Chapter 3

308 10 0
                                    

Nielle's POV

Ipinatong ko ang bouquet ng mga bulaklak na binili ko sa isang makintab at malaking bato

"Hello Aaron, nandito na naman ako. Na-miss mo ba ako?"

Heto na naman ako. Kinakausap ang lalaking mahal ko sa tapat ng kanyang himlayan

"Alam mo ba, sinugod na naman si Papa sa hospital kahapon? Grabe nga eh, kinabahan na naman ako"

Walang araw na hindi ako pumunta sa puntod niya

"Buti na lang at day-off ko kahapon. Hindi ko alam kung anong mangyayari kay Papa kung wala ako kahapon kasi silang dalawa lang ni Junjun ang nasa bahay"

Katahimikan

"Ano ba? Di ka man lang ba magpaparamdam sakin?? Lagi ka na lang bang tatahimik?? Magparamdam ka naman kahit konti lang baby"

Katahimikan

"Wag kang bibitiw please? I can't live without you Aaron. Please?"

"Nie-nielle... Please promise me na hindi ka malulungkot ha?"

"Aaron naman eh! Wag ka ngang ganyan!"

"Huwag ka ding gagawa ng mga hindi ko gusto ha? Sige ka, mumultuhin kita"

"Aaron naman..."

"This will be hard for the two of us Nielle, but I think I can no longer handle this. Promise me please?"

Nakarating na ang ambulansya sa hospital. Habang ibinababa siya sa ambulansya, nanatiling magkahawak ang mga kamay naming dalawa.

"Aaron lumaban ka please??"

Hindi na siya makasagot dahil patuloy na ang pag-ubo niya ng dugo.

At napakasakit na nakikita ko siyang nahihirapan at unti-unting nanghihina.

"Ma'am sorry, hanggang dito nalang po kayo" pagpipigil sa akin ng nurse. Nabitawan ko na lang ang kamay ni Aaron.

Hindi ko mapigil ang pag-agos ng luha sa mga mata ko. Hindi ko kayang mawala sa akin si Aaron.

Kitang-kita ko kung paano siya mahirapan sa loob ng Emergency Room.

Kitang-kita ko kung paano mahirapan ang mga doctor na isalba ang buhay niya

"Clear!" the doctor commanded

Nakikita ko ang nangingilid na luha sa mga mata ni Aaron. Masakit, naninikip ang dibdib ko. Napapikit ako at tumingin muli sa kanya at nakita kong nakatingin siya sa akin and then there I saw him mouthed...

"I love you Nielle..."

"I love you" I mouthed also to give him reply

*TIIIIIIIIIIIIIING*

And those were the last words I saw on his mouth

Nagflash-back na naman sa utak ko yung gabing iyon. Napakasakit

"Aaron, magparamdam ka naman sakin kahit konti lang. Ang daya mo naman eh, sabi mo mumultuhin mo ako? Eh bakit hindi mo naman ginagawa?"

"Nakaka-inis ka naman eh. Please? Hindi naman ako matatakot sayo eh. Yayakapin pa kita kung gusto mo kahit imposible"

Hindi ko alam na umiiyak na pala ako. Sobrang gustong-gusto ko siyang makita, makausap at mayakap. Pero hindi na pwede

"Please come back? Bumalik ka na. Alam kong may pagka-desperada na ako pero masisisi mo ba ako? Sobrang miss na miss na kita. Mahal na mahal kita Aaron..." maluha-luha kong sinabi habang hinahaplos haplos ko ang lapida niya

"Sabi na ikaw yan Nielle eh" napatingin ako dun sa nagsalita sa likod ko.

"Tita?" ang Mommy ni Aaron

"Tita? Diba ang sabi ko 'Mommy' ang itawag mo sa akin at hindi 'Tita'?"

Napakabait ng mga magulang ni Aaron. Hindi nila isinisi sa akin ang pagkamatay ng anak nila. Dahil ako ang kasama ni Aaron nung gabing iyon at susunduin niya ako.

"Pasensya na po Mommy. Pero wala na po kasi si--"

"Nielle, hindi ibig sabihin na wala na ang anak ko ay hindi ka na mahalaga sa amin ng Daddy mo. Anak ka pa rin sa amin, naiintindihan mo ba?" kalmado niyang pagpuputol sa akin

Napayakap nalang ako sa kanya. Malaki kasi ang resemblance ng mukha nilang dalawa ni Aaron

"Salamat po Mommy. Mommy, sobrang miss ko na po siya. Hindi ko maiwasang malungkot at maguilty sa twing naiisip ko yung nangyari"

"Iyan ka na naman eh, don't blame yourself Iha. Walang gustong may mangyari nun, hindi lang katanggap-tanggap yung pagpapaharurot ng kotse ng pesteng Lance Del Valle na yun. Palibhasa may pera kaya hindi na niya iniisip kung may maapektuhan ba sa ginawa niya" kunot-noong sabi ni Mommy

"Mommy, I really hate him to the core. Gusto ko siyang ipatapon sa impyerno"

"Let justice do it Iha"

"Pero Mommy, walang nagawa ang batas para sa hustisya kay Aaron. Kailangan nating gumawa ng pests paraan para pagbayaran niya ang kasalanan niya"

"No Iha. Sa tingin mo ba magugustuhan ni Aaron iyon? Hindi diba? So please, let's wait for the court about dun sa case ni Aaron. He'll get the justice that we want for him 2 years ago"

Tinignan ko lang si Mommy, para siyang si Aaron na nangongonsensya sa akin at sinasabing makinig ako sa Kenya

"Okay Mommy. But if I have a chance I'll fight for Aaron. Kahit na kumapit pa ako sa patalim"

A Girl's Vengeance?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon