Chapter two: Tita yannie.

16 0 0
                                    

Cassandra's pov.

"P-po?" Sagot ko sa babaeng nasa harap ko habang pilit pinupunasan yung luha ko.

"Cass ija can't you remember me?So sad" Sabi nya habang nakahawak pa sa dibdib nya pero nakangiti parin sya.

Parang pamilyar nga yung muka nya..

Medyo hawig din sila ni mama..

Hindi kaya..

"T-tita y-yannie?" Hindi ako sure sa sagot ko dahil halos magli-limang taon ko ng hindi nakikikita at nakakausap si tita mula nung lumipat kami.

"Oh haha im glad that you can still remember me ija" sabi nya tsaka lumapit sakin.
Si tita yannie. Sya yung palaging tinatakbuhan ko kapag sinasaktan ako ni kuya. Sya narin yung tinuturing kong pangalawang magulang dahil nung namatay si mama sila yung kumupkop samin dahil nasa malayo ang kamaganak ni papa.

"Why are you crying ija?sinaktan ka na naman ba ng kuya mo?" Tanong nya.Nagbabadya na naman yung luha ko dahil sa mga bagay na bumabalik sa isip ko.

Pinunasan ni tita yung luha na galing sa mata ko tapos niyakap nya ako.

Napahagulgol ako ng iyak dahil sa paraan ng pagyakap sa akin ni tita pakiramdam ko buhay parin si mama..

"Talaga yang si peter pipingutin ko talaga yan!palagi nalang nya sinasaktan ang baby girl ko!" Natawa ako ng mahina dahil sa sinabi nya.

Baby girl..namiss ko yung tawag sakin ni tita na ganun.

Yumakap ako pabalik sakanya hanggang sa matapos akong umiyak.
Nakakahiya nga kasi nabasa ko yung balikat nya.

"Sorry tita basang basa ka na po" sabi ko tapos yumuko.
Wala naman kasi akong panyong dala.

"Ano ka ba ija okay lang.Nga pala hinihintay na ako nila tito henry mo magdidinner kasi kami,mind if you join us ija?" Tanong nya.

"Naku tita wag na ho.pauwi narin kasi ako baka galit na galit na si kuya eh."

Pero ang totoo ayoko pa talagang umuwi. Sino bang gugustuhing umuwi kung paguwi mo sakit ng katawan aabutin mo diba?haist.

"Nako ija wag mo na intindihin yun si peter halika sigurado akong matutuwa sila henry kapag nakita ka nila."

Sabi ni tita. Oo nga namimiss ko na rin si tito henry ko pero nakakahiya parin dahil ang tagal na simula nung nagkahiwahiwalay kami kaya hindi ko alam kung ganun parin kami kaclose kagaya dati.

"Wag na ho tita salamat nalang" sabi ko sabay pilit na ngumiti.

Bumuntong hininga muna si tita bago sumagot.
"Okay if you insist.plano ko pa sanang patirahin ka sa bahay eh.miss na miss ka na namin ni tito elmo pati narin ang unico ijo ko." Malungkot na sabi ni tita yannie.

Sorry tita..

Gusto ko man pero ayokong maging pabigat.

"S-salamat tita.." Sabi ko.Para talagga syang pangalawang nanay ko.

"Okay ija.But if peter do this again hindi ako magdadalawang isip na kunin ka cassandra.you know how much i care for you para na kitang anak kaya hindi ko hahayang saktan ka ulit ni peter okay?" Sabi nya.
Tinawag akong cassandra ni tita,it means seryoso sya sa mga salita nya.

"S-sige po salamat tita" sabi ko.

Niyakap nya ako tapos hinalikan sa noo ko.

"Bye ija take care" sabi nya at humakbang na patalikod.

Hay.siguradong paguwi ko nandun parin yung boss ni kuya.

--

Halos hating gabi na nung umuwi ako.napapagod nako at sobrang sakit na ng mga mata ko.buti nalangat hindi ko naabutan yung boss ni kuya.

MARRYING THE ICE PRINCEWhere stories live. Discover now