Chapter 41: A little Braver
MIHO'S POV
"BAKIT HINDI mo siya pinigilan?!"
Sigaw ng bagong dating. "Wag mo kong pakialam. May sarili akong plano!" Seryosong sabi ko dito na di man lang siya tinitignan."Sariling plano?! Plano na ikakapahamak namiiin!" Inilapag ko ang rock glass sa mesa kasabay nun ang pagkabasag ng wall glass at ng iba pang gamit sa loob ng Bar. Bigla siyang napaupo dahil sa takot. Tumayo na ko at naglakad palabas.
Galit na galit talaga siya sa'kin. At dahil sa galit na ito ang dami tuloy nakaharang sa daraanan ko istorbo! Naglakad pa din ako at kusang pumagilid ang mga harang sa daraanan ko.
*Beeeeeeeeep. Busina ng isang sasakyan. Pero hindi ako nagpatinag. Laking gulat ng driver ng tumagos lang ako dito. "Mabuti naman at naisipan mo pang umuwi?! Ang lakas kaya ng ulan!" Sermon ni natnat sa'kin. Ang sarap sa pakiramdam kapag may taong concern sayo at least nararamdaman ko pa ito baka bukas makalawa hindi na...
"Concern din ako sa kalagayan mo kaya kung ako sayo wag ka ng didikit sa'kin kung maaari wag mo na rin akong kausapin pa!" Cold na sabi ko dito tsaka ako dali daling pumasok sa kwarto ko.
Nakakalungkot dahil hindi kami nabigyan ng pagkakataong makasama at makilala ang isa't isa.
Yumuko ako at sinimulang paglaruan ang daliri ko na kinasanayan ko na rin sa t'wing natatakot ako. Tsaka lang ako napahinto sa ginagawa ng mapansin ang ilang patak ng luha sa mga kamay ko.
Ilang beses na ba ko nangarap na magkakaroon ng katuparan lahat ng iniisip ko?! Sa tingin ba niya kaya kong saktan ang nag iisa kong pinsan na si jazzel?!
Ngayong malapit na siya sa'kin ako naman 'tong parang ewan na umiiwas sa kanya(Rod).
Pinunasan ko ang mga luha sa mga mata ko at sa isang iglap lang nasa harapan na ko ni brylle. Nakita ko kasing nasa labas siya ng apartment. Matagal ko na siyang iniiwasan pero hindi ko na rin kaya nasasaktan na din ako sa ginagawa kong pag iwas.
"Ang daming nagsasabi na iwasan daw kita pinipilit ko pero di ko kaya sana ganyan ka din sa'kin. Wag mo naman sana kong iwasan!" Tsaka ako nito niyakap. "Wala akong pakialam sa sasabihin ng iba! Kinalimutan ko na rin ang ginawa mo sa'kin. Please wag mo kong iiwasan!"
"H-hindi ako makahinga!" Pilit akong kumakalas sa pagkakayakap niya pero mas hinigpitan niya ito. Napagod na rin ako kaya di na ko pumalag sa halip ginantihan ko na rin siya. Miss na miss ko na rin siya kailan ko ba siya huling nayakap ng ganito kahigpit at katagal?! "Nahihirapan na din ako lalo na sa sinasabi ng iba. Rinig na rinig ko sila kahit sobrang layo na nila sa'kin. Ako ang may gawa ng lahat pero hindi ako yun!" Di ko na napigilang hindi umiyak. Hinaplos niya ang buhok ko.
"Tutulungan kita! Basta wag ka lang lumayo sa'kin!" Alam ni brylle ang sitwasyon ko dahil siya ang nakasama ko simula nung bata pa kami. Nagkalamat lang ang pagkakaibigan namin ng sabihin nito ang totoo niyang nararamdaman sa'kin.
Nafall na rin ako sa kanya pero kailangan niyang lumayo sa'kin at kalimutan na lang ang nararamdaman niya at maghanap na lang ng iba.
Ginawa ko na ang lahat ng paraan lumayo lang siya sa'kin sinet'up ko na rin siya pero heto siya ngayon yakap yakap ako mas lalo lang tuloy akong nahihirapan kung ano bang dapat kung gawin. "M-mamamatay ako yun lang ang tanging paraan kaya kalimutan mo na ko!!!" Galit na sabi ko dito tsaka ko siya itinulak ng sobrang lakas tumilapon siya.
Sa huling pagkakataon ay pinagmasdan ko siya. Ang labi niya, ang mga mata niya, at ang ilong niya hindi nakakasawang pagmasdan. Tumakbo ako palayo sinugod ko ang napakalakas na ulan. Ang sama sama ko dahil sinasaktan ko ang taong mahal ko.
________
NATNAT'S POV
"KAILANGAN MO ng tulong?" Malungkot na sabi ko kay brylle kanina pa nakaalis si miho pero nanatili lang siya sa posisyon niya. "N-narinig mo?!" Bulong nito pero sapat na para marinig ko. Tumango ako bilang pagtugon.
"Hindi ko alam kung papaano ko siya matutulungan at maililigtas. Papaano ko ba magagawa 'to kung di siya nagsasabi at pana'y ang pag iwas niya sa'kin?!"
"S-siguro bigyan mo na lang siya ng space to think!" Hindi ko alam ang dapat kong sabihin may mga bagay talaga na mahirap ipaliwanag. "Sa'tin lang 'to ha. Walang dapat makaalam!"
"Baka mas nauna pang nalaman ni prince rio ang tungkol dito kaysa sa'kin?!" Pinilit kong ngumiti. Alam ko na ang kapangyarihan niya sinabi na sa'kin ni troy ang lahat. Tinulungan ko siyang makatayo.
Sana magkaroon sila ng happy ending ni miho. Kung hindi man si miho ang para sa kanya sana makahanap siya ng taong mamahalin soon.
________
BINABASA MO ANG
Game of Death(G.O.D)*Kill The Villain*
JugendliteraturThis book is UNDER EDITING. Meet An extraordinary teen's. At kung papaano nila lalabanan ang mga suliranin na kanilang makakaharap.