Chapter 33 - The Forgotten Affection

120 8 2
                                    

Happy 2 k reads guys! Mahal na mahal niyo talaga ako. Joke syempre ang story hahahaha, tsaka salamat sa patuloy na suporta. Hahahaha puro na ako tawa.... And stay updated lang! Sorry may exam ako ngayon kaya isa isa lang muna ha! Salamat talaga tsaka babawi ako!.

-THE AUTHOR








Red's Pov





"Pero anong ginawa ni Alicia kay ama? Bakit siya mag mamakaawa sa taong wala namang ginagawa sa kanya?" magulong tanong ng utak ko at mahinahon pa rin namang nagsalita si Sir Galnet habang nakaupo ito.





"Dahil si Alicia, ay nakakakontrol ng mga nilalang. Kung sasabihin niya, masusunod. Kung nanaisin niya, mangyayari. Yun ang kapangyarihan niya." mahinahong paliwanag nito at napaupo na lamang ako sa upuan habang hawak ang noo ko.





"Kung ganoon, bakit hindi pinapatay ni Alicia ang lahat ng Guardians kung may kontrol siya? Para siya na talaga ang maging pinuno ng lahat?" tanong ko pa dito at hindi na lamang ako nilingon ni sir Galnet.





"Yan ang hindi ko masasagot sa lahat ng katanungan mo iha. Basta ang alam ko, may pakialam din naman si Alicia sa balanse ng mundo kagaya natin. At, makakaalis ka na. May babantayan ka pa hindi ba?" tanong nito sa akin at wala din naman akong magawa kundi ang lumabas sa opisina nito at bisitahin sila Hale sa kwarto nila.






"Anong oras pa ba kayong gigising?" tanong ko sa kanila habang patuloy ko lang na hinahaplos ang buhok ni Hale.







Makalipas ang tatlong linggo.........














Hayven's Pov





Halos tatlong linggo ko na ring hindi nakikita si Shaun. Hindi ko maintindihan kung bakit bigla na lang itong nawala samantalang ok naman kaming dalawa nang nakaraang araw.





"Oh Hayven! Bakit ka ba malungkot?" nakangiting tanong sa akin ni Farrah at tinabihan na lamang ako nito.





Umiwas na lamang ako sa kanya at wala na lang akong sinabi dito ng bigla na naman siyang kumuha ng yosi niya at nagsindi sa harap ko.





"Namimiss mo na ba si Shaun?"  tipid na sagot nito at tumango na lamang ako. "Natamaan ka na rin pala." dagdag pa niya at mahina naman akong nagsalita.





"Iniisip ko lang kung bakit wala siya, tsaka sila Chandler, kung bakit bigla na lang silang hindi nagpakita." sagot ko kay Farrah at ngumiti na lamang ito.





"Magpapakita din naman yun, si Shaun pa na patay na patay sayo." pagkatapos niyang sabihin ang mga katagang iyon ay tumayo na lamang siya sa kanyang pagkakaupo at naglakad nang papalayo hanggang sa tumigil na lamang ito.





"Baka interesado ka lang pala sa sasabihin ko. May bagong estudyante nagtransfer sa Surnaturel, and he's from your School honestly. Maybe he knows you or you know him." Saad nito at nagtaka na lamang ako sa sinabi niya pagkatapos nitong umalis.





Sino naman ang taong pwedeng lumipat sa Surnaturel na same school ko na wala din naman akong kaclose doon?





Habang nag iisip ako ay tumayo na lamang ako mula sa pagkakaupo at pumunta na lamang ako sa  classroom namin ng bigla akong tawagin ng isang pamilyar na boses at napalingon na lamang ako.





ETERNALLY YOURS: Surnaturel UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon