G.O.D #19: Black Building

49 5 1
                                    

Chapter 19: Black Building

KINABUKASAN, Nag simula ng magduty ang tatlo sa cafeteria. Sa kitchen nakaassign si azzet habang si natnat naman ay sa dinning area.

Ang grupo nila killy ang siyang nagtuturo sa kanila. "Hanggang ngayon hindi ko pa rin lubos maisip kung bakit pumayag akong mangyare sa'kin 'to!" Inis na sabi ni azzet.

"Hindi uubra ang pagtataray mo dito! Gawin mo na lang ng maayos ang trabaho mo!" Sigaw sa kanya ni killy tsaka ito lumabas ng kitchen.

Sinunog ni azzet ang cooking book' s na ibinigay ng babaeng kaaalis lang. Tsaka siya naalarma ng makita ang ilang CCtV'ng nakakabit.

"Oh bakit parang nakakita ka ng celebrity diyan!? Ako lang 'to si natnat hindi ako member ng twice o red velvet!" Sabi ng kakapasok lang na si natnat.

"Gusto mo sunugin din kita!" Banta ni azzet dito. "Galit ka ba dahil sa sinabi ko o dahil nakita mo ang pagmumukha ko?!"

"Both!" Bulyaw ng isa. Napailing na lang si natnat tsaka ito lumabas ng kitchen na may dala ng panlinis.

Samantala si ruru naman ay kanina pa pinapahiya ni tack kaya naman ang kalangitan ay sobrang kulimlim na.

"Hi, ba't parang ngayon lang kita nakita dito?!Transferee ka ba?!" Pagpapacute ni tack ng makita ang lalaking nasa harapan nila.

"Ikaw din ngayon lang kita nakita . Transferee ka din ba?!" Balik tanong ng lalaki na ang tingin ay nakay ruru.

Agad namang namula ang pisngi ng huling nabanggit. "M-magkakilala ba kayong dalawa?!" Usisa ni tack sa kanila.

"Oo, Dahil alam ko kung nasaan ang kapatid niya!" Seryosong sabi ng lalaki tsaka ito lumabas ng cafeteria.

Nanlaki naman ang mga mata ni ruru. Ilang minuto din siyang natulala. "Hoy saan ka pupunta?!" Sigaw sa kanya ni natnat. Tumakbo kasi palabas si ruru.

Hinanap niya ang lalaki kung saan saan.
Tagaktak na ang kanyang pawis sa ginawang pagtakbo. "Ako ba ang hanap mo?!" Napalingon siya sa isang building na medyo may kalayuan sa Two buildings na kung saan pumapasok ang mga estudyante.

Patakbo siyang pumasok sa loob at umakyat ng hagdanan kaso wala na ito. Napatingin siya sa pintuan na nakabukas.

Pumasok siya dito. Napakunot noo siya ng maamoy ang masangsang na amoy. Sobrang dilim sa loob. Walang liwanag na maaninag.

Napahinto siya sa paglalakad ng may maapakan siya. Bigla na lang nanlamig ang buo niyang katawan at para bang nasemento ang kanyang mga paa.

"R-ruru?!" Tawag ng isang boses babae sa pangalan niya. Doon lang siya natauhan ng marinig ang boses pamilyar.

"Ano ba kasing problema mo at pumunta ka pa dito? Mapanganib dito!" Bulyaw sa kanya ni azzet Tuluyan na nitong binuksan ang pintuan.

Napaatras ang dalawang bagong dating ng makita si ruru at ng estudyanteng nakahandusay sa sahig.

"A-anong ginawa mo sa kanya?!" Natatakot na sabi ni natnat. Mangilid ngilid naman ang mga luha sa mata ni ruru ng makita ito.

"H-hindi ako. W-wala akong ginagawang masama...M-may sinundan lang akong lalaki ang sabi niya kasi alam nya kung nasaan ang kapatid ko!" Nauutal na sabi ni ruru.

"Kailangan na nating umalis dito!" Madiing sabi ni azzet. "A-anong gagawin natin sa bangkay?!" Natnat

"Iiwanan natin! Hindi naman tayo ang may gawa niyan isa pa baka mapagbintangan pa tayo!" Azzet

"Ang sama mo talaga. Patay na yang tao di ka man lang maawa?!" Natnat

"Tsk. Sa panahon ngayon di uso ang awa. Dahil aabusuhin ka nila!" Sabi ni azzet tsaka bumaba na.

Sinundan din naman siya ng dalawa. Nakita nilang nakatayo si azzet sa entrance lumapit sila dito tsaka lang nila napansin na may kasama pala itong lalaki na nerd.

Gumuhit ang inis at lungkot sa napakagandang mukha ni azzet ng makita ang dalawa.

"Bakit parang nagmamadali kayo. At bakas sa pagmumukha niyo ang takot at pangamba?!" Sabi ng lalaking nerd. "K-kasi nakakatakot ang building na 'to!" Nauutal na sabi ni natnat sabay tawa pa nito.

Si ruru naman ay walang imik habang nakayuko. "Ganun ba?! Di ba kayo pinagsabihan na bawal ang pumunta sa building na ito?!"

"Walang nagsabi sa'min!" Natnat. Nabaling ang tingin ng lalaki kay azzet. "hindi mo sinabi sa kanila?!" Usisa ng lalaki kay azzet. Nagsalubong ang kilay ni azzet sa kanyang narinig.

"Kung wala man nagsabi sa inyo. Di niyo lang ba nabasa ang nakapost?!" Sabay turo ng tinutukoy nito.

Sabay sabay silang napatingin dito.
NO TRESPASSING. ENTER AT YOUR OWN RISK

"Ee ikaw ba't ka nandito?!kung alam mo namang bawal palang pumunta dito?" Sabi ni ruru.

Siya kaya ang pumatay?!-sa isip isip ni ruru at azzet

Tsk gusto ko ng umalis sa lugar na 'to!!- sa isip isip ni natnat

"Dahil nakita ko kayong pumunta dito" sabi ng lalaki tsaka pumunta sa loob ng building. Wala silang nagawa kundi sumunod dito at ipaliwanag ang totoong nangyare at kung bakit sila nandito sa black building.

_______

Twice. Enjoy reading.

Game of Death(G.O.D)*Kill The Villain*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon