Chapter 4 *Plan

0 0 0
                                    

Chapter 4 *Plan

~~~~~~~~~~~~~~

[" J'appelle tous les éléments,

Donne-moi la force," bigla may pumalibot sa kanyang gust of air

"le feu dans le Nord,

de l'eau à l'Est,

Vent de l'Ouest,

Terre du Sud," Mas lumakas ang gust of wind at may ilaw na ring sa ilalim niya. Ang lakas ng power niya. Yun ang masasabi ko.

Tapos yung lalaki ay parang napatanga sa kinatatayuan niya.

Maya-maya ay umiba ang pwesto ng mga kamay niya. Ang right palm ay parang nakaturo doon sa hexagram habang ang kaliwang kamay ay nakatapat doon sa lalake. Tapos siya ay pinalibutan na ng masakit na sinag ng ilaw.

"élémentaire Interdite Magie

Eternal Shell!!" at may pumatong na puting hexagram na two times ang laki doon sa itim na hexagram na nasa taas ng school. Tapos doon rin sa lalaki may nakapatong rin.

*booom

Napapikit ako ng mata dahil lumakas yung hangin at dumagdag pa yung ilaw. ]

[Now reading, Pure Magical Cross Academy: The Gangster by Calling---rdblugrn.]

What?! Sino kaya yun? Anlakas niya. Aish! Chapter 5 pa lang ito eh -.- Anlayo pa -.-

Hay~ Antahimik!! Walang gumagawa ng kalokohan ngayon.

Heto kasing si Maingay Ryn ay nagbagong buhay. Kinabukasan kasi nang alis ni Dhael, hindi na gaano nag-iingay. Na-missing in action ata yung kilala naming Ryn. O, kaya, kinidnap ng mga alien -.- Kaya ngayon, Eto siya, nagbabasa lang din ng wattpad sa phone niya.

Oo, mga wattpad addicts kami habang si Dhael ay isang wattpad writer kami rin naman tatlo nina Ryn at Yvie kaso nga lang tinatamad mag-update.

Amboring talaga. Walang kaingay-ingay ay tambayan namin. Ang tambayan kasi namin nasa fourth floor lang at makita namin ang classroom namin sa third floor. Maganda naman dito kasi mahangin. Whoo~ Fresh air mga pare!

Natandaan ko tuloy kung papaano namin nahanap itong tambayan namin. Syempre, panimula nina Dhael at Ryn. Nagkaroon kasi kami nang Dance interpretative sa Social studies namin at napakaswerte namin na iisang grupo kami nina Bea, Ryn, Dhael at ako pero sa kasamaang palad, napakamalas namin sa leader. Hindi kasi siya tumatanggap ng ideas na binibigay ni Ryn para sa sayaw namin na Evolution of Man's Culture. Nainis sina Dhael dahil napakarami daw'ng kembot ang sayaw kaya gumawa na lang sila ng kalokohan. Tuwing time na ng Social Studies namin, tumatakas yung dalawa at magtago, syempre hahanapin sila ng leader namin pero na-MIA sila kaya pinabayaan muna. Two weeks nilang ginagawa yun at one week to go, presentation na. Hindi pa sila nakapag-praktis, kaya kami na mismo ni Bea ang naghanap at nakita namin sila dito na tumatawa. Kakainis lang? Kami nagpakahirap sa sayaw tapos sila tinatawanan kami? Nakikita daw kasi nila ang ginagawa raw namin sa baba pero hindi namin sila makita dahil sa rails. Pero mabilis na dumating si karma. Kailangan nilang magpractice overtime. Kawawa nga si Dhael nun dahil napakatigas ng katawan niya daig pa ang kahoy pero si Ryn, tinatawanan lang ang partner niya. Madali lang siya naka-cope up sa sayaw, may tinatago palang talento si Ryn na di namin alam.

Ngayon ko lang napansin, hindi pa pala namin gaano kakilala si Ryn. Naging magkaibigan lang kami this school year dahil kay Dhael. Well, parang si Dhael ata talaga ang kailangan para mag-ingay to -.-

Speaking of Dhael, dalawang linggo na since nang alis niya rito. Mukha atang minalas at pinaextend ang stay niya doon. Wala na rin kaming contact sa kanya, three days after nang alis niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 11, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

'Cause You're The One [ On Hold ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon