#MWYNewFriend

13 2 0
                                    


Arah's POV

12:00 na ng gabi. Take note ah! Pero buhay pa din ang diwa ko at nagagawa pang humarap sa laptop at mag-stalk.

Ewan ko ba kung ba't di ako makatulog,, siguro dahil duon sa kanina. Nag-iinit ang pisngi ko sa tuwing maalala ko yun.

Oh Gosh! Hala?! Napabalikwas ako sa kama at agad nag tungo sa laundry room namin. At nakita ko duon si Manang, "Manaaaaaaaannnnnnnggggg!!!!" pagpigil ko sa kanya. Mukhang nagulat siya at napatigil. Hinablot ko kaagad yung damit na sinuot ko kanina na dapat ay ilalagay na sa balde ni manang para labhan na.

"Arah, lalabhan ko na. Ano ba nangyayari sa'yo bakit ka ba sigaw ng sigaw diyang bata ka ha?" pinipilit agawin ni manang yung damit, "Akin na nga yan.. lalabhan ko na! bakit mo ba niyayakap yan? ayan! Basa ka na!" pagsaway niya. Eh kasi habang pilit niyang inaagaw ang damit itinatago ko 'to at niyayakap para hindi niya makuha.

"Manang! Huwag niyo tong labhan! Mahal ko 'to." yakap-yakap ko pa rin ang basang damit.

"Haay! Ano ba nangyayari sa'yo bata ka! Damit lang yan! Mabaho na yan kaya lalabhan ko na. Akin na," inilahad ni manang ang kamay niya na para bang hinihintay ang pag bigay ko ng damit.

Mas laloko pang niyakap ang damit, "Huwag nga sabi manang, may sentimental value 'to"

Bumuntong hininga si manang na para bang sumusuko na, "Haay! Ewan ko sayong bata ka! Pati ba naman damit?! Naka-drugs ka ba?" nanlaki ang mata ko sa sinabi ni manang,"Manang naman! Hindi ako nagda-drugs! Ayoko lang talagang palabhan 'to kasi andito yung amoy ni Zack, remembrance. Yieee!" tili ko naman habang naisip ko yung kanina. Waaah! Hindi ko na talaga kaya 'tong kilig!

"Abnormal ka talagang bata ka! O siya! Bahala ka diyan. Matulog ka na at gabi na."

Ngumiti naman na ako na parang batang binilhan ng candy ng nanay niya," Okay manang! Thank you!! Good night! muwahh!" Tumakbo na ako patungo sa kwarto gphabang dala-dala ang damit na basa.

Umupo ako sa bedside ko at inamoy-amoy yung damit. Hmmm ang bango talaga ni Zack. Inihiga ko ang katawan ko na para bang ninanamnam ang amoy ng damit. Grabeh! Ang saya-saya ko ngayon. Para bang 'tong araw na 'to ay nakalaan para sa'min ni Zack?

Haaayyy.... grabeh talaga. Hindi ako makapaniwala, sana hindi na matapos 'to. Pinitik ko ulit ang noo ko upang masiguro na hindi ba talaga ako nananaginip, at ayun! Nasaktan ako so meaning totoo! Totoo talaga 'to! At kung panaginip mn 'to at yung kanina sana hindi na ako magising.

*****

The next day excited akong gumising. Parang ang saya lang pumasok eh. Haayy... talaga namang lakas ng tama ko dun. Nagmamadali akong bumangon kahit maaga pa naman. Ginawa ko agad ang morning pangpaganda ko (hahaha! imbento ko lang). Pagkatapos ay bumaba na ako at naabutan si manang na nagluluto sa kusina.

"Good morning, manang!" nakangiti ko siyang binati at ngumiti rin siya, "Uy, good morning, nak. Ang aga mo ata ngayon nagising?"

Ngumiti lang ako sa tanong niya. "Aaah... manang, Si mama?" hinila ko ang upuan at umupo, nakapahalumbaba kong pinapanuod si manang na nagluluto ng breakfast.

"Mama mo? Hindi pa ata nagising. Mukhang pagod, gabi na kasi nakauwi papa mo, hinintay yun ng mama mo siguro." sagot ni manang habang inilalagay ang mga fried eggs sa plato at ipinatong sa mesa.

Napatango-tango nalang ako. "Aaahh manang, ligo muna ako tapos baba lang ako mamaya pag kakain na ng breakfast." tumayo na ako at lumakad na papunta sa kwarto ko. Maliligo na ako.

Pagkatapos kung maligo ay bumaba na ako. Naabutan ko si mama at papa. Nilapitan ko si papa na nakaupo sa favorite spot niya habang nagbabasa ng news paper at umiinom ng kape, "Good morning, Pa!" hinalikan ko siya sa pisngi. "Good morning, princess." ngumiti naman si papa at bumalik na sa pagbabasa ng news paper.

Ms. Worthy for YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon