Calvin Ken Ti: Lider ng mga cassanova ang tawag sa kanya dahil siya daw ang pinakabarumbado pag nagalit at ang pinakababaero sa grupo. Tahimik palagi pero Teritorial. Playing Coach ng Fame High Basketball team. Vocalist ng bandang The Triumph. Anak mayaman at apo ng Prinsipal sa pinapasukan nilang FAME HIGH.
Junelle Santiago - Half-Spanish. Team Captain ng TH Basketball Team dahil puro laro ang isip. Siya ang pinakamagaling magpalakas ng loob ng team. Palabiro at masayahin. Anak ng may ari ng Santiago Resto Bar na sikat sikat sa Spain at may branch dito sa Pinas.
Mark Alicoh Chan-Siya ang cassanova na nagpapalit palit ng babae na parang damit lang bago makilala si Shanell. Anak ng retirong Heneral at isang pulis. Siya ang pinakamaingay ang bunganga sa lahat at pinakamakulit. Ace player ng Team.
Miko Aranchez- Siya ang pinakamabait sa grupo. Pinakamatinong kausap sa apat pero Bipolar na tao. Anak ng Kapitan ng Barko at hndi kilala ang nanay niya dahil iniwan sila.
_________________________________
Sabrina Anj Felicity: Isang maprinsipyong babae. Kung anong alam niyang tama yun ang ipaglalaban niya. Galit na galit sa mayayabang at walang respeto sa babae.
Althea Dominguez- Simple lang ang pamumuhay. Isang Model ng isang sikat na Perfume Brand. Magaling manamit. Transferee. Sensitive kaya madali masaktan. Misteryoso pero mabait.
Shanell Del Moral - Siya ang babaeng mataray na galit sa kapwa mataray. Sarcastic at mahilig mambasag ng kausap lalo na kung alam niyang Playboy at may masamang ugali. Cheerdancer ng TH basketball team.
Vanerie Tsui- isang varsity ng taekwando sa FAME HIGH. Mabait pero makulit paminsan-minsan. Anak ng Isang CEO ng Tsui Royal Inc.
Calvin Ken's Pov
KkkkRINGGGGGGG!!!!!!!!! 4:00 AM na !! Tumunog na ang alarm clock ko at agad akong nag-unat ng katawan para mabuhayan naman ang aking dugo.
Maaga akong nagising ngayong araw. Siyempre karamihan naman sa mga estudyante ay excited pumasok sa unang araw sa paaralan. Excited ako hndi dahil sa mga bagong matututunan ko pero para sa mga bago kong mga chicks na mkikilala. Oo, sakin lang ang gusto ko at kahit ang tatlong kaibigan ko ay hindi pwedeng agawin yun.
Ako si Calvin Ken Ti, anak ng isang mayamang Don sa probinsya ng Minerva at isang retirong Nurse. Ako ang lider ng grupo namin. Banda kami minsan sa bar nila Junelle at para may magawa naman kami at di puro sa apartment lang, boring rin kasi at minsan Basketball Player kapag start na ang intramurals. Itong darating na pasukan, 4th year na kami sa FAME HIGH. Principal ang lola ko dito kaya okay lang na paminsan-minsan na magditch sa mga klase. Pero kapag may nagsusumbong kay lola, napaparusahan ako palagi.
______________
"Hayss, itong mga ito akala nila bakasyon parin" bulong ko sa sarili.
Dahil maaga pa naman lumabas muna ako sa Apartment na tinutuluyan naming magkakabarkada. Yes, apartment ito ni Junelle na nabili niya sa kakilala ng parents niya na inupahan namin kasi gusto ni Junelle na maging independent. Yun ang sabi niya pero kasama niya naman kami. Tukmol talaga.
Nakajogging pants at sweater na may nakalagay na bluetooth earphone sa tenga ako ngayon para naman mas relax habang pinapawisan ako. Halos 30 minutes din akong nagtatakbo ng mabagal hanggang sa makaramdam ako ng pagod.
"hayss kapagod pala talaga magjogging. Antagal ko naring di ginagawa ito simula nung umalis siya. Kamusta na kaya siya doon sa Amerika?'' sabi ko.
Mga labinlimang minuto din ako nagpahinga nang abutin ako ng pagkauhaw kaya naghanap ako ng Gatorade sa may malapit na store
"Pabili pong Gatorade Nay Maring" sabi ko sa matanda. Dito kasi ako lagi nabili dhil maaga silang nagbubukas.
"oh ikaw pala yan Bino, mabuti naman at nakadaan ka ulit dito. Oh ito na yung Gatorade mo." sagot niya. "Salamat po Nay, ou nga po,antagal na po kasi nung huli ko itong ginawa tatlong taon narin po siguro ano?" sabi ko.
"Namimis mo na siya siguro. Ayy anak sasabihin ko pala sayo na" sabi ng matanda ng may biglang sumigaw na galing sa loob ng store."Nayyyyyyy!!!!!!!" sigaw galing sa loob.
"Wait lang anak ah, mukhang kailangan ako sa loob'' sabi niya.
"Sige po nay,alis narin puh ako kasi unang araw na po ng pasukan sa school"sagot ko sa kanya para magpaalam at tumango din siya sakin.
Pabalik ako sa bahay ng may bigla ako naalala. "Sino kaya yung napakaingay na babae na yun knina sa tindahan ni nay Maring?" tanong ko sa sarili ko pero hndi ko na inisip pa masyado baka masira lang ang araw ko sa istorbo na yun.
-Sa Apartment
Pagkapasok ko sa loob mukhang tahimik parin at tulog pa ang mga kumag kaya may naisip akong gawin.TRNG! TrNG! TRNG ! TRNG!
"SUNOG!! HOY MAGSIGISING KAYO! MAY SUNOG!" pasigaw na sabi ni Mark habang natataranta kaya agad agad bumangon ang mga natutulog na mga kumag at dali-daling lumabas ng Apartment. Inilapit ko kasi ang sinunog kong papel sa fire detector kaya nag-activate ito para magising na sila tapos kumuha na ako ng tuwalya para maligo na kasi 5:15AM na at 7Am ang unang klase naming apat. Magkaklse din kami. Habang naliligo sa banyo di ko mapigilang humalakhak sa tawa sa mga nagsisigaw ng sunog sa Bedroom kanina.
YOU ARE READING
Fated To Love Each Other
Teen FictionKwento po ito ng apat na mga mayayamang cassanova na walang ibang ginawa kundi manakit at maglaro ng mga damdamin ng mga babaeng nagkakagusto sakanila. Pero dahil sa mga dadating na apat ding mga babae magbabago ang magiging takbo ng buhay ng mga ca...