Chapter one: Meet Cassy.

60 0 0
                                    

Cassandra's POV.

Napabalikwas ako ng bangon mula sa higaan ko ng maalala ko na may klase pala ako ngayon aish!. Pag talaga ako yumaman unang una kong bibilhin yung alarm clock tsk male-late pa yata ako.

Bumangon nako tsaka tinignan yung wrist watch ko.

OmO? 6:45 am na!! Shet.
Bumangon ako at dali daling pumunta sa CR mygad.

Pagbaba ko naabutan ko si kuya na umiinom ng alak.napabuntong hininga nalang ako. Palagi nalang syang ganyan. Minsan kahit di na sya kumain makalaklak lang psh wala na nga kaming pera panggastos nagwawaldas pa sya.

"Kuya bakit umiinom ka na naman?"mahinang tanong ko.

Tumingin sya sakin saglit tsaka binalik ulit ang tingin sa tv.

"Kuya palagi ka nalang ganya--"

"Wala kang pakealam!Kaya pwede ba? Umalis ka na bago pa magdilim yung paningin ko sayo!"sigaw nya kaya napaatras ako.

Palagi nalang bang ganito yung mangyayari araw araw?

Hayst. Kinuha ko na yung bag ko tsaka pumunta sa pinto.

"Alis nako kuya"paalam ko.

"Mabuti pa nga" mahinang sabi nya.
Ano bang problema nya sakin?sya na lang yung natitira sakin ganyan pa sya.

Paglabas ko napaka dilim pa.Hala? Anyare? Aish hayaan na nga.

Naglakad ako ng konti saka sumakay sa trycicle. Medyo malayo kasi yung school na pinapasukan ko.
Nga pala ako si Cassandra Cross. Wala na akong pamilya bukod kay kuya peter. Namatay kasi si mama sa sakit na leukemia sakit sa dugo.Sa pagkakaalam ko napasa kay mama ni lolo yung sakit na yon.Tapos si papa naman nagpakamatay ilang months pagkatapos mamatay ni mama.grade 10 nako sa EastWest university private school.galing no? Hindi kami mayaman pero sa private school ako nagaaral?Buti nalang talaga kahit papano namana ko kay mama yung pagiging matalino ny--

"MISS NANDITO NA TAYO!"jusko naman makasigaw to si manong.

Bumaba ako pagkatapos ay akmang papasok sa gate nung sumigaw si kuya.

"MISS YUNG BAYAD NYO PO!" aish kaylangan talagang isigaw?Buti walang masyadong dumadaan dito. Sabagay konti ngalang yung mga katabing building ng school na to.mga mayayaman kasi yung nagaaral dito maliban sakin hahah---

"OY MISS!"takte.

Lumapit ako kay manong tsaka inabot yung isang libo.Haha kala nyo mayaman ako?tsk nakalimutan ko lang talaga pabaryahan yan kagabi sweldo ko yan sa part time job ko.

*VROOOOOMMM!!*

HALA?! YUNG SUKLI KO!!

"MANOOOOONG!!"parang lalabas na yung lalamunan ko sa sobrang sigaw ko.
Pano na yan? Baon ko pa yon pang isang linggo!

Bwisit.Bwisit.Bwisit!!!!!

Pumasok ako ng gate at naglakad habang nakayuko.

"Hudas,barabas,satanas,manduruga--aray!" Wala na bang imamalas tong araw na to?! Nauntog lang naman ako sa pader -_-

Nagpatuloy ako sa paglalakad habang bumubulong.

"Hindi ka man lang ba magsosorry?"
Aba nagsasalita yung pader?pero boses lalaki eh.?

Tumunghay ako at tumingin sa paligid ko.
Hala wala pang masyadong tao.

Tumingin ako sa wristwatch ko at shit.
Hindi gumagalaw yung mga galamay so ibig sabihin hindi talaga ako late?hayst bat ba ang tanga mo cassandra!.

MARRYING THE ICE PRINCEWhere stories live. Discover now