**
Nilingon ko ang buong paligid ng store. Hindi ko rin nakita kung sino'ng crew ang naghatid ng order ko para mapagtanungan kung may kinalaman siya sa kung sino ang nagdikit nito?
Hanggang fast food ba naman sinusundan ako ni Secret! Tss.
Third Sign
3. Try to talk to him and let us see kung interesado rin s'yang makipag-usap sa 'yo.
Mukhang hndi ko yata kaya 'to? Kakausapin? Titig nga lang hindi ko makatagal ih. Kausapin pa kaya? Tss! Saka paano ko naman gagawin 'to? Ang sakit sa ulo! Mamaya ka na nga!
Itinabi ko na sa bag ko 'yong note at kumain na.
*bzz.bzz*
Binitawan ko 'yong spoon and fork na hawak ko para sagutin 'yong tumatawag.
"Hello, Jhai bakit?"
"Nasa'n ka, Norie?"
"Nandito sa Jollib-"
"Miss, pwede maki-share ng table?"
Narinig ko mula sa aking likuran. Tinignan ko 'yong ibang upuan. Occupied na nga. Ako lang naman ang tao rito sa table kong may isa pang bakanteng upuan kaya..
"Sure, sige-"
Nailapag ko na lamang sa mesa ko 'yong aking phone at natulala. Hindi na 'ko nakapagpaalam kay Jhai kasi.. kasi!
"Norie, ikaw pala 'yan!"
"Uy! Roey, nandito ka rin! Oo nandito ka nga! He-he!"
Taenes! Ano'ng ginagawa niya rito?! Pa'no ako makakakain ng ayos nito kung nandito siya? Pa'no ako nganganga ng malaki sa harap niya? Paano ako ngunguya? Iinom ng hindi siya mati-turn off? Bahala na!
"U-upo ka, Roey." Nanginginig kong alok.
Umupo na siya sa harap ko. Letche! Hindi ako makatingin sa kaniya! Ang pogi niya talaga!
Pe-pero ba't ba ang laki ng ngiti nitong lalaking 'to tapos ayaw pa 'kong alisan ng tingin-shit!
Dali-dali kong kinuha 'yong salamin ko sa bag at tumalikod sa kaniya. Pakshit may rumi yata ako sa mukha kaya nakatitig lang siya sa 'kin. Oh no! Turn-off 'to! Hindi pwede!
"Ahm. Bakit, Norie may problema ba?" Nabigla ako sa pagtanong niya.
"Ah. He-he. Eh kasi baka may rumi ako sa mukha simula kasi nang umupo ka riyan nakatingin ka lang sa mukha ko."
Sunud-sunod kong sagot sa kaniya. Wala naman akong nakitang mali sa mukha ko-
"Ha-ha! 'Yun ba? Ang ganda mo kasi ngayon. Bagay sa 'yo 'yang bagong ayos ng buhok mo."
Napahigop na lang ako bigla sa coke ko. I didn't expect na sasabihin niya 'yon sa 'kin nang harap-harapan!
"Uy, dahan-dahan. Okay ka lang ba talaga, Norie?"
Sa totoo lang hindi ako okay, Roey! Pa'no ako magiging okay kung pakiramdam ko aatakihin ako sa puso sa sobrang pagpapakilig mo?!
Ngumiti ako sa kaniya ng pilit at.. "O-oo naman! Okay ako! Ba't naman hindi 'di ba? Okay ako. Okay na okay."
"Sure ka ha? Sige. Kain na tayo."
Woh! Kilig alert! Letche! Ang pogi niya talaga!
Habang pabebe akong kumakain.
Try to talk to him and let us see kung interesado rin s'yang makipag-usap sa 'yo.
Walang anu-ano'y pumasok 'yong third sign sa utak ko. Napansin ko lang kada makakakuha ako ng note bigla-bigla na lang sumusulpot 'tong si Roey.
Hindi kaya-tsk! Ano ba 'to si Roey nakatitig na naman!
"Bakit ka na naman nakatingin?" Grabe ah! Sumosobra na sa pagtitig 'tong si Roey ko. Masyado na s'yang nagagandahan sa 'kin-
"May catsup 'yong pisngi mo."
Nanlaki na lamang ang dalawang mata ko sa narinig. Hutanghina! Isa sa pinaka-ayaw kong mangyari ito!
Hindi na ako makagalaw. Tinignan ko 'yong tissue sa mesa pero hindi ko makita. Napansin ko na lang na may kung anong dinudukot si Roey sa bulsa niya.
"Pupunasan ko ha? Okay lang?"
Oh! Praise the Lord! Hallelujah!
"O-oo naman." Malandi kong sagot.
Para kaming couple! Tae! Expect the unexpected talaga!
Malapit na kami matapos kumain. Sobrang gentle niya talaga. Ang dami kong tawa sa kanya habang nag-uusap kami. Hi-hi! Sa sobrang sarap niya kasama hindi ko na namalayan 'yong oras. 9pm na pala. Tsk! Kaylangan ko na umuwi yari na 'ko kay mama.
Ayaw ko man matapos ang gabi na 'to dahil sa siya ang kasama ko kaso kaylangan ih.
"Ahm, sige, Roey. Uuwi na ko." Pamamaalam ko sa kaniya.
Tumayo siya at.. "Sabay na tayo?"
Wut?!! Sabay?!
Oo, Norie. Sabay kayong uuwi, sabay kayong lalabas ng store 'yon lang! 'Wag kang assuming!
Tumingala ako sa kaniya. "Sabay tayong lalabas ng store?" Tanong ko.
"Ihahatid kita sa inyo." Pag-alok niya. Tae! I can't take it na talaga! Gusto niya rin ba 'ko?!
'Wag ka muna pa-easy to get, Norie. Okay? Magpakipot ka muna.
"Ay hindi na, Roey. Okay lang ako. Malayo 'yong bahay ko sa uuwian mo baka mapano ka pa sa daan." Pakipot ko.
Tumingin siya sa 'kin. "Hmm, okay sige."
Eh? Pumayag nga ang loko. Nagpapakipot lang ako ano ka ba? Tara na! Sabay na tayo?!
Asar! Bakit kasi nag-inarte ka pa Norie?! Blessing na tinanggihan mo pa!
'Di bale alam ko may next time pa. "He-he! Sige ingat na lang. Thank you sa fries." Sinagot ko na lang habang kumakaway sa kaniya papalayo.
"Sige! Ingat! Kita na lang tayo ulit bukas."
Pumalakpak ang tainga ko sa aking narinig. Yes! Magkikita kami bukas! "Sige!" pamamaalam ko.
This is the day ever! OmyGod! ! Hindi na 'ko makahinga sa sobrang pagpipigil ng kilig ko kanina. Wah! I love you na talaga Roey!
Habang pinanonood siyang papalayo mula sa 'kin isang mahabang paghinga ang pinakawalan ko. Tae, aatakihin yata ako sa puso. Di bale okay lang atakihin ako basta siya ang dahilan!
Bago ako tuluyang umalis ng store i bought something to take out at bumalik ako sa upuan ko kanina pero do'n na sa upuan ng papa Roey ko at isang nakagigimbal na lamang ang nakita ko bago ako umupo doon
.
"PACKED OF STICKY NOTE?"
![](https://img.wattpad.com/cover/9771261-288-k220308.jpg)
BINABASA MO ANG
10 Signs Na Crush Ka Ng Crush Mo
RomantiekKung sino man si Sign Sender. I'm gonna thank him :)