Chapter four:Arrange marriage

28 0 0
                                    

Cassy's pov.

Naglalakad ako papuntang parking lot sasabay kasi ako kay uno dahil hindi ko alam ang sasakyan pauwi sa kanila.

Wala namang nangyaring kakaiba ngayong araw bukod sa medyo napapansin nako ng mga tao actually hindi lang sya medyo kasi kanina pagpasok ko palang nakatingin sila sakin.
Kaya nga iniisip ko kung mas magandang hindi nalang ako niligtas ni peterson kesa naman ganito yung trato nila sakin parang hindi na kami magkakaschoolmate psh.

"Tch what took you so long?" Napahinto ako sa paglalakad nung napansin kong malalagpasan ko na yung kotse ni peterson.

"Sorry na po mr.peterson highblood ka agad eh" natatawang sabi ko.
Muka kasing bagot na bagot na sya eh haha.

"Tch"Asar na tugon nya tsaka pumasok sa kotse.

Pumunta ako sa passenger seat at tahimik na naupo.
Mukha pa namang badmood si haring peterson ngayon.
Pagkarating namin sa bahay nila dali dali syang bumaba tapos dumeretso na papasok.

Aish bat ba ako umaasang pagbubuksan nya ako ng pinto?psh.

Bumaba ako tapos pagpasok ko wala pang tao.
Siguro nasa trabaho pa sila tita at tito no?
Umakyat ako sa kwartong tinutulugan tinutulugan ko para mag bihis.

Habang nagbibihis ako hindi ko maiwasang hindi maisip si peterson.

After ten years ngayon ko na lang sya nakita tapos andami pa nyang pinagbago tsk.hindi ba nya ako naaalala kaya ang sungit sungit nya?

Ten years ago...

"Akin na yan cassandra!" Hiyaw ni uno pagkatapos ko hablutin yung hawak nyang libro.

Tumakbo ako sa malayo para hindi nya agad ako mahabol.

"Bakit ka ba kasi nagaaral ngayon?buong araw na nga tayong nagaral eh!maglaro na muna kasi tayooooo!" Sigaw ko.

Pero hindi ko na matanaw si uno.

"Uno?" Sabi ko tsaka unti unting naglakad palapit sa pwesto kanina ni uno.

"Uno nasan ka na?" Naiiyak nako dahil baka pagalitan ako ni tita pag nalaman nyang nawawala si uno.

"Gotcha!"napalingon ako sa umagaw ng librong hawak ko.

"Kainis ka!hindi kita papansinin!hindi tayo bati!" Pagkatapos ko syang hampasin tumakbo ako palabas ng bahay nila.

Pinagtitripan nya kasi ako eh.e pano nalang kung dumating si tita?edi napagalitan pako pag nakita nyang wala si uno.

Umupo ako sa tapat ng gate nila habang hinahantay si kuya na sunduin ako.

"Sandra sorry na" napalingon ako kay uno nung nagsalita sya.

Hindi ko sya pinansin at tumingin sa daan.

"Kasi inagaw mo yung libro ko eh.tinaguan lang naman kita para maagaw ko yun sayo eh" dugtong pa nya.

"Eh pano kung napagalitan ako ni tita?eh pano kung napalo ako ni kuya dahil sayo?eh pano kung akala nila nawala ka dahil sakin?bahala ka dyan!hindi tayo bati!" Sabi ko tsaka tumingin sa daan.

"Cassandra!" Tumingin ako sa sumigaw.

"Kuya!" Tumakbo na ako palapit sa kanya at inaya syang umuwi.

Hindi pa kami nakakapasok ng bahay may humintong kotse sa harap namin.

"Cass anak pwede bang dun ka muna sa bahay namin?nagtatantrums na naman kasi si uno eh. Hindi daw sya kakain pag wala ka dun.Halika na. Peter dun muna si cassandra ha?" Sabi ni tita.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 17, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

MARRYING THE ICE PRINCEWhere stories live. Discover now