Althea's POV:
Ansakit ng ulo ko pagkagising. Napadami talaga ang inom ko kagabi sa bar. Nakatingin lang ako sa may kisame ngayon. Iniisip ko kung anong mga nangyari kagabi. Halos wala akong maalala sa nangyari kagabi. Ang huli kong naalala ay kausap ko ang katabi kong kaklase sa loob ng sasakyan niya. Bigla kong naisip kung anong nangyari pagkatapos nun.
"Ahhhhhhhhhh!!! Nasaan ako??!!!" sigaw ko bigla dahil hindi ko alam kung ano na nangyari pagkatapos noon at kung nasaan ako ngayon.
Maya-maya ay nakita ko si Tita Medel na dali-daling tumakbo papunta sakin.
"ANONG NANGYAYARI THEA? tanong niya sakin.Hindi ko napansin na nasa bahay pala ako. Kaya kiniwento lahat ni tita ang nangyari. Buti nalang andito si tita. Si tita Medel nalang kasi ang natitirang pamilya ko. Si Daddy kasi naaksidente dahil sa sobrang pag-iisip niya sa utang namin kay Mr. Panaksil. Si mama naman namatay noong ipinapanganak palang ako. Dahil sa ako nalang ang natira,sakin na naiwan ang lahat ng pagkakautang ni Daddy.
Ipinagkasundo ako ng daddy ko kay Mr. Panaksil para ipambayad utang ayon iyon kay Mr. Panaksil mismo. Galit na galit ako sa Daddy ko. Hindi ko maisip na kaya niyang gawin sakin yun. ang alam ko mahal na mahal ako ng Daddy ko. Naalala ko pa noong bata pa ako lagi kami magkasama at sabi niyang mahal na mahal niya ako.Flashback
"Anak, kahit anong mangyari ayokong magkaroon ng kasalanan sa iyo. Ayoko magkaroon ng dahilan para ikakasuklaman mo ang Daddy. Alam mo anak? Kung buhay lang sana ang Mommy mo,masayang masaya iyon kasi kapag titingnan ka niya para narin siyang nakatingin sa salamin. Kamukhang kamukha mo kasi ang Mommy mo anak. Kaya anak pag nagmahal ka sa susunod,dapat yung mahal mo at yung mahal ka lang ha?" sabi sakin ni Daddy.
"Ako rin po Daddy. Ayoko po magkaroon ng kasalanan sa inyo. Daddy wag niyo po ako iiwan ha? Si Mommy po sabi mo dati,pinili niya po na ako yung mabuhay para po ako na yung magbantay sayo? Daddy kahit ano po mangyari love ka love ko po kayo. Magiging good girl po ako lagi Daddy para hindi ako mahirapan na makilala ang lalaking mamahalin ko at mamahalin ako"sagot ko sa Daddy ko.
End of Flashback
Nagbago lang lahat noong napeste ang maisan. Umutang si Daddy kay Mr. Panaksil para ipangpuhunan niya sa bagong negosyo. Halos wala ng naaning mga mais sa taniman namin dahil sa dami ng peste na kumain ng mga bunga ng mais.
Simula noon, lagi nalang abala si Daddy sa pwede niyang pagkakitaan. Isang araw, pumunta si Mr. Panaksil sa bahay at sinabi sa amin na lumaki na sa Isa't kalahating Milyon ang utang ni Daddy. Nagmakaawa si Daddy na wag naman masyado lagyan ng malakin Interes ang utang niya pero hindi pumayag si Mr. Panaksil. Wala siyang konsensya. Umalis si Daddy at kinaumagahan nabalitaan nalang namin na naaksidente siya. Halos lahat ng luha ko binuhos ko na sa pagkawala ni Daddy. Isang taon ang nakalipas. Bumalik ang walang puso sa bahay at sinabi na gagawing pambayad sa mga utang namin ang bahay ,sasakyan at pinakita niya ang kasunduan nila ni Daddy na Ipapakasal ako sa kanya para pambayad ng utang.Halos napaiyak na ako ng maalala ko ang nangyari dati.
"Anak,okay ka lang ba? Naku buti nalang namukhaan ni Junelle ang mga lalaking nambastos sayo sa bar kundi baka kung ano na nang nangyari sayo ngayon." sabi ni tita sa akin.
"Oo nga po tita. Sorry rin po pinag-alala ko po kayo. Ito po pala tita" sabi ko sakanya sabay abot ng pera.
"Naku Althea, wag na! Idagdag mo nalang yan sa iniipon mo para ipambayad sa walang hiyang iyon." sagot ni tita sakin pero nilagay ko parin sa bulsa niya ang pera. Malaki ang utang ba loob ko kay tita kasi siya na ang tumayong magulang ko simula nung magimg ulila na ako.
Kumain na kami ng mga hinanda ni Tita. Nagkwentuhan kami hanggang sa mag-4PM .May trabaho pa kasi ako bilang model ng isang sikat na perfume. Dito ko kinikita ang pang-araw-araw na gastusin namin ni Tita Medel. Sabado at Linggo ang pagmomodel. Pagktapos naman ng klase nagtatrabaho ako sa isang sikat na fastfood para pandagdag sa ipon ko.
_________________________________
Junelle's POV:Chinicheck ko ang mga gamit ko ngayon at napansin kong wala na akong mga wax para sa buhok ko at pabango. Naisipan kong magpunta sa mall pagkatapos magsimba para mamili. Yung tatlo susunod nalang daw sa mall pagkatapos nilang magjogging para matanggal yung alcohol nila sa katawan.
"Ayysstt. Kahit dito ba naman pinagtitinginan parin ako ng mga tao" bulong ko sa sarili ko. Halos lahat kasi ng mga babaeng nakakasalubong at nadadaanan ko ay nakatitig sa akin.
Napansin kong may Nagpopromote ng isang sikat na perfume sa mall. Paalis na sana ako nang may nakita akong pamilyar na mukha.
"So model pala siya.Kunsabagay bagay nga naman siya makamodel. May mga panlalaki kaya silang pabango? kausap ko sa sarili ko at agad lumapit sa show ng perfume. Nilapitan ko si Thea pero parang naiilang siya na kausapin ako kaya sa ibang model nalang ako lumapit.
"Miss may para ba sa mga lalaki dito sa brand new, Yung babagay sa akin?" tanong ko sa isang model ng Perfume.
Pinakita at pinaamoy niya sa akin pero wala akong nagustuhan kaya nagpaalam na ako at aalis na.
"Junelle try mo ito" nagulat ako sa nagsalitang si Althea. Inabot niya sa akin ang hawak niyang perfume at natuwa ako kasi kaamoy nito ang pabirito kong pabango. Hindi, mas gusto ko pa ito, hindi masyadong masakit sa ilong at napakabango.
"Salamat Althea. Sige kukuha ako ng isang Dosena ng ganitong klase." sagot ko sa kanya na ikinagulat niya.
"Isang Dosena?!!" seryoso po ba kayo sir? nagtatakang tanong niya sakin
"Oo. Doseng ganyan. Yan na ang paborito ko simula ngayon"sabi ko. Alam niya siguro yung pabango na gamit ko dahil sa katabi ko siya lagi sa classroom.
Agad niyang inabot sakin ang binili ko pagkatapos kong bayaran ang mga ito.
"Ehhm. Junelle. Salamat pala doon kagabi ah." sabi sakin ni Thea.
"Libre mo nalang ako para makabawi ka. hahaha"sagot ko sakanya sabay ngiti na parang nangungumbinsing pumayag siya.
"Sige. Mamaya pagkatapos nito. Kaso parang pauwi kana e. Next time nalang?" sabi niya.
"Hindi pa. Inaantay ko pa naman ang mga kaibigan ko ee. Sige dito.muna ako." sagot ko sa kanya.
Nang matapos na ang duty niya. Niyaya niya ako sa loob ng McDonald's para ilibre.
"Isa pong fries at coke" order niya.
"Order kana ng sayo Junelle. Ito lang sa akin di pa naman ako gutom." pangiting sabi niya sa akin pero alam ko naman na nagtitipid siya."Dalawa pong Fried chickn,Halu-halo. Spaghetti,coke at ice cream" sabi ko sa crew.
Napansin ko ang pagbabago mg mukha ni Althea. Hehehe. Ako naman ang magbabayad e. Alam kong gutom na siya dahil 4 na oras yung pagmomodel kanina ng pabango. Kaya bago pa niya makuha ang wallet binayaran ko na lahat.
"Ito miss bayad sa order ko at kanya" sabi ko sa crew. Magsasalita na sana si Thea kaso inunahan ko na siya.
"Hindi ako sanay magpalibre sa babae" sabay kindat ko sa kanya na ikinamula ng mukha niya. Nagpasalamat nalang siya.Habang kumakain kami ay marami kaming napag-usapan. Hindi naman pala siya ganun kaweird na babae. Sinabi niya rin sa akin ang trabaho niya.Napakaresponsable niyang tao kaso mahina talaga siya kapag naaalala niya ang mga problema niya .
YOU ARE READING
Fated To Love Each Other
Teen FictionKwento po ito ng apat na mga mayayamang cassanova na walang ibang ginawa kundi manakit at maglaro ng mga damdamin ng mga babaeng nagkakagusto sakanila. Pero dahil sa mga dadating na apat ding mga babae magbabago ang magiging takbo ng buhay ng mga ca...