Chapter 2 *The Fight

10 1 0
                                    

Sa mga hindi mahilig ng online games... Sasabihan ko na po kayo.. Dub read this.. Mao-op kayo XD At lame rin po ang chapter na ito. At least nabalaan na kayo XD

Chapter 2 *The Fight

~~~~~~~~~~~~~~~~~~

"Guys... Boring! Anong magandang gawin natin?"

Tanong ko kay Ryn na andito sa bahay ko ngayon. Gusto niya raw kasi masolo ang laptop niya na palaging inaagaw sa kanya ng kuya niya.

Bahay ko? Yeah. Gusto kasi ng parents ko na maging independent kami.

At ang weird pa ay kaming apat na magkakapatid ( pangatlo ako ) ay magkakapit-bahay lang. Kasama na rin yung sa mga magulang ko.

"Maglaro ng.. Wait.. What?? Paano nangyari yun? Hala may hacker?" Sabi ni Ryn.

"Maglaro ng ano? At anong hacker?"

"Ah... Eh... Wala, naglalaro ako nang s4 ngayon eh. Yung online game. Yung nilalaro namin ni Dhael."

(Rbg: Kung sino po ang nakakaalam ng s4 league, very good!! Pero kung hindi, chupi!! Mao-op kayo. Hehehe ^___^v)

"Ah! Kaya pala ang ingay niya."

"What the ef? Damn I hate this room. Hackers everywhere. Damn this room!!" <--- Dhael

"Narinig mo naman siya diba? Ang ingay niya." sabi ko.

"Yeahp" at nag pop pa ang 'p'

"Guys, kung maguusap kayo tungkol sakin siguraduhin niyo namang hindi ko marinig. What the-- Fck! I'm dead again?" pagmumura ulit ni Dhael.

"Dhael, paano naman naming siguraduhin na hindi mo kami maririnig eh, kung naka-skype tayo ngayon? Common sense dude!" sabi ni Ryn.

"Yah right" pag-aagree ko.

"Psh~"

"Hahaha, sige Khate, in playing mode na ako, byeee~~"

"Sige, mamaya na naman"

At hindi na nila ako kinausap pa. Pero, naririnig ko naman ang pagmumura nila.

Hay, amboring talaga. Nagfa-facebook at skype lang ang ginagawa ko at tinatamad akong manood ng anime. Nag-group call kami nina Ryn at Dhael. Obviously, hindi kasama sina Yvie at Bea.

"Guys!!! Boring!!! Walang magawa sa fb!!" panggugulo ko sa kanila.

"Maglaro ka nang S4!!!" sabay-sabay nilang sabi.

S4? Nakapaglaro na ako niyan last 2 years. At S4 na ang account ko nun.

"Sige ba! Gagawa muna ako ng bagong account. Mag-laro tayo ah!!"

"Huh? Kailangan mo pa man mag-download. Paano tayo makapag-laro?'' tanong ni Ryn. Hindi ka kasi makalaro ng S4 pag hindi mo pa ito naidownload katulad siya ng Dota, kailangan pang i-download para makalaro ka.

"Hahaha! Hindi ko na kailangan yun noh!"

"Wag mong sabihing, nakapaglaro ka na dati?"

"Yeahp!! S4 na nga eh"

"What!!! Bad -3-" sabi ni Ryn.

"Hahaha!!!" At gumawa na ako ng account. Nahihirapan nga ako mag-isip ng codename ko eh. Ang account name ko kasi dati, DarkKnight. At kilala masyado yang account kong yan dahil magaling akong maglaro pero ayaw ko nang gamitin yun. Matagal-tagal na din kasi akong hindi nakakalaro nito kaya hindi ko alam kung ganoon pa rin ba kabilis ang mga daliri ko. At saka, may pagka-hardcore rin kasi ako makalaro >.> Natandaan ko nga na nakadalawang beses akong bumili ng keyboard at mouse dahil sa pagka-adik at pagka-hardcore ko -.-

'Cause You're The One [ On Hold ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon