Chapter 55

122 2 0
                                    

Lance's POV

"Lance please wake up..."

Nielle...

"Gumising ka please..."

"Nielle!"

"Oh! Hi bro! Good thing you're awake"

Napalingon ako at tinignan ko ang lalaking nagsalita. Ngiting-ngiti itong nakatingin sa akin

"Who are you? Do we know each other?"

"Yes. Yes we know each other" ngiti pa din nitong sagot sa akin

Baliw ba itong lalaking ito? Hindi ko siya kilala pero bakit ganyan siya kung makangiti sa akin

"So, ikaw pala si Lance. Ganyan pala ang itsura mo sa malapitan. Kadalasan kasi, dito lang kita nakikita sa taas"

Ano bang pinagsasabi ng isang ito?

"Baliw ka ba? Anong pinagsasasabi mo? Anong dito lang sa taas? Paano mo nalaman ang pangalan ko?"

"Oops! Sorry bro, nakalimutan kong magpakilala sayo. Hi Lance, I'm Aaron" sabi niya atsaka naglahad ng kamay para makipag-handshake

"Ha? Aaron?"

Madami akong kilalang Aaron ang pangalan pero hindi ko talaga matandaan ang mukha ng isang ito. Pilit kong tinatandaan kung kilala ko nga ba talaga siya pero hindi ko talaga maalala. 

Maigi kong tinititgan ang mukha niya. Halos tumaas ang balahibo ko nang maalala ko kung saan ko siya nakita

"I'd like you to meet Aaron"  sabi ni Nielle

"I-is he your friend?"

"No. He's more than my friend"

"Boyfriend?" tanong ko ulit

"No Lance. He's my fiancé" 

Nanlambot ang mga tuhod ko

Siya nga iyon

Siya ang mukha na nakita ko sa malaking larawan ng lalaki sa loob ng museleo kung saan sinabi sa akin ni Nielle ang tungkol sa kanilang dalawa

Kung ganoon...

Tinignan ko ang paligid kung nasaan ako ngayon. 

Para akong nasa isang kwarto sa isang bahay bakasyunan sa Tagaytay. 

Maaliwalas, payapa at wala akong nararamdaman na kahit na anong negative energy

Ibig bang sabihin nito...

"No. You're not dead, at bago ka pa magtanong, oo nababasa ko ang nasa isip mo at oo ako nga ang lahat ng naisip mo. Ako si Aaron at ako ang fiancé   ni Nielle" bigla niyang sabi

Hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya. I know this is my chance to say that I am sorry. Pero, naguguluhan pa din ako. Bakit ako nandito sa lugar na ito kung hindi pa ako patay?

"Look, I know you're confused but trust me bro..." tinitigan niya ako sa mata "you have to wake up and get back to her. She needs you"

"Pero, bakit ako nandito kasama mo? Hindi ba..." dapat ko pa bang ituloy ang mga sasabihin ko?

"Alam ko na ang sasabihin mo. Yes, I'm dead but you're not. Nandito ka dahil buhay ka pa, and as for me kaya ako nandito is because I am just waiting for you"

"Waiting for me? Bakit?"

"Alam mo sa totoo lang, madaming beses na akong nagpakita kay Nielle sa panaginip niya. And this time, sayo ako nagpapakita. You're not dead but you're just dreaming. Kaya ako nagpapakita sa inyo is because I know that all of that happened to you guys will happen hanggang dito sa point na ito Lance. Hinihintay kita sa kadahilanang gusto ko lang malaman mo na hindi ako galit sayo at noon pa ay napatawad na kita. Walang may alam at may gusto na maaksidente ako nung gabing iyon and tinanggap ko na ito ang kapalaran ko. Thats what keeps me from still being in here kaya hindi pa ako tuluyang makaakyat sa langit and that is also why I convinced Nielle nung magpakita ako sa kanya sa mga panaginip niya na I'm okay with the fact that she's falling in love with you and the same with you that you love her. Minahal ka na niya noon pa Lance at mahal na mahal ka niya hanggang ngayon"

A Girl's Vengeance?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon