**Bakit meron sya nito? ‘Wag mo sabihin s’ya ‘yung nagbibigay ng notes sa ‘kin?!
Nagmadali akong lumabas, baka sakaling mahabol ko pa s‘ya. Kaso nilibot na ng mata ko ang buong kalsada hindi ko na s‘ya makita.
Umuwi ako na dala ang stick note. Bakit? Paano? Ang sakit na ng utak ko kakaisip kung bakit may sticky note si Roey. Imposible naman na sya ung nagpapadala sa ‘kin ng signs? Tss!
Hanggang sa makahiga ako hawak ko pa rin ‘yung stick note.
“Hmm. Si Roey nga kaya nagpapadala sa ‘kin? Hindi pwede. Ayst! Ewan ko! Naguguluhan na ‘ko! Baka naman my project sila tapos kailangan nila nito?”
Grr! Napahawak na lang ako sa buhok ko. Talagang ayaw ako patulugin no’ng stick note na ‘to!
**
Kinaumagahan. Maaga akong nagtungo sa bahay nila Jhai. Para sabihin ung stick note na un.
“Jhai! Jhai!” Sigaw ko sa labas ng gate nila.
“Eto na! Ba ‘yan ang aga-aga ang ingay-ingay!” Pagmamaktol niya. Sipain ko kaya ‘to one time lang. Ang aga-aga ang init ng ulo.
Pagbukas niya ng pintuan ng gate nila nakita kong lumabas si-si ano nga ba ‘to?
“Hi, Ms. Samantha.” Bati sa ‘kin ni.. ah! Ni Pao! Boyfriend ni Jhai.
Ngumiti ako sa kaniya. “Hi.” At nag-hi rin.
Sunod na lumabas si Jhai at tumingin sa ‘kin ng nakakaloko. “Oh? New look ka ah. Bagay sa ‘yo. Talagang nagpapaganda ka ah. Haha! Tara na pasok na tayo.” Pang-aasar niya.
Habang naglalakad kami papuntang school naglalandian 'tong dalawang 'to o nag-aaway? Nauuna akong maglakad sa kanilang dalawa. May pinag-uusapan yata na private. Tss none of my business.
“Jhai! May sasabihin pala ako. Kasi kagabi kumakain ako sa Jollibee. Tapos may naglagay na naman ng note sa cup ng coke ko. Tapos maya-maya dumating si Roey. Naki-table sya sa ‘kin. Tapos no’ng nagkahiwalay na kami umorder ako ulit ng iti-take-out ko pagbalik ko ro’n sa upuan namin nakita ko ‘to oh.” Inilabas ko ‘yong isang makapal na stick note at ipinakita sa kaniya.
Pagkasabi ko no’n sa hindi malaman na dahilan ay nagkatinginan silang dalawa.
Nakita kong lumunok si Jhai. “Patingin nga.” Sabay agaw no’ng note. May pagka-bastos talaga ‘to.
“Ba’t bigla mo naman inagaw! Eto talagang babae na ‘to!”
Napansin ko na tinititigan niya ng mabuti ‘yong hawak niyang makapal na note.
“Tss. Eh-ahm. Ano-eh ano naman mayroon dito?!” Tanong niya habang pawis na pawis. Hindi pa naman nakakapaso ang init ng araw ah. Ang weird niya talaga ngayon.
Muli ako lumingon sa dinaraanan ko habang sinisipa ‘yong tansan na nakita ko lang sa sahig.
“Eh, baka kasi si Roey ‘yong nagbibigay sa ‘kin ng notes eh. Pansin mo kada makakahuha ako ng sign lagi s‘yang sumusulpot?” Paliwanag ko sa kaniya.
“Ah. ‘Yon ba?” Naisagot niya lamang.
“Ah! ‘Yan ba, Norie? Eh halos lahat kami mayroong stick notes eh. Eto oh.” Singit naman bigla ni Pao sabay pakita n’ya sa ‘kin ng isang mapakal na stick note.
Tumango na lang ako. Baka nga lahat sila mayroon nito. “Ah! Gano’n ba? Hmm sige na nga, pero akin na ‘yan. Ako na magsasauli kay Roey.” Sabay hablot ko no’ng note kay Jhai.
![](https://img.wattpad.com/cover/9771261-288-k220308.jpg)
BINABASA MO ANG
10 Signs Na Crush Ka Ng Crush Mo
RomanceKung sino man si Sign Sender. I'm gonna thank him :)