabay pout na sabi ng bakla nameng classmate..
![](https://img.wattpad.com/cover/10127272-288-k27498.jpg)
BINABASA MO ANG
Im His Fake Girlfriend
RomanceThis story is only made by my IMAGINATION... So lahat ng bagay dito eh kathang-isip lamang... Pasensya naman po. First time ever ko lang gagawa ng story. Wala lang masubukan lang :-) so sana pakisuportahan. #21