10:04 am
Comp LabTapos na ang second subject namin kaya malamang papunta na kami sa third subject. Tuwing ganitong oras, magkatabi lang ang room namin nila Andy. Kaya tuwang tuwa ako pag hindi agad dumadating ang prof namin, dahil bawal pumasok sa CompLab kapag hindi pa dumadating si prof. Syempre tuwang tuwa ako kapag hindi agad dumadating mga prof namin.
At dahil matangkad si Andy, siya agad ang nakita ko. Nakatayo siya at nakikipag kwentuhan sa mga kaklase niya. Kami naman nagkumpulan din sa tapat ng room namin at nagkwentuhan. Syempre hindi mawawala ang panunukso nila sa akin.
Kesyo magpapansin daw ako, kesyo nakatingin daw siya saken. Jusko ako naman si tanga, namumula with matching kinikilig pa. Hindi naman ako halata masyado ano po?
Tuwing tinitignan ko siya, umiiwas siya bigla ng tingin. Kumbaga yung pag-iwas niya parang kunwari may hinahanap siyang kung ano sa kung saan. You get my point.
Kaya di ko nalang siya tinitignan gaano. Baka kung ano isipin ng mga kasama niya eh. Alam niyo naman ang mga tao ngayon, napaka judgmental. Better to be safe than sorry, right?
After 20 minutes, dumating na ang prof nila, samantalang kami ay wala parin. Malamang di na darating yun. Pumasok na sila sa classroom at nagsimula na ang panunuod nila sa video clip ng project nila na about sa buhay nila.
Niyaya ko sila na manuod nalang kami sa "Story of my Life" nila, tutal pwede naman kaming manuod kasi gawa naman ito sa glass window. Inaantay ko yung kay Astrid kasi syempre nandoon ako sa video clip na ginawa. Exposure din yun mga bes, plus nanunuod din si Andy, of course he will see me. Second to the last clip, biglang napili nung prof nila yung kay Andy.
Bigla namang kumalabog ang unkabogable heart ko, at puro panunukso ang narinig ko mula sa mga kaklase ko. Buti nalang at di naririnig sa loob ang pangaasar nila, kundi malalaman na ni Andy na crush ko siya.
Pinanood ko naman ito, and syempre napangiti ako to know something about his life. Buti pa ako may alam tungkol sa buhay niya. Saken kaya? May alam kaya siya sa buhay ko? Syempre wala, di ako mageexpect na meron. Pero kung meron man, edi hayahay ang buhay.
Natapos na ang oras nila sa CompLab. Next subject na namin at hindi ko napanuod yung kay Astrid. Baka next meeting pa daw ipalabas, tsk sayang naman ang paghihintay. Umakyat na kami ng patungo sa next class namin. Pag pasok namin sa classroom, naisipan kong lumabas muna para bumili ng pagkain. Saktong saktong paglabas ko, si Andy ang unang bumungad saken. Napatingala ako sa kanya kasi nasa harapan ko sya pagbukas ko ng pintuan.
Nagulat ako at nagulat rin siya, malamang bigla ba naman akong lilitaw sa kung saan eh. Kabute lang ang peg. Kasama niya ang mga kaklase niya, baka kakain na sila ng lunch, kasi wala silang vacant tuwing tanghali.
Mabuti nalang at nandun si Astrid kaya tinawag ko siya at niyakap. Sabi ko nalang na bibili ako ng pagkain kaya umalis na rin ako kaagad. Tsk why do you have this effect on me Andy? Mahal na ata kita eh ...
8:04 pm
At my roomOh. My. Gosh. As in Oh. My. GOOOOOOSSSSSHHHHH!!!! Finally!!!! Chinat niya ako!!!! Grabe ang saya ko!!!! Di na maipinta ang mukha sa sobrang saya!!! Thank You Lord so much!!! I feel so blessed!!!! Eto convo namin.
Convo with Andy
Andy: Hi :)
Me: Hello :)
Andy: how are you?
Me: I'm fine. How 'bout you?
Andy: I'm okay too :) it's good to hear that.
Me: likewise :)
Andy: Do you know me?
Me: uhh yes of course. You're one of my schoolmate :)
Andy: hahaha yes. Nakikita kita palagi :)
Me: me too :) lalo na pag pinupuntahan ko si Astrid.
Andy: hahaha kilala mo ba ako?
Me: Yes. We met last friday :) actually I've known you since we were first year.
Andy: really? That's cool :) uhmm. They say you wanted me to become your "friend"?
*God knows how much I want more*
Me: uhhh yes. Omg nahihiya ako :(
Andy: don't be. It's fine with me :) so friends?
Me: Yeah sure. Friends :)
End of convo
Nafriendzone ata ako mga bes? Grabe. Saglit lang kaming nagusap pero feeling ko ang dami dami naming pinagusapan. Di ko alam pero nababaliw na ata ako. Yung recent posts ko nilike niya. Ayiiiiie napansin na niya ako finally. Ang saya pala sa feeling ng ganito. Kahit friends lang kami, I know may pagasa pang maglevel up ang samahan namin. This is my stepping stone to victory. Pero hindi muna ako magaassume. I'll just go with the flow. Kung ano man ang mangyari sa amin, bahala na si Papa God.
Sa ngayon, magdidiwang muna ako sa tagumpay!!!
--
YOU ARE READING
My Not-So-Interesting Life
Non-FictionThis story is based on my true life experience. Don't be afraid to post down your comments. I want to know your opinion as a reader as well. Please support my story! Thank you :)