TFLEO#9: Secret

3 0 0
                                    

Junelle's POV:

Nandito kami ngayong walo sa rooftop ng building nakatambay dahil wala kaming klase sa oras na ito. Absent ang Teacher namin at may pinaiwan lang siya sa amin na gagawin. Si Mark at Shanelle ay masayang nagkkwentuhan tungkol sa Date nila nung nakaraan. Si Sab at Ken naman ay nagkakantahan dahil dinala ni Ken sa taas yung gitara niyang nakalagay lang doon sa office ng lola niyang principal. Sila Miko at Vanerie ay nakikinig lang sa pagkanta nung dalawa. Napansin kong parang nakakunot ang mukha ni Althea habang tinitingnan niya ang kanyang celphone. Nilagay niya ito sa bulsa at kapag tumunog ito ay agad-agad niya ring binubuksan ulit para tingnan. Tingin ko ay may katext siya ngayon pero ang nakakapagtaka ay yung reaksyon ng mukha niya. Tingin ko ay may problema na naman siya. Habang nagtatype siya sa celphone ay napansin kong may tumatawag sa kanya kaya lunayo siya sa amin para sagutin yun. Bakit kaya kailangan pa niyang lumayo? Naisipan ko nalang na magcomfort room muna para makapaghilamos at mag-ayos. Nadaanan ko kung san banda si Thea at narinig ko na parang nagmamakaawa siya sa kanyang kausap.

"Please po. Huwag niyo muna po putulin yung tulong na binibigay niyo sa akin para makapag-aral ako sa paaralan na ito. Kahit mgayong taon lang na ito." Pagmamakaawa niya sa kausap.

"Pupunta po ako ngayon jan. Please po pagbigyan niyo po sana ang hiling ko." Sabi niya at dali-daling bumababa ng building.

Siguro makikipagkita siya sa kausap niya. Pero tulong? Sino ang tumutulong sa kanya at bakit kailangan pa niyang magmakaawa sa pag-aaral niya. Walang pag-aalinlangan ay sinundan ko siya ko siya kung saan siya papunta. Hindi na ako nagpaalam sa iba dahil ayokong pati sila ay mag-alala at tingin ko ayaw ni Thea na may makaalam dito kaya hindi niya samin sinasabi.

Nakita kong sa isang mamahaling resto siya pumasok kaya hinintay ko yung pagkakataon na makapasok na hindi niya napapansin. Umupo ako malapit sa kanila mabuti nalang at maraming tao kaya hindi niya ako mapapansin. Tinakpan ko nalang ng Menu na inabot ng waiter yung mukha ko habang nakikinig sa kanila.

" Nagkaproblema ang kumpanya ko kaya hindi ko na kayang sustentuhan ang pag-aaral mo sa pribadong paaralan na pinapasukan mo." Sabi ng matandang kausap ni Thea.

"Please po. Kahit ngayong taon nalang po Mr. Panaksil at huling taon ko na po ito sa High School. Hindi ko po kayo mababayaran kung maghahanap ako ng trabaho na kahit highschool ay di ko natapos."pagmamakaawang sabi niya.

"Sige. Papayag akong ipagpatuloy mo ang pag-aaral mo doon basta ibigay mo ang gusto ko." Sabi nung matanda.

"Wala naman po akong magagawa ay isa po wala pa po ako sa tamang edad para po magpakasal na sa inyo."sagot ni Thea.

"Hindi iyon ang tinutukoy ko. Ikaw mismo" sabi ng matanda na nakatingin sa katawan ni Thea.

Walanghiyang matanda ito. Tatayo na sana ako para suntukin siya pero pinigilan ko lang ang sarili ko dahil hindi naman pwedeng manghimasok ako sa buhay ng buhay. Ano ang ibig sabihin nito. Nakita kong tumayo si Thea na parang wala sa sarili habang ang kausap niya ay nakangusing may masamang balak sa kanya.

"Hindi na ako makapaghintay sa gusto kong makuha sayo!" Patawang sabi nung matanda.

Naiinis ako pero hindi pwedeng maging agrisibo. Sa halip ay sinundan ko nalang si Thea at sa isang fastfood siya pumasok.

"Shit! Nasama pa ako sa natanggal. Malas naman! Kelangan ko na maghanap ng ibang trabaho" sabi nung isang lalaki na galing sa loob ng fastfood na mukhang natanggal.

Maya-maya ay lumabas na rin si Thea kasunod nung babaeng nakaformal na parang Manager. Nagmamakaawa siya dito.

"Please po ma'am hindi po pwedeng matanggal ako sa trabaho. Kailangan ko po ng pera." Paiyak na pagmamakaawang sabi ni Thea.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 24, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Fated To Love Each OtherWhere stories live. Discover now