The Continuation....

4.5K 39 6
                                    

Hello! Sorry kung pangit yung update ko kagabi ha? Kase naman nagmamadali ako... Sana makabawi ako ngayon... :))

Mwahahaha. Magalit kayo kay Danna! Masyado syang feeling!! Di muna se magtanong.. LOL. Joke. Haha. Nagalit?? Oh well.. ComVo and be a fan!!! :DD

---------------------------------------------------

(Kath's POV)

Andito na ko ngayon sa kotse ni julia.. Di ko na napigilan ang mga luha ko.. Iyak na ko ng iyak, napahawak na ko sa bibig ko para hindi umingay dito. Sobrang hagulgol na ko.. Kase naman eh. Ang sakit sakit talaga.. Alam mo ba yung feeling ng mahal mo ikakasal na sa FRIEND mo pa?? Ang sakit sakit... T_T

Sis? Sorry... Sorry kung di ko agad sinabi sayo, kase alam ko ganyan lang mangyayari.. Gusto ko kase ikaw na mismo makakita. Para isang bagsakan nalang yang sakit na nararamdaman mo.. Sorry talaga... Pagsosorry ni julia sakin.. Niyakap nya ko bigla, hinagod hagod anglikod ko... Sige lang sis. ilabas mo lang yan... Iiyak mo lang...

Julia.... Ang sakit sakit talaga... Ayoko na... Gusto ko nang mawala dito... Hindi na biro tong nararamdaman ko. Sobra sobra nang sakit!!

------------------------------------------------

(Daniel's POV)

Hindi ako mapakali. Di maalis sa isip ko si kath.. Alam ko nasaktan sya.. Pero eto naman talaga gusto ko diba? ANg gumanti sa ginawa nya? Diba dapat masaya ako kase nararamdaman na nya yung sakit na naramdaman ko? Pero bakit ganto nararamdaman ko, gusto kong hanapin sya, puntahan sya? Aisht! 

Babe?! Uy! Ha? May sinasabi ba si danna? Nakalimutan kong magkasama nga pala kami ngayon...

H-ha? Ano? 

Di ka naman nakikinig eh.. May problema ka ba? May masakit ba sayo? Meron. Puso ko.. Kanina ka pa tulala eh.. 

Ha? W-wala.. May naalala lang ako.. Ano ba yung sinasabi mo??

Sabi ko, samahan mo ko mamaya.. Tignan natin yung lugar na paggaganapan ng reception natin. 

Ah.. Anong oras? 

Maya-maya. After natin dito...

Ha? Uhm.. Ikaw nalang muna.. May kailangan lang akong puntahan eh..

Ha? Saan naman?! Babe kailangan na natin ayusin to... Aren't you excited ha??

Sige na.. Bawi nalang ko next time. May kailangan lang akong asikasuhin.  Sige na sige na.. At hinalikan ko sya sa noo.. At umalis na..

Babe! Wait! Bumalik ka nga! Ano ba! DANIEL!!!

Di ko nalang sya pinansin at umalis na ko... Ang totoo di ko alam kung saan ko makikita si kath ngayon... 

-------------------------------------------------------------

(Kath's POV)

Dito nalang ako. Sabi ko kay julia.. Nagpapaiwan nlang muna ko dito sa park..

Ha? Bakit? Umuwi ka nalang muna... 

Di na, maya nalang. Gusto ko munang makapagisa.. Please. Sabay baba sa kotse

Sigurado ka ba sis? Sige, Just text me nalang ha when you need something... Nagnod nalang ako at ayun umalis na sya...

Eto ako ngayon, sa may cupid's fountain.. Umiiyak. Pinagtitinginan ako ng mga tao dito pero wala akong pakielam.. Bakit sila lang ba may karapatang masaktan at umiyak?? Tumingin ako kay cupid...

Bakit naman ganun?? Humiling ako para sa ibang tao maayos mo naman yun binigay? Bakit nung para sa sarili ko naman ganto? Bakit sobra kong nasasaktan? Wala naman akong ginawang nakasakit sa iba ah?? Bakit kailangan ko magdusa ng ganito???? Masaya ka na ba ha?! Eto na! Ang sakit sakit! SObra Sobra! ANo pa bang gusto mo???? 

At napayuko nalang ako.. Yung left hand ko nakatakip sa bibig ko habang yung right nakahawak sa edge ng fountain.. Iyak padin ako ng iyak.. Ang sikip sikip ng dibdib ko.. Parang gusto ko nang sumabog sa sakit.... T_T

<Patugtugin nyo yung song jan sa gilid ---------------------->

Para mas nakakaiyak :DD> Emote emote Din :))

Ang tagal tagal kong umiiyak... Nang biglang...

Kath. May tumwag sakin.. ANg boses na yun.. 

-----------------------------------------------------

(DJ's POV)

Nagiikot ako ngayon.. Baka sakaling makita ko si kath. Wala sya sa bahay nila, sa shop, sa bahay ni julia.. Tinawatagan ko CP nya nakaoff naman... Haist. Asan na ba yung babaeng yun?! 

Teka....

May isang lugar pa kong di napupuntahan..... Sa park.. Dali-dali akong nagpunta sa park. AT pagkadating ko...

Di nga ko nagkamali.. Andito sya... Kaya nilapitan ko sya ng dahan-dahan,, At tinawag..

Kath. Napaangat ang ulo nya... Lumingon sya sakin.. Nagulat ako dahil pulang pula ang mga mata nya.. Basang basa ang mukha nya ng luha...

Daniel? Sabay punas ng luha nya.. naku pasensya kana ha? Hehe. ANo kase. Masyado kase akong naiistress sa work ko.. Kaya ayun..  Bakit ka nga pala andito? Aah.. Oo nga pala.. Dito nga pala yung Resto po.. Hehe. Uhm sige ha? ALis na ko.. Tanong nya sagot nya.. Haay naku! Nakatitig lang ako sa kanya.. Pero hinawakan ko sya sa braso nya at pinigilan syang umalis..

Pwede ba tayong magusap? Nagulat sya sa tanong ko..

Ha? B-bakit? Tungkol saan? Sa gown ba yan ni Danna? Don't worry gagawin ko na mamaya.. Kaya si--- Di ko na pinatapos sasabihin nya..

Haist! Tungkol sating dalawa! Naiinis na kase ako eh.. Patay malisya pa sya... 

Okay... Yun nalang sagot nya. 

If ever you're in my arms again &lt;3 (A KathNiel Love story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon