MWYNoted

18 3 4
                                        



Arah's POV

Today is Monday at maaga akong gumising. Kailangan eh! No choice.

Napahalumbaba ako sa bintana ng bedroom ko. Nakabihis na'ko for school pero maaga pa naman eh. Napabuntong hininga ako, wala lang... hindi ko lang maisip na one week na ang nakaraan back on the day na isinigaw ko sa buong campus kung gaano ko siya kamahal.

Napabuntong hininga ulit ako nang maisip kong 4th aniv. na pala ngayon ng paghahabol at panliligaw ko kay Zack. Napangiti ako. Ako na nga yata yung itinakda. Naisip niyo yun? Tumagal ako ng four years. Kasi ako imagine na imagine ko yun. And instead of being sad I'm happy really happy. Kasi parang yung 4th aniv. na'to eh parang 4th aniv. narin namin ni Zack in a relationship.

Natatawa tuloy ako sa naiisip ko. Si Zack kung magpakipot akala mo bababe eh! But it's ok! I know he also loves me, ayaw niya lang talaga sabihin. TORPE.

Tumunog yung phone ko sa kama, isang sign na aalis na'ko patungong school kaya kinuha ko agad yun and bumaba na,"Ma!" tawag ko, "Ma, alis na'ko. Bye! Dun nalang ako sa school magbe-breakfast." hinalikan ko si mama sa cheecks at tumakbo na paalis. Si papa siguro maagang umalis yun, marami na naman sigurong aasikasuhin sa company.

Sumakay na ako ng kotse.

Huminto yung kotse sa harap ng school, "Eto ho, manong." abot ko sa bayad. "Salamat." bumaba na ako sa kotse at dumiretso na sa main gate.

"Arah!"napalingon lingon naman ako sa paligid, "Bes!" tawag ko kay Alyanna ng makita ko siya. Tumakbo agad siya at nagyakapan kami.

"Buti naman! Akala ko absent ka na eh! Kanina pa kaya kita hinihintay!" sabi niya habang naka-nguso. Hahahha!

Napatawa ako sa reaksyon niya, "Kanina pa pala..oh edi tara na! Baka ma-late pa tayo!" hihilahin ko sana siya pero pinigilan niya ko, "Teka lang Arah.. wala tayong pasok. Yieee!" pigil niya sabay tili.

"Bakit naman?" kunot-noo kung tanong

Hinila niya ako sa bench at umupo kami doon, "Eh kasi nga daw may meeting ang mga teachers ng 4th year dep. kaya ayun!" page-explain niya.

Napatango-tango nalang ako. Oh edi masaya! "Aly..."tawag ko sa kanya. Tumingin naman siya sa akin ng nagtataka. "Naiisip mo ba ang naiisip ko?" taas babang kilay kong tanong habang nakangisi ng nakakakloko. Lumiwanag naman bigla ang mukha niya ta tumayo, "OO NAMAN!" hinila na niya ako at pumunta kami sa harap ng dance studio room.

Dito talaga kami nagkakaintindihan eh! Hindi kami ang sasayaw... Napatakip naman ako sa bibig ko habang pinapanuod ang nagsasayaw. Gosh! Ang hot mo Zack! Eh kasi naman dance troup member si Zack at si Dale, ang crush na crush ni Aly. Tiningnan ko naman ang best friend ko kung buhay pa ba....at ayun! huli! Pinipigilan ang pagtili.

Eh kasi walang nakaka-alam na pumasok kami sa studio, hindi naman sa bawal pumasok ayaw lang talaga naming ipaalam. Nakatalikod sila sa'min habang sumsayaw at naka-upo kami sa sulok malapit sa mga upuan ng dancers. Natapos na ang pagsasayaw nila at nakita kong papalapit si Zack sa pwesto namin.... Ay! sa mga chairs pala kaya agad akong tumayo at mukhang nagulat naman siya kasi napatigil siya na parang nakakakita ng multo. Yung ibang members ay lumabas na pati ang best friend ko, siguro sinusundan na naman nun si Dale.Kinuha ko ang water and towel niya sa chair at lumapit sa kanya, "Zack..." ngumiti ako at ibinigay ang towel at tubig. I saw him also smile!! waaaa! Pero agad-agad na nawala yun kaya napasimangot ako.

"What are you doing here?" cold niyang tanong. Napasimangot na naman ako. He's acting cold this days or maybe.... always? Napangiti ako ng mapait pero hindi ko pinahalata. "Maybe to watch you dance?" I said sarcasticly. He smirk, "I'm not dancing anymore so you can go." isinarado niya ang water bottle at umupo sa chair habang pinupunasan ang batok.

Ouch. Pinapaalis niya ako. Tumingin siya sa akin at pagkatapos ay sa pintuan, "Go..." sabi niya at ibinalik ang atensyon sa pag-inum ng tubig.

Nasasaktan ako, Oo pero ayoko yung ipahalata, "What if I don't want to?" matigas kong tanong. Hindi ako gumagalaw at nakatingin lang sa kanya ng diretso. Nakita ko na naman ang cold niyang mata, "Then, I will be the one to go out." walang emosyon niyang sabi at akmang tatayo na ng magsalita ako, "Zack please... stop this..." I look at him straight in the eye.

"Stop what?" humarap siya sa akin.

"Bakit ba ang hirap mong mahalin?" naiiyak na ako pero pinipigilan ko.

He smirk, "Hindi kita inutusang mahalin ako." tumalikod siya at binuksan ang pintuan then lumabas. Natulala ako at ang luhang kanina ko pa pinipigilan, wala na... nag-unahan na sa paglabas. Oo. Umiiyak ako, umiiyak ako kasi nasasaktan ako. Nasasaktan akong malaman na, wala siyang pakealam sa feelings ko.

Lumabas ako at tumakbo ng tumakbo sa feild. Bigla namang buamagsak ang ulan. Napatawa ako ng mahina, sinasabayan talaga ang lungkot ko. Bawat patak ng ulan ay ang pagpatak din ng luha ko. Takbo lang ako ng takbo, I don't know where to go. Ang alam ko lang nasasaktan ako ngayon. Maraming mga estudyante ang nagsilabasan pero wala na akong pake!

"Bakit ba ang hirap mong abutin Zack?!" sumigaw ako ng napakalakas kasabay ng pagbuhos ng malakas na ulan. Napaupo ako sa ground at isinubsob ang ulo sa tuhod ko at duon mas lalong umiyak habang hindi pa rin tumitigil ang ulan. Teka? Umuulan pa naman eh pero bakit...bakit parang hindi na ako nababagsakan ng tulo ng ulan?

Inangat ko ang ulo ko at nakita ang isang payong na hawak ng isang lalaki. Napatayo ako at niyakap siya, "Zack.." banggit ko sa pangalan ng lalaking niyayakap ko ngayon. Nagulat pa ako ng hindi niya tinanggal ang mga kamay ko at hinayaan niya lang akong yakapin siya. Napangiti ako ng ma-realize ang nangyayari.

Yakap ko si Zack sa gitna ng feild sa ilalim ng ulan. Ang saya ko. Ang saya saya! Isang Zackary Lei ang yakap ko ngayon. Parang nagkaroon na ng resulta lahat ng effort ko. Matagal kaming nasa ganoong posisyon hanggang sa gininaw na ako kaya hinila na niya ako at sumilong. Bitin naman oh! Okay lang yung ginaw Zack, basta kayakap kita. Sasabihin ko sana yun sa kanya pero nanginginig na talaga ang labi ko sa ginaw.

Napailing naman siya habang.... tumatawa ng mahina? tumatawa siya?!

"Bakit ka tu-tu-tunatawa...?? brrrrr..." giniginaw kong tanong.

I saw amusement uin his eyes, "Oh eto" abot niya ng isang bagay.

"Ano brrrr....naman yan?" taka kong tanong. Waaahhh! Brrrrr... ang ginaw na talaga.

"Jacket" casual niyang sagot. Hindi man lang ba siya giniginaw? eh nabasa din kaya siya kasi niyakap ko siya!

"Brrrr! Ano namang brrr...,gagawin ko diyan?" tanong ko ulit.

"Subukan mo kayang kainin? Baka pwede" sarcastic niyang sagot. Napa-nguso naman ako. Masungit parin siya.

Napatawa naman siya at isinuot ang jacket sa akin. Aahhh... hindi ko 'to naisip. Natatanga na ako! Nayakap ko lang si Zack nakalimutan ko na ang mga bagay-bagay. Tsk.

"Sa--brrr..salamat." ngumiti ako sa kanya at yumuko. Waaah! namumula ang pisngi ko!

Agad naman akong napa-angat ng ulo ng maisip kong basa din pala siya, "Paano ka? Basa karin eh!"

"Niyakap mo kasi ako." namula naman ako ng maisip ko yung ginawa ko kanina.

Tumawa siya at ginulo ang buhok ko, "It's okay, magbibihis nalang ako. Geh!" lumakad na siya papuntang locker room ng boys. "By the way, were not friends already." sigaw niya bago pa mn siya makalayo. "I didn't smile and I didn't laugh." pahabol pa niyang sabi at tuluyan na talagang umalis. Mukhang seryoso siya.

Napangiti nalang ako. Hindi pa daw magkaibigan? eh? Anong tawag dun? Kinurot ko naman ang pisngi ko ng maka-layo na si Zack. Hindi kasi ako makapaniwala eh!

Totoo nga! Nasaktan ako eh! So totoo yun! Waaaahh!! ang saya ko! This day is noted.

Tumigil na ang buhos ng ulan at nag-ring na din ang dismissal bell.

I am Arah Lin Buenafort and I am the Ms. Worthy for you Zackary Lei and I will prove that. I smiled to that thought...

******

A/N: Okay lang ba yung chapter? I hope nagustuhan niyo. Vote and comment para sa next update. Yay! Thanks!!

Follow me @typhooncute10

Ms. Worthy for YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon