10/14/2016
2:15 pm
At the school (Room 207)Today was amazing. Like Oh My Gosh! Nahawakan ko ang kamay ni Andy! Pinakilala na ako ni bestfriend sa kanya. Finally! Kinikilig ako to the highest level. But I feel odd. Bakit ganun? I should be happy right?
Oo kinikilig ako ngayon. Pero nung kaharap ko siya, di ako ganun na kinikilig? Bakit parang hindi ako ganun kasaya? I don't know what I should feel. Oo masaya ako pero iba eh.
Crush na crush ko si Andy. Supeeeer! And now, we finally got the chance to face personally. Andun ang childhood bestfriend ko (na classmate ni Andy), na witness niya ang pagsheshake hands naming dalawa. Di ko maexplain yung nararamdaman ko habang hawak niya ang kamay ko. He was staring at me, and I stared back. Buti na nga lang di ako namula eh. Let me take you guys back to the place where it happened.
*Flashback*
Earlier...
Uwian na namin ng mga 2:00 so I decided to drop by their room. Besides sa nandun ang bestfriend ko, nandun din kasi si Andy, my ultimate crush.
I don't know how it happened, I just know that my feelings for him was growing. 1st year 1st semester, I saw him with my high school classmate, Rainier. He was quite tall (well almost everybody is taller than me. 'Cause I'm like, 5'0 only), but what really caught my attention was his eyes. That beautiful brown eyes which is actually looking at me. Gosh I don't know how to react. Basta kwento ko soon.
So ayun nga, kasama ko si Tina (classmate ko) na pumunta sa room nila. Tatawagin ko sana si Astrid(childhood friend/bestfriend ko)pero di pa sila dumadating sa room. Baka di pa sila pinapalabas so naghintay muna kami sa labas.
"Oh ano be, kinakabahan kana ba?" Tanong ni Tina.
"Medyo. But no. I can do this. Aja Hwaiting!" Sagot ko.
"Oh andito pala si Carly eh. Carly! Anong ginagawa mo dito? Di ba may klase ka pa?" Si Carly ay kaklase ko rin. 11 kasi talaga kaming magkakasama kaya medyo nakakalito. But you'll get used to it.
"Pupuntahan ko lang si Yuri. Sasabihin ko di ako makakapasok kaya i-attendance nalang niya ako mamaya" she said while giggling. Hay batas talaga tong si Carly.
"Hahahaha osige. Wala pa sila eh. Antayin nalang natin. May iaabot rin kasi ako kay Astrid."
Totoo naman may iaabot naman talaga ako sa kanya. A letter which I was wrote while in Literature class. Sobrang boring kasi kaya nagsusulat nalang ako ng letter. Sinusulat ko yung mga bagay na gusto kong sabihin sa kanya pero di ko masabi personally. Pero kay Astrid ko lang pinapabasa.
"Kay Astrid ba talaga? Or gusto mo lang makita si Andy?"
"Hindi no. May iaabot talaga ako kay Astrid." Depensa ko.
Well partly gusto ko rin namang makita si Andy. Pero baka kasi kung ano isipin nun. Natatakot akong mareject or iwasan ng taong gusto ko.
"Ayan na! Pababa na sila!" Sabi ni Tina. Omg nakita ko na ang mga kaklase nila na pababa. Tumalikod ako at humarap nalang sa veranda. Kunwari tinatanaw ko ang buong school. Bigla naman lumitaw si Cherlene sa kawalan. So they ended up teasing me with Andy. Sinabi ko naman na si Astrid ang pinunta ko sa room na yun, pero ayaw nila maniwala.
YOU ARE READING
My Not-So-Interesting Life
Non-FictionThis story is based on my true life experience. Don't be afraid to post down your comments. I want to know your opinion as a reader as well. Please support my story! Thank you :)