Advice #DearMenggivina 06

299 14 0
                                    

maine pov

Maaga akong gumising.. Naghilamos lang, kumain saglit.. nagsuklay syempre haha at agad nang dumeretso sa radio station Pasay.

Habang nasa loob ako ng kotse naisip ko yung pinayo sa akin ni Dj Bae.. Mahusay siya ah.. At tama ang sinabi niya mas dapat kong pagtuunan nang pansin ay kung anong nagpapasaya sa akin.. at ito ang pag-advice ko.

"Manong dito na lang.. salamat po! agad kong binigay ang bayad at bumaba na sa tapat ng cofee shop.

Radio station studio 23

"Rina! Agad kong tawag sa kaibigan ko.... Nakita ko siya'ng kumakain ng mcdo with cofee sa may mesa. Haaay Nagutom tuloy ako bigla.. Favorite ko pa naman ang mcdo.

"Nandito kana pala!. maraming naghihintay sayo!

"Huh? pagtataka ko.. Sino? agad kong tanong

"Eh di mga humihingi ng payo sayo haha"- haaayst akala ko kung sino na si rina talaga Oo.

"Haaay ewan ko sayo!.. Inirapan ko siya kainis kasi... Bago ko basahin ang mga fan advicer ko, Nagpatugtog muna ako.. Para naman mas Malalim ang mahugot ko na sagot hehe...

"God gave me you"- 🎶

For all the times I felt cheated, I complained
You know how I love to complain
For all the wrongs I repeated, 🎶

Sino kaya ang kumanta nito? grabe yung boses niya para bang hinihila ako papunta sa kanya? Haayst.. Oo si bryan white ang original kumanta nito... Pero Etong isang to haaay ewan...

though I was to blame
I still cursed that rain
I didn't have a prayer, didn't have a clue
Then out of the blue 🎶

inisa-isa ko nang binasa ang mga humihingi nang payo sa akin..

#1 From Samantha Aguilar #DearMenggivina "Isa po akong single mom, Nang mabuntis ako ng ama nang mga anak ko ay bigla nalang niya akong iniwan at ako na ang tumataguyod sa kambal kong anak. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Araw-araw ako nagtatrabaho para sa kanilang kinabukasan. Pero tila napapabayaan ko na sila... Wala naman po akong mapagiwanan sa kambal kaya lagi ko silang bitbit sa trabaho maliit pa kasi sila. Pero tuwing kasama ko sila napapagaan naman ang loob ko pero dahil bawal ang bata sa pinagtatrabahuhan ko ay lagi akong napapatalsik sa trabaho... Ano bang dapat kong gawin para magkaroon parin ng oras sa mga anak ko kahit di ko sila kasama sa trabaho? Salamat po..

( mahirap ang tanong niya ewan kung ano ang pwede kong ipayo sa kanya.. Haaay bahala na)

"Hello ms samantha.. Uhmm Ang maipapayo ko lang po sa inyo. mas mabuti siguro ay yung kunin mong trabaho ay yung halfday lang or kaya naman subukan mo dun sa Part time.. Siguradong magkakaroon ka parin ng oras para sa mga anak mo... at tsaka about naman dun sa lalaking nang-iwan sayo.. Haaayst grabe siya!!!, Inanakan ka, tapos iiwan ka nalang basta-basta eh napakawalang modo pala niyan eh!!!.. Halos Lahat ata ng lalaki ganyan grrr!!!!

"Uy hindi naman maine!. Grabe siya oh! biglang singit ni alex, napalakas pala sinabi ko hehe.. Siya naman ang assistant namin dito at Tagadala ng coffee sa amin.. Mabait yan pero medyo pikon nga lang haha

"Aaay Narinig mo pala hehe.. Sorry nadala lang ako! 😁✌ Binalikan ko ang pagttype... "Ayy sorry.. Nadala lang ako sa sinabi ko ah.. Sana natulungan kita miss. Samanta :) "-

nagbreak muna ako sa may mcdo.. Katabi lang siya ng cofee shop.... Habang kumakain ako ng Chicken and Fries.. Nanlaki ang mga mata ko sa aking nakita... Si alfred.. Si alfred na ex boyfriend ko.. Nandito siya!. At ang masakit, kasama niya yung babaeng humalik sa kanya!!!!.. Ang kapal rin talaga ng mukha niya!!!!!

"haaaaa!!!! Dahil sa galit ko tumilapon ang kinain ko nakalapag sa mesa na kinakain ko. Nagtinginan ang mga tao na kumakain rin nang mga sandaling iyon. At nakita rin ako ni alfred.. Galit at poot ang naramdaman ko nang mga sandaling iyon...Gusto kong humakbang pero hindi ko magawa. Palapit na siya nang palapit sa akin.

"Maine?! Tipid niya'ng sabi or tanong sa akin?.. Ang kapal talaga ng mukha niya grrrr at sinama pa niya ang pinalit niya sa akin...

"Maine anong ginagawa mo dito?.. Ang tagal kitang hindi nakita ah! Saan kaba nagpunta?"- at yun talaga ang tinanong niya sa akin?...Ang kapal talaga no!.. Hindi ba niya alam ang ginawa niya sa akin? Para niya akong pinako sa krus sa sobrang sakit wala na akong maramdaman... Hindi ko namalayan biglang tumulo na ang aking mga luha at agad ko naman yung pinunasan.

"Aalis na ako!.. Waiter!, Kunin mo nalang dito ang bayad!. "- pigil ang aking iyak habang sinasabi yun!.. At agad nang nilisan ang fast food na yun!. Narinig ko muli niya'ng tinawag ang pangalan ko "Maine!.. maine sandali mag-usap tayo!!.."- Hindi ko na siya nilingon pa at patuloy lang ako sa paglakad... Mag-usap? At ano pag-uusapan namin?.. Ipapakilala niya ako sa bago niya'ng girlfriend?.. Kung hindi rin talaga makapal eh no!..

--

"Alfred sino yun?"-

"Ahh Kaibigan ko halika pasok na tayo"-

***
God gave me you to show me what's real
There's more to life and just how I feel
And all that I'm worth is right before my eyes
And all that I live for though I didn't know why
Now I do, 'cause God gave me 🎶

agad akong pumasok sa radio station at patuloy parin ang pagpatak ng mga luha ko. Mas lalo pa akong naiyak dahil sa kantang aking naririnig.

"Maine!.. Sandali umiiyak kaba? Napansin rin pala yun ni rina.. Sino ba naman hindi makakapansin eh parang gripo na tong luha ko.. Wala to!... pagtanggi ko, at agad nang nagbasa nang mga payo. "

#2 From Sarah Mendoza #DearMenggivina "Highschool palang po ay magkaklase na kami ni ivan.. Noong graduation po ay nagulat ako nang magtapat siya sa akin.. At naging kami po 2 yrs... Akala ko magtatagal pa nang more than 2 years ang aming relasyon, pero sa aming second anniversary, pinuntahan ko siya sa pinagtatrabahuhan niya... Sosorpresahin ko sana siya pero ako po yung nasorpresa niya... Sapagkat nahuli ko pong may hinahalikan siya'ng babae.. Napakasakit po nun.. Dumaan pa ang isang taon pinilit kong kalimutan siya.. Pero Kahit anong pilit ay hindi ko siya magawang kalimutan.. at isang araw muli kaming nagkita kasama ang Bago niya'ng kasintahan.. Ano po bang maipapayo nyo sa akin para mawala na ang sakit at tuluyan na siya'ng makalimutan?

hindi ko alam ang gagawin at isasagot nang mga sandaling iyon halos magkatulad kami nang kapalaran nang isang ito.. O talagang pinaglalaruan lang ako ng kapalaran.

"Nagmahal, nasaktan"- Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon