I didn't expect na aabot ito ng 1k reads, Thankyou!💕
"Mommy we missed you!" dalawang bata ang pumasok. Isang babae at isang lalake, agad silang pumunta kay Kathryn at niyakap ito ng mahimbing.
"I missed you too my babies." sabi ni Kathryn sa kanyang mga anak.
Si Daniel ay tulalang nakatayo, hindi siya makapaniwalang may anak na si Kathryn. Unting unting gumuguho ang kanyang mundo.
'Akala ko ay mahal niya ako. Tang ina ang sakit.' iyan lang ang sinasabi ni Daniel sa kanyang isip habang minamasdan sina Kathryn at ang mga anak niya.
Hindi niya nakita ang mukha ng dalawang bata, bago pa man niya ito makita ay umalis na siya agad. Hindi niya mapigilan ang kanyang mga traydor na luha na lumabas.
"Ang sakit, tang ina!" sigaw niya habang sinusuntok iyong pader. Dumudugo na ang kanyang kamao, pero patuloy parin siya sa pagsuntok.
Hindi namalayan ni Kath na umalis na pala si Daniel kaya agad siyang nag paalam muna sa kanyang kambal at agad ng hinanap si Daniel.
Hindi siya nahirapan sa pag hanap kung nasaan si Daniel dahil sa malayo pa man ay naririnig niya na ang mga hikbi at sigaw nito.
Lumapit siya kay Daniel at niyakap ito mula sa likod.
"Love, tahan na." sinabi ni Kathryn sa kanya
Agad naman kinalas ni Daniel ang pagkayakap ni Kathryn sa kanya. Hinarap niya si Kathryn na may galit sa kanyang mga mata.
"Ano ba?! Bakit mo ba ako tinanggap kung may anak ka naman? Ano ako para sayo Kath, pampalipas ora lang ba ha?! Hindi porket alam mo na mahal kita ay kaya mo na akong gaguhin ng ganito. Oo, mahal kita Kath pero hindi ako tanga! Mabuti pa at tigilan na natin ito, bumalik ka na doon sa mga anak mo at kung sino man ang tatay nila." galit na galit na sabi ni Daniel kay Kathryn.
Nakita ni Kathryn kung gaano niya nasaktan si Daniel. Alam na niya na ito na ang tamang panahon upang magpaliwanag.
"Love, please listen to me." pagmamakaawa ni Kathryn kay Daniel
"Ikaw makinig sa akin Kath! Bumalik kana doon sa pamilya mo." sigaw na sagot ni Daniel sa kanya.
Kahit nasasaktan siya sa mga ginawa niya kay Kathryn ay parang wala nalang iyon sa kanya dahil sa sakit na kanyang dinadaanan.
Nakita ni Kath ang sugat sa kamay ni Daniel, tumutulo pa ang kanyang dugo galing sa kamao niya. Muntik ng mawasak yung pader na sinusuntok ni Daniel.
"Wala akong pamilya, Love. Ikaw lang." sabi ni Kathryn.
Tumawa si Daniel, "Don't fool with me Kath. Go back to your loving husband with your loving kids." may halong pait sa boses ni Daniel noong ito ay kanyang sinabi.
"Ikaw lang ang minahal ko, wala ng iba." sabi ni Kathryn sa kanya.
"Kung ako lang ang minahal mo, kanino yung anak ha?! Kaya mo ba ako iniwan noon dahil may nakita kang pamalit sa akin dahil sa mali mong akala Kath?" galit na tanong ni Daniel
"Ikaw ang ama nila!" sigaw ni Kathryn sa kanya. Finally she had said it. Akala niya ay tatahimik na si Daniel pero nagkakamali siya. Tinawanan siya ni Daniel, "Paano ko sila magiging anak Kath? Tigilan mo na ako." inis na sabi ni Daniel sa kanya.
"Ikaw nga ang ama nila! Wala akong ibang pinapasok kundi ikaw! You want proof?" hamon ni Kathryn sa kanya.
"Proof? May ganon na ba ngayon?" natatawang sabi ni Daniel.
Nagulat siya noong bigla siyang iniwan ni Kathryn pero ito yung hiniling niya na siya ay bumalik sa kanyang pamilya. Kahit tumatawa siya sa labas, ang nararamdaman niya sa loob ay para siyang unting unting pinapatay sa sakit. Tinignan niya ang kanyang mga kamao. Natatawa siya kung bakit hindi niya nararamdaman ang sakit siguro narin ay namanhid na siya. Biglang bumalik si Kath na may first aid kit na dala. Daniel clenched his jaw. 'Bakit ba siya bumalik? Pinapahirapan niya lang ako shit.' sabi niya sa kanyang utak.
Behind Kath were her twins following her. Nagulat si Daniel noong nakita niya ang mukha ng batang lalaki. Para siyang carbon copy niya noong bata pa siya. Bumilis yung tibok ng kanyang puso. 'Paano?' nalilitong tanong niya sa kanyang isip. Hindi naman siya nalulungkot, natutuwa siya ngunit hindi maiaalis sa kanya ang kanyang pagtataka. Ang batang babae naman ay kahawig ni Kathryn.
Agad lumapit ang kambal kay Daniel at niyakap siya. Hindi niya maiwasang hindi maiyak. Biglang nagsalita si Kathryn. "Umalis ako patungong London dahil akala ko ay nakabuntis ka ng iba. It was my only way of setting you free. Pagkarating ko doon ay nalaman ko na buntis pala ako. I wanted to come back and tell you but then how could I tell you when I thought of you having a child from another woman. Ayaw ko naman na mahalin mo lang ako dahil dinadala ko rin yung anak mo. So I decided to stay and kept it from you. Ang hirap love, ang hirap hirap. I had extreme morning sickness dahil dalawa yung nasa sinapupunan ko. Wala akong karamay doon. My family was disappointed with my decision. I didn't want them at first since all I can remember is you but then I've realised that this is the product of our love. Kaya noong pinanganak ko sila, I was happy. I had a mini Dj and mini Kath. Kapag namimiss kita kinukuha ko lang si Gabriel at para na kitang nakita. Patawarin mo ako love kung tinago ko ito sa iyo. Sasabihin ko naman talaga eh, pero naunahan na nila ako." hindi namalayan ni Kathryn ay kanina pa siyang umiiyak as she reminisced the past.
Nasaktan si Daniel dahil sa pagtago ni Kathryn sa kanya ng totoo. Gusto niya mang magalit ay hindi niya magawa dahil sa dalawang bata na nasa harapan niya.
"Daddy, did you know that mommy told us a lot of things about you." sabi ni Gabriel sa kanya na medyo bulol pa.
Parang natutunaw ang kanyang puso sa pagtawag sa kanya ng daddy. This was all he ever asked before and he can't believe that the Lord granted his wish.
"Daddy so don't be mad at mommy, she loves you so much." sabi ni Isabel sa kanya habang binibigyan siya ng halik.
"Ang sakit sakit Kath. Nasasaktan ako sa pagtago mo nito sa akin." he said honestly na lalong ikinaiiyak ni Kathryn.
"Love, please, patawarin mo naman ako oh." pagmamakaawa ni Kath
"Daddy, you're so handsome." sabi ni Isabel sa kanya
Binalik ni Daniel ang attention sa kambal. Tinanong niya ito ng mga tanong tungkol sa kanila. Pinagmamasdan ito ni Kathryn at lihim na kinukunannsila ng litrato. Nagulat lamang si Kathryn noong nagpaalam muna si Daniel sa kanilang anak at tumayo at lumakad paalis. Agad niya itong hinabol.
"Love, wag mo naman akong iwan love oh." pagmamakaawa ulit ni Kathryn sa kanya.
Hinarap siya ni Daniel at hinalikan a noo. "Hindi kita iniiwan Kath dahil may mga anak na tayo. I just needed space and time to absorb everything. Nandirito naman ako para sa mga anak natin." wika ni Daniel
Umiyak ng todo si Kath, dahil iniisip niya ay hindi na siya mamahalin ni Daniel.
"Are you unloving me? Wag naman oh. I can't live without you." sabi ni Kathryn
"I still love you Kath pero sana ay bigyan mo ako ng panahon para humilom ang mga sugat ko. I will be always here for you and them but I just need time." Sagot ni Daniel sa kanya at tuluyan ng umalis.
BINABASA MO ANG
Byaheng Forever
FanficThis is a KathNiel Fanfiction about two people who crossed into each other's paths and unknowingly, fate has plans for them and they can't run away from it. Will they able to return their love that was once lost or will they bury it forever?