My assasin girl

128 3 0
                                    

Nadja's Pov

"Tigasan mo'lang ang katawan mo. Tibayan mo ito. Ito at ito" Turo ni papa sa kokote, braso at tuhod ko.

'Psh -_-. Ang hirap kaya!'

"Opo pa!" Sigaw ko habang nakataas ang dalawang kamay at naka squat.

Ako si Nadja Kit Payne. Lumaki ako sa isang kakaibang pamilya. Aware ako sa nangyayare sa paligid ko. Lalong lalo na sa trabahong meron ang pamilya ko. At ang alam ko'lang. Sa oras na tumungtong ako sa edad na disi'otso. Yun na rin ang magiging trabaho ko.

8 years old lang ako at tinuturuan na nila akong palakasin at palakihin ang katawan ko. Tinuturuan nila ako ng iba't ibang uri ng martial arts. Kahit pag gamit ng mga delikadong bagay. Sa edad kong to. Alam kona kung pano gumamit ng baril, ng espada. Lalong lalo na... alam kona kung pano pumatay -_-.

"Pagod na'ba ang anak ko?" Tanong ni papa habang inaayos ang mga arnis.

"Hindi uso sakin ang pagod papa. Mukang tumatanda na kayo papa ah? Kayo ata ang pagod" Ako habang inaayos ang mga gamit ko.

"Mag pahinga ka----"

"Hindi nga uso sakin yun papa. Babay! Mag eensayo lang ako mamana! Kumain na kayo! Babay!" Sabi ko sabay takbo. Hindi kasi ako nun papayagan -_-. May ibang tao kasi minsang gumagala sa pinag eensayuhan ko.

Dumeretso ako sa kulungan ng mga kabayo. "Kamustaaaaaaaaaa!" Hala -_-. Nagulat yung mga kabayo. Tss. Kinuha ko si Timmy. Saka dumretso sa gubat.

Kasalukuyan ko ngayong sinisipat ang layo ng target. Plano kong tamaan ang kulay pulang bilog. Dahandahan at marahan kong pinakawalan ang pana. Ng biglang.

dO_Ob

"Y-YAH! HOY BATA-- BA'T BA KASE. AISH! BA'T KABA SULPOT NG SULPOT DYAN! Aish -_-. Bwiset na buraot to. Aish!"

Lumapit ako sa kanya. Tinignan ko yung target at sapol sa gitna. Ganun din ang braso nya.

"A-aray!" Sabi nya habang sinusubukang tumayo. "W-woi, bata. Teka." Sabi ko, saka sya tinulungan tumayo.

'Masakit na nga yung braso sinusubukan pang tumayo -_-. Stupid.'

Dahil matalas naman ang dulo ng pana ko. Tinastas ko ang laylayan ng saya'ng ibinigay sakin ni mama. Nakooo, lagot ako neto. Itinali ko yun sa braso nya. Hindi naman ganun kalalim ang sugat na inabot nya. Hiwa lang yun dahil sa biglaang pag takbo nya sa gilid ng target.

"Woi bata. Ayos kalang? Sorry. Nag eensayo ako bigla kana lang kasing sumulpot. Masakit ba? Sorry." Sinserong sabi ko habang itinatali ang sugat nya.

"A-ayos lang. Sorry din. Ako nga pala si----" Si mama. "Nadjaaaaaaa!" Si mama. Lagot. "Babay! Sorry talaga. Uwi kana ha! Ingat. Ako nga pala si kit. Ingat ka. Kita tayo ulit!"

My Assassin GirlWhere stories live. Discover now