Chapter 27

121 4 0
                                    

Hannah's POV

Oh my gosh!!

Binigyan ako ni Lance ng leave!!

3 days leave!! Haaay, iba talaga ang powers ko dito sa pinsan ko na ito e

Effective yung ginawa kong pag-snob sa kanya. Hahahaha! Sabi na eh, kilalang-kilala talaga ako ni Lance! Alam kasi niyang ayaw ko na naiistorbo ang pagtulog ko, which is true naman kaya siguro alam na niya ang pinagmamaktol ko. Hahahaha. Naisahan ko na naman ang isang ito

Ang gusto ko lang naman eh bigyan niya ako ng free day. Kailangan ko din kasi yun para mag-manman sa paligid. To investigate, delikado kasi lalo na kay Nielle. Bullshit kasi, sana matagpuan na yung Rissa Raymundo na yun eh! Para matapos na lahat ng to. Para maging masaya na si Lance

Para malaya niya nang mahalin si Nielle, nang magkapaliwanagan na ng mga nangyari at maayos na ang lahat

Magulo pa ang lahat ngayon. Sana mapatawad kami nila Nielle dahil sa nagawa namin. Hindi din namin ginusto iyon, alam naming malaking parte ng buhay nila ang kinuha namin

Nakikita ko na na masaya na si Lance, masaya ako dahil doon pero at the same time, nalulungkot dahil alam kong masasaktan siya

"Ayaw mo ba kay Nielle para sa akin Hannah?" tanong niya sa akin

"H-ha? N-no. Hindi sa ayaw ko sa kanya para sayo pero.. Pero–"

Gustong-gusto ko si Nielle para kay Lance. Gusto ko nga sila imatch-make eh. Ang cute kasi nilang dalawa. May mga bagay lang talaga na kailangan munang maayos bago sila tuluyang maging masaya kahit hindi ko pa alam kung mahuhulog din si Nielle sa pinsan ko

"Pero ano?"

"Never mind. Pero honestly? I'm happy seeing you happy. Ang tagal ko kayang hinintay ulit yung mga ngiti mo na bumalik ulit"

"What do you mean?"

He has no idea. Wala siyang alam na buong buhay niya, alam kong malungkot siya

"You see, I never saw you smiled again like that. Yung mga ngiti mong matagal nang hindi nagpapakita? You know since 'that' happened"

Lance lost someone who's very special and important to him. He loves her very much. Nakita ko kung paano lumaking malungkot si Lance, maybe were still young back then pero, ramdam ko yung nararamdaman niya. Hindi ko lang basta itinuturing na isang pinsan si Lance pero Kuya na ang tingin ko sa kanya. Hindi kasi ako ganoong ka-close sa Kuya ko. Hindi man ako showy, pero mahal ko siya bilang kapatid

"Ah. You mean.. Okay. But! I promise, hindi na ulit mawawala itong mga ngiti na ito"

"Sana nga Lance. Sana..."

Napa-buntong hininga na lang ako. I hope as soon as possible, maayos na ang lahat ng ito

***

Nung makarating kami ng office, dumiretso agad kami ni Lance sa kanya-kanyang mga table namin. Kailangan ko nang umpisahan itong trabaho ko para naman mapirmahan ni Lance yung leave ko

Nababadtrip na ako. Sobrang dami ko palang aayusin!

Busyng-busy ako magtrabaho nang mag-ring yung cellphone ko. Haaay! Sasagutin ko pa ba to?! Pagtingin ko, si Frank yung tumatawag. Dun ko lang napansin na wala pa pala siya dito, pati na din si Nielle. Himala, na-late ata yung dalawa? Sila kasi usually ang laging nauuna sa amin dito sa office

Sinagot ko yung tawag ni Frank

"Hello. Hannah–"

Hmmm? Since badtrip ako kay Lance dahil sa dami ng pinapagawa niya, pagseselosin ko siya! Hahaha

"Hoy! Nasan ka na ba ha? Ay mali, nasan na kayo ni Nielle?!"

Nakita kong napatingin si Lance sa akin. Alam kong pagdating kay Nielle aware ang isang ito e. Buti nalang at nakabukas yung pintuan ng office nila ni Nielle at ng marinig niya yung sinasabi ko

"Teka bakit ka ba nasigaw ha? Ano na namang ginawa ko?!"

"Ano ka ba, acting lang yun. Pinagsigawan ko talaga para marinig ni Lance. Para magselos. Oh diba? In that way, baka sakaling mawala ang feelings niya for Nielle" this time, mas mahinahon na ako

"Sira ka talaga. Teka nasa office ka na? Aga mo ata ah?"

"Tse!! Nang-aasar ka ba ha? Oo nasa office na ako. Bwisit kasi to si Lance e, ang daming pinapaayos na schedule sa akin. Teka nga, nasaan ka ba? Magkasama kayo ni Nielle? Wala pa siya dito"

"Nasa cementery ako. Sinundan ko siya. She's on her way there. Something happened earlier"

"What? Good or bad?"

"Bad? I'll show it to you later okay? I need to go"

"Hannah ano ba yan?! Tapos mo na ba yung mga pinapagawa ko?!"

Nagulat ako nung sumigaw si Lance. Inalababong-inlababo na nga ang isang ito. Halatang galit eh. Siguro kasi narinig niya ang pangalan ni Frank at ni Nielle

"Oo na oo na! Saglit lang pwede?! Kainis..." sagot ko sa kanya "Oh for sure narinig mo yun? Diba effective? Nagselos ata at mainit na ang ulo. Kanina lang ang ganda ng mood niyan at nakangiti pa, ngayon naman di na maipinta ang mukha"

"Hannah ano ba... Mamaya parehas pa kaming masisante ni Nielle niyan eh. Okay lang na ako ang masisante ni Sir 'wag lang si Nielle"

"Nako! Ikaw ah? Pumapag-ibig ka na talaga! Hahaha!" sinigaw ko pa lalo para maasar ko si Lance

"Hannah!!!!! Get back to work!!!!" sigaw ulit ni Lance. Hahahaha! Ang sarap talaga pag-tripan ng isang to e

"Sige na nga! Bye na!"

"Okay. Bye"

Alam niyo minsan napapaisip ako kung magkamag-anak ba tong si Lance tsaka si Frank eh. Alam niyo kasi yung ngiti nila parang magkahawig?

Lahat siguro ng ngitian nitong dalawang ito mahuhulog sa kanila eh. Pero I don't care, meron na akong 'Apple of my eyes' dito sa office. Mwahahahaha! Ang cute kaya ni Patrick! Hahahaha!

Pero naalarma ako sa sinabi ni Frank. Kinakabahan ako, sana hindi pa nila nahahanap si Nielle

A Girl's Vengeance?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon